CHAPTER 7

1300 Words
AELIX POINT OF VIEW Paglabas ko ng building ng kompanya, tahimik na ang paligid. Iilan na lamang ang mga sasakyan sa kalsada at malamig na ang simoy ng hangin ng gabi. Sumakay ako sa kotse ko at agad itong pinaandar pauwi sa mansion namin. Habang nagmamaneho, paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang sinabi ni Lola kanina sa telepono, pati na rin ang mensahe ni Laurence tungkol sa probinsyang tinutuluyan niya. Makalipas ang ilang minuto ay narating ko rin ang malaking gate ng mansion namin. Kusang bumukas ang gate nang makilala ng guard ang sasakyan ko. Dahan-dahan akong pumasok sa malawak na driveway hanggang sa tuluyang ihinto ang kotse sa harap ng bahay. Ngunit bago pa man ako tuluyang makababa ng sasakyan, napansin ko na agad ang isang pamilyar na pigura sa may pintuan ng mansion. Nakatayo roon si Lola Els. Bahagya siyang nakasilip sa pintuan, tila matagal nang naghihintay. Nakahawak pa siya sa doorknob habang pilit na sinisilip kung dumating na ba ako. Kahit mula sa loob ng kotse ay kitang-kita ko ang kanyang sabik na mukha. Napailing na lang ako habang nakasandal sa manibela. “Grabe talaga ang matandang ‘yon…” bulong ko sa sarili ko. “Parang bata na naghihintay ng pasalubong.” Huminga ako nang malalim bago tuluyang binuksan ang pinto ng kotse at bumaba. Hindi pa man ako nakakalapit ay agad nang bumukas nang tuluyan ang pinto ng mansion. “Aelix!” masigla niyang tawag, para bang ilang araw kaming hindi nagkita. “La… kanina lang tayo nag-usap sa telepono,” sagot ko habang naglalakad papalapit sa kanya. “Eh ano naman kung kanina lang? Iba pa rin kapag nakikita kita nang personal,” sagot niya habang nakangiti. Napailing na lang ulit ako, ngunit sa kabila ng lahat ay hindi ko maiwasang mapangiti nang bahagya. Sa dami ng tao sa mundo, siya na lang talaga ang natitira kong pamilya. “At saka,” dagdag niya habang hinahawakan ang braso ko at pinapasok ako sa loob ng bahay, “naglutong ako ng paborito mong pagkain.” Napatingin ako sa kanya. “La, alas-dose na ng gabi.” “Kaya nga late dinner,” mabilis niyang sagot. Hindi ko na napigilan ang mapatawa nang mahina habang sinusundan siya papasok ng dining area. Pero kahit masaya ang lola ko, alam kong hindi pa tapos ang usapan namin ngayong gabi. Sigurado akong may susunod na naman siyang sermon Tungkol sa pag-aasawa. At sa paghahanap ng babaeng makakasama ko habang buhay. Pagpasok namin sa loob ng mansion, agad akong dinala ni Lola sa dining area. Nakaayos na ang mesa, at halatang matagal na itong naghihintay sa akin. May mga pagkain na nakahain na, at ang ilan ay nakatakip pa para siguradong mainit pa rin kahit gabi na. “Umupo ka na diyan,” sabi ni Lola habang inaayos ang upuan ko. Napailing na lang ako ngunit sumunod. Naupo ako habang pinagmamasdan siyang naglalakad papunta sa kusina para kunin ang isa pang plato. “Masyado ka talagang nag-abala, Lo. Kahit hindi mo na sana ako hinintay,” sabi ko. “Hmp! Siyempre hihintayin kita. Apo kita,” sagot niya habang inilalapag ang plato sa harap ko. Isa-isa niyang inalis ang mga takip ng pagkain. Amoy pa lang ay alam kong paborito ko nga ang niluto niya adobo at mainit na sabaw. “Kumain ka na habang mainit pa,” sabi niya habang nilalagyan ng kanin ang plato ko. Napabuntong-hininga ako bago nagsimulang kumain. Kahit pagod ako sa buong araw, hindi ko maitatanggi na masarap pa rin ang lutong-bahay ni Lola. Habang kumakain ako, naupo siya sa tapat ko at pinagmasdan ako. “Kumusta ang araw mo sa opisina?” tanong niya. “Ganun pa rin. Maraming meeting, maraming papeles,” sagot ko habang patuloy sa pagkain. “Hindi ka ba napapagod?” tanong niya ulit. “Sanay