DAHLIA POINT OF VIEW
Dinala ako ni Ms. Caty sa isang kuwarto na medyo pribado, ngunit sapat na malawa para marinig ko ang bawat detalye ng kanyang sasabihin. Nakaramdam ako ng kaunting kaba habang tinitingnan niya ako mula ulo hanggang paa.
“Ito ang isusuot mo ngayon, Dahlia,” sabi niya habang iniaabot sa akin ang isang puting dress. Maganda, elegante, ngunit maiksi at backless. Naramdaman kong bahagyang nanginginig ang aking mga kamay.
“Tandaan mo, kung hindi ka komportable, puwede mo akong tawagan o senyasan,” bilin niya.
“Opo, Ms. Caty… pero ano po ba talaga ang gagawin ko? Sasayaw po ba ako sa harap ng mga tao?” tanong ko, hindi mapigilan ang kaba sa boses ko.
“Hindi, sa may gilid ka lang ng counter. Doon ka lang, at mag-entertain sa mga costumer na pupunta o lalapit sa iyo. Puwede ka ding pumunta sa bar counter para makipag-usap sa kanila,” paliwanag niya.
“Yun lang po?” tanong ko ulit, halos gusto ko nang umalis.
“Bakit, gusto mo bang ikama ka nila?” sagot niya, halatang tinutukso ako.
“A-ano po? Ok na po ako sa pag-entertain, Ms. Caty,” sagot ko, nag-aalangan.
“Alam ko naman hindi ka pa handa, kaya ito ang ibibigay ko sa’yo sa simula. Kapag may nag-book sa’yo at gusto kang makausap, may tip ka bukod sa sahod mo. Galingan mo lang,” aniya.
“Usap lang po, diba?” tanong ko.
“Opo, table only ka lang. Bawal kang hawakan sa mga parte ng katawan mo tulad ng dibdib o hita. Ok lang na akbayan ka o hawakan sa kamay, pero iyan lang,” paliwanag niya.
“Salamat po, Ms. Caty,” bulong ko.
“Galingan mo rin sa pakikipag-usap para malaki tip mo. Sa una lang nakakailang ka, pero kapag tumagal, masasanay ka rin. O sya, magbihis ka na. Lalabas na ako para asikasuhin ang costumer, at ipapabili na lang kita ng ibang tauhan,” sabi niya, sabay ngiti.
“Opo, salamat po ulit,” sagot ko, halos nanginginig ngunit may halo ring excitement at kaba sa bagong yugto ng buhay ko.
Paglabas ko mula sa kuwarto, agad kong naramdaman ang kakaibang hiya at kaba. Halos lahat ng mata sa paligid ay nakatingin sa akin, at lalo pang tumindi ang pakiramdam ko dahil sa suot kong puting dress—maikli, elegante, at backless. Hindi ko maiwasang maramdaman ang init sa aking pisngi at bahagyang panginginig ng katawan. Naninibago ako, ramdam kong naiiba ang aking itsura kumpara sa dati, ngunit pilit kong kinakalma ang sarili at inuulit sa isip ko kung bakit ako naroon. "Dahlia, ito ang hakbang mo para sa kinabukasan," sabi ko sa sarili. "Para sa pag-aaral mo, para sa pamilya mo, at para sa pangarap mo."
Habang dahan-dahan akong naglalakad patungo sa counter, sinisikap kong magsimulang ngumiti sa mga kostumer, kahit na kaunti pa lamang ang aking kumpiyansa. Ang bawat tingin sa akin ay tila nagdadala ng halong hiya at kaba, ngunit unti-unti, nasasanay na rin ako sa paligid. Napansin kong may ilang kostumer na nagpakita ng interes, kumakausap ako ng mahinahon at sinusubukan ang maliit na chika kahit kaunti lang ang aking karanasan.
Habang ako’y abala sa pakikipag-usap, may isang babae ang lumapit ang babaeng kanina ko pang pinagtanongan sa labas. May magaan siyang ngiti sa labi at may halong kuryosidad sa mga mata.
“Hi, ako si Rebecca. Ikaw, ano ba ang pangalan mo?” tanong ng babae nang magpakilala siya.
Agad akong humarap at nagsabi, “Ako si Dahlia.”
Tumango siya, at may halong kuryosidad sa mga mata, nagtanong ulit, “Anong trabaho ba ang ibinigay sa’yo ni Ms. Caty?”
“Entertainer… bakit po?” tanong ko, bahagyang nanginginig ang boses.
“Ahh, siguro hindi ka pa handa na magpa-kama, kaya iyon ang ibinigay sa’yo. Mukha ka pa namang bata, kaya normal lang ‘yan,” paliwanag niya, tila may halong pang-unawa.
Naghalungkat ako ng kaunting kaba. “Nag-aaral pa po ako… 20 years old lang ako,” bulong ko, parang nangangailangan ng paumanhin.
“Kaya pala. Pero alam mo, masasanay ka din,” tugon niya, may ngiting nagpapagaan sa sitwasyon.
“Siguro nga… Pero sa ngayon, ayos na tong trabaho ko,” sabi ko, pilit kinakalma ang kaba ko.
Ngunit ngumiti siya at nagdagdag, “Pero malaki ang bigay kapag natake out ka ng costumer.”
Napangiwi ako sa sinabi niya, para bang ulam lang ang ini-explain niya. “Ano ibig mong sabihin?” tanong ko, halos hindi makapaniwala.
“Ibig kong sabihin, kapag inilabas ka ng costumer at nakakasiping, malaki ang bayad, bukod pa sa tip mo at sahod. Minsan, bibigyan ka pa ng costumer depende sa galing at performance mo,” paliwanag niya.
“Ganoon?” bulong ko, hindi makatiis ang kaba at takot sa iniisip.
“Oo… malay mo, mahanap mo ang sugar daddy mo na susustento sa’yo, diba?” dagdag niya, parang masaya at excited sa ideya.
“Anong sugar daddy?” tanong ko, halos natigilan sa biglaang term.
“Ano ka ba naman? San ka ba galing, planeta? Hindi mo alam? Sugar daddy yung matandang mayaman na ibibigay sa’yo lahat ng pangangailangan mo at gusto mo… kapag nagustuhan ka,” paliwanag niya nang may halong confidence.
Sa isip ko, bumaligtad ang sikmura ko. Matandang lalaki sa gabi-gabi… at makakasiping… kahit hindi ko pa makuha ang gusto ko nang mabilis, ramdam ko ang kakaibang kaba at takot.
Biglang may nag salita sa likod ko. “Ano ‘yang ginagawa mo, Becca? Kay Dahlia? Binubugaw mo ba siya?”
Nagulat ako. Ang boses pala ni Ms. Caty.
“Sinasabi ko lang, Ms. Caty, ang magandang trabaho dito sa bar,” sagot ni Rebecca, medyo defiant pero may respeto.
“Sus, hayaan mo si Dahlia kung saan siya komportable. Yan ang ibinigay ko sa kanya dahil alam kong hindi pa niya kaya ang trabahong tinutukoy mo. Kaya tigilan mo na siya at pumunta ka na sa pwesto mo,” sabi ni Ms. Caty, malinaw at mahinahon pero may awtoridad.
“Opo, sige, Madam Caty,” sagot ni Rebecca, pero bago pa siya tuluyang umalis, tumingin siya sa akin, ngumiti, at kumindat, na para bang sinasabi,
“Kaya mo ‘to.”