AELIX POINT OF VIEW
AELIX POINT OF VIEW
Napapikit ako sa matinding inis habang nakatingin sa mga letseng report na nakalatag sa mesa ko.
Puro mali.
Paulit-ulit na lang na mali.
Sa sobrang galit ko ay hinablot ko ang mga papeles at ibinagsak ang mga iyon sa sahig.
Agad namang napaatras ang secretary ko sa gulat.
Lalaki ang secretary ko.
At may dahilan kung bakit.
“Sir…” nanginginig niyang sabi habang yumuyuko upang pulutin ang mga papel. “Ano po bang mali dito? Ilang beses na po itong nirevise.”
Tiningnan ko siya nang masama.
“Anong mali?” malamig kong tanong. “Bobo ba ang gumawa ng report na ’yan at hindi makita kung anong mali?”
Lalong namutla ang mukha niya.
“Sir… nirevised na po talaga ito—”
“f**k that question,” putol ko sa kanya habang hinihimas ang sentido ko. “Hanapin niyo ang mali. Ito ba ang ipapasa ko sa mga shareholders sa meeting bukas?”
Tinuro ko ang mga papel sa sahig.
“Ang palpak na report na ’yan?”
Hindi siya makasagot.
“Kung hindi niya kayang gawin nang maayos ang trabaho niya, mas mabuti pang mag-resign na lang siya,” dagdag ko.
Napakamot siya sa ulo habang halatang kinakabahan.
“E paano po ’yan sir… sino po ang gagawa?”
Tinignan ko siya na parang obvious ang sagot.
“Edi ikaw.”
“Sir… ako po?”
“Bakit? Ano pang silbi at ginawa kitang secretary kung hindi ka rin marunong gumawa ng simpleng report?” sagot ko.
Napangiwi siya.
“Gawin mo na lang. Para naman may silbi ka sa opisina ko.”
Tahimik siyang yumuko at kinuha ang mga papel sa sahig.
Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa.
Tiningnan ko ang screen.
Lola.
Napabuntong-hininga ako.
Alam ko na kung ano na naman ang pag-uusapan namin.
Sinagot ko pa rin ang tawag
.
“Yes, Lola?” sabi ko habang nakasandal sa upuan. “Napatawag kayo?”
“Ano ang plano mo, Aelix?” bungad niya agad.
Napangiwi ako.
“Diyan ka na lang ba maghapon sa kompanya mo?”
Napabuntong-hininga ako.
“Lola, alam niyo naman na nagtatrabaho ako.”
“Puro ka na lang trabaho!” sigaw niya sa kabilang linya. “Paano ka makakahanap ng asawa niyan kung nabuburo ka sa opisina mo?”
Bahagya ko pang inilayo ang cellphone sa tenga ko dahil sa lakas ng boses niya.
“Lola, I’m fine kahit wala akong asawa.”
“Anong I’m fine? Hindi pwede ’yon!” sagot niya. “Kailangan mo ng tagapagmana kaya kailangan mo ng asawa!”
Napapikit ako habang minamasahe ang sentido ko.
“Lola, saan naman ako hahanap ng asawa?”
“Aba ewan ko sa’yo!” sagot niya agad. “Basta maghanap ka sa lalong madaling panahon. Hindi ka na bumabata, Aelix! Mawawala ka na sa kalendaryo!”
Napatawa ako nang mahina.
“Lola naman… capable pa ang forty para mag-asawa.”
“Anong forty?!” halos mapasigaw siya. “Gusto mo bang uugod-ugod ka na bago ka mag-asawa o magkaanak? Baka mamatay ka na lang na wala kang asawa o anak!”
Napailing ako.
“Grabe naman kayo sa ‘mamatay’, Lola,” sabi ko.
“Pero pwede rin para hindi niyo na ako kulitin tungkol sa pag-aasawa.”
“Lalo akong nanghihina sa’yo!” sagot niya. “Bata ka pa, mayaman ka na, bilyonaryo ka na! Kaya ano pang ginagawa mo sa opisina mo buong araw?”
Napahilig ako sa sandalan ng upuan ko.
“Hindi naman makakantot yang pera mo!” dagdag pa niya.
Napailing ako habang napapangiti.
“Lola naman… grabe ang bibig niyo.”
“Aba totoo naman!” sagot niya. “Bakit? May karanasan ka na ba sa babae?”
Napabuga ako ng hangin.
“Hayst, Lola… darating din naman tayo d’yan. Sa ngayon, I enjoy my life muna as a billionaire single.”
“Kapag umuwi ka dito, paluluhurin kita gamit ang tungkod ko!” pagbabanta niya.
Napatawa ako.
“Abay dalawampu’t siyam ka na, Aelix!” dagdag niya. “Ilang taon na lang at wala ka na sa kalendaryo!”
“Oo na, Lola. Alam ko.”
“Ang dami namang babae sa paligid mo. Bakit hindi ka makapili sa kanila?”
Napailing ako.
“Ayoko sa kanila,” sagot ko. “Mga gold digger. Pera ko lang ang habol nila, hindi pagmamahal.”
Sandaling natahimik si Lola sa kabilang linya.
“Hmm… kung gano’n,” sabi niya.
“Ano po?”
“Pumunta ka sa isang baryo o probinsya.”
Napakunot ang noo ko.
“Para saan?”
“Para doon ka humanap ng babaeng pakakasalan mo,” sagot niya na parang napakasimple lang ng sinabi niya.
Napatawa ako nang mahina.
“Lola… bakit naman ako pupunta doon?”
“Para doon ka humanap ng babaeng pakakasalan mo,” sagot niya na para bang napakasimple lang ng bagay na iyon.
Napabuntong-hininga ako.
“Lola, hindi naman ganoon kadali iyon. Hindi naman parang namimili lang ng prutas sa palengke ang paghahanap ng mapapangasawa.”
“Mas mabuti nang doon ka maghanap kaysa sa mga babaeng nakapaligid sa’yo ngayon,” sagot niya agad. “Sigurado akong lahat ng iyon pera mo lang ang habol.”
Hindi ako nakasagot.
Sa totoo lang… tama siya.
Halos lahat ng babaeng nakilala ko ay pare-pareho lang.
Magaganda, sosyal, at palaging may hinihinging kapalit.
“Kaya nga sinasabi ko sa’yo,” patuloy ni Lola.
“Subukan mong lumabas sa mundo mo. Hindi umiikot ang buhay mo sa kompanya at pera mo.”
Napatingin ako sa malawak na bintana ng opisina ko kung saan tanaw ang mga gusali ng lungsod.
“Lola… busy ako,” sagot ko.
“Busy ka sa kakatrabaho!” kontra niya. “Hindi ka naman maghihirap kahit magpahinga ka ng ilang araw.”
“May meeting ako bukas sa shareholders.”
“Meeting na naman!” reklamo niya. “Kung ganyan ka nang ganyan, baka maging asawa mo na ang kompanya mo.”
Napangiti ako.
“Hindi naman masamang ideya iyon.”
“Aba’y loko!” sigaw niya. “Subukan mo lang at pupunta ako diyan sa opisina mo para batukan ka.”
Napatawa ako nang mahina.
Kahit na makulit siya… alam kong nag-aalala lang siya sa akin.
“Lola, magpapahinga rin naman ako paminsan-minsan,” sabi ko.
“Hindi paminsan-minsan ang kailangan mo, Aelix. Kailangan mo ng asawa.”
“Lola naman—”
“Basta!” putol niya. “Sa susunod na uwi mo dito sa bahay, gusto kong may balita ka na sa’kin.”
Napailing ako.
“Anong klaseng balita?”
“Na may girlfriend ka na.”
Napatawa ako.
“Lola, hindi iyon project na pwedeng matapos agad.”
“Kung ayaw mo, ako na ang hahanap para sa’yo,” sagot niya.
Napamulagat ako.
“Lola, wag na wag niyong gagawin iyon.”
“Tingnan natin,” sagot niya na parang nagbabantang tumawa.
Napabuntong-hininga ako.
“Okay, Lola. Kailangan ko na pong bumalik sa trabaho.”
“Trabaho na naman!” reklamo niya.
“Lola…”
“Fine! Fine!” sabi niya. “Pero tandaan mo ang sinabi ko.”
“Alin doon?”
“Maghanap ka na ng mapapangasawa.”
Napangiti ako habang umiling.
“Sige na po, Lola.”
“Mag-ingat ka palagi.”
“Opo.”
“Sige na, ibaba mo na ’yang telepono mo at magtrabaho ka na. Baka mas lalong malugi ang kompanya mo kung hindi mo bantayan.”
Napatawa ako.
“Hindi naman po ganoon kalala.”
“Sige na. Bye.”
“Bye, Lola.”
Pagkatapos noon ay pinatay ko na ang tawag at ibinaba ang cellphone ko sa mesa.
Napabuntong-hininga ako.
Minsan talaga… nakakapagod makipagtalo kay Lola.
Pero napansin ko ang isang bagay.
May kakaibang katahimikan sa opisina.
Napatingin ako sa harap ko.
At doon ko nakita ang secretary ko.
Nakatayo siya habang hawak ang mga papel.
At…
nakangiti.
Nangunot ang noo ko.
“Bakit ka nakangiti?” malamig kong tanong.
Bigla siyang nagulat at agad na nawala ang ngiti sa mukha niya.
“Ah… wala po, sir.”
“Tinanong kita,” sabi ko habang nakatitig sa kanya. “Bakit ka nakangiti?”
Napakamot siya sa ulo.
Halatang nagdadalawang-isip kung sasagot ba siya.
“Sir… sa totoo lang po…”
Huminga siya nang malalim.
“Tama po ang lola ninyo.”
Napakunot lalo ang noo ko.
“Anong tama?
”
“Na maghanap na po kayo ng asawa.”
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
“Ano?”
Tumikhim siya bago nagsalita muli.
“Para naman po… mabawasan ang kasungitan ninyo, sir.”
Nanahimik ang buong opisina.
Unti-unti kong ibinaba ang hawak kong ballpen sa mesa.
Tumingin ako sa kanya nang masama.
“Gusto mo bang mawalan ng trabaho?”
Bigla siyang namutla.
“Sir, biro lang po!”
“Lumabas ka sa opisina ko.”
“Opo sir!”
Halos tumakbo siya palabas ng opisina habang yakap ang mga papel.
Pagkasara ng pinto ay napailing na lang ako.