na ako,” maikli kong sagot. “Sanay ka nga… pero hindi ibig sabihin nun na tama,” sabi niya habang nakatingin sa akin nang seryoso. Napatingin ako sa kanya. “La, trabaho ko ito.” “Alam ko. Pero minsan kailangan mo ring isipin ang sarili mo. Hindi lang puro negosyo,” sagot niya. Tahimik ako sandali habang ngumunguya. “May kaibigan ka pa bang nakakausap? O puro empleyado mo na lang?” tanong niya ulit. “May mga kaibigan pa naman ako,” sagot ko. “Si Laurence nga tumawag kanina.” “Ay, yung kaibigan mong ikakasal?” biglang sumigla ang mukha niya. “Oo.” “Ano sabi niya?” “Iniimbitahan niya ako sa bachelor’s party niya sa probinsya,” sagot ko habang umiinom ng tubig. “Talaga?” biglang lumiwanag ang mukha ni Lola. “Pupunta ka?” Napailing ako. “Wala akong oras sa ganyan, La.” Agad siyang napasimangot. “Aelix… hindi pwedeng trabaho ka lang nang trabaho. Baka doon mo pa makilala ang babaeng para sa’yo.” Napairap ako habang inilapag ang kutsara ko. “La, hindi ako naghahanap.” “Yan ang problema sa’yo,” sabi niya habang nakatingin sa akin. “Hindi ka naghahanap.” Napabuntong-hininga na naman ako. Mukhang hindi talaga matatapos ang gabing ito nang walang usapan tungkol sa pag-aasawa. At alam kong hindi siya titigil hangga’t hindi niya ako napipilit sa gusto niya. “Yan ang problema sa’yo,” sabi ni Lola habang nakatingin sa akin nang seryoso. “Hindi ka naghahanap.” Napabuntong-hininga ako at muling sumubo ng pagkain. Alam ko na kung saan na naman patutungo ang usapan namin. “At kung hindi ka pa rin maghahanap ng mapapangasawa mo,” dagdag niya habang nakataas ang kilay, “ako na mismo ang maghahanap para sa’yo.” Napahinto ako sa pagkain at napatingin sa kanya. “La…” babala ko. “Anong ‘La’? Totoo ang sinasabi ko. Kung hindi ka kikilos, ipapakasal na lang kita,” tuloy niya, parang normal lang ang sinasabi. Napailing ako. “Hindi ka naman seryoso.” “Sino nagsabing nagbibiro ako?” sagot niya habang nakatingin sa akin nang diretso. “Andiyan naman si Sandra Green. Matagal na kayong magkaibigan. Mabait, maganda, at kilala ko pa ang pamilya nila.” Napairap ako at muling sumubo ng pagkain para lang may dahilan akong hindi magsalita agad. “La, kaibigan ko lang si Sandra,” sagot ko matapos ang ilang segundo. “Kaibigan ngayon,” sagot niya agad. “Pero pwedeng maging asawa.” Napailing na naman ako. Alam kong gusto talaga ni Lola si Sandra para sa akin. Bata pa lang kami ay kilala na namin ang isa’t isa dahil magkaibigan ang mga pamilya namin. Pero para sa akin, hanggang doon lang talaga iyon kaibigan. Ayokong pahabain pa ang usapan tungkol dito kaya agad kong iniba ang paksa. “La, bakit gising ka pa? Hindi ba sabi ng doktor bawal sa’yo ang magpuyat?” tanong ko habang tinitigan siya. Napangiti siya nang bahagya, parang alam na alam na tinatakasan ko lang ang usapan namin. “Hmp! Huwag mong ibahin ang usapan,” sabi niya. “Hindi ko iniiba. Nag-aalala lang ako,” sagot ko. “Dapat kanina ka pa natutulog.” “Hindi ako matutulog hangga’t hindi ka dumarating,” sagot niya habang nakapamewang pa. “La, may edad ka na. Kailangan mong magpahinga,” sabi ko. “At ikaw, kailangan mo ng asawa,” mabilis niyang sagot. Napahawak na lang ako sa noo ko habang napapailing. “Lanaman…” “Hindi ako titigil, Aelix,” sabi niya nang may halong lambing at katigasan. “Gusto ko pang makita ang apo ko sa tuhod habang buhay pa ako.” Sandaling natahimik ang paligid. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Sa huli, napabuntong-hininga na lang ako at muling kinuha ang baso ng tubig sa mesa. Sa totoo lang… Mas mahirap pa yatang talunin ang lola ko kaysa sa mga kalaban ko sa negosyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD