Akesia's POV
Pagod na pagod akong umupo sa upuan. Nandito ako ngayon sa mansyon. Pinagsisilbihan ang mga taong mayayaman na walang ginawa kung hindi magpakasasa sa salapi.
Sa totoo lang, hindi ko talaga gusto ang mayayamang tulad nila. Kumukulo agad ang aking dugo. Pare-pareho lang naman sila. P'wera na lang kay Mayor, hindi naman kasi siya mayaman, eh. 'Yong asawa niya lang.
Kasama ko ngayon si Yesia. Abot ang kaniyang ngiti no'ng sinabi ko sa kaniya na isasama ko siya rito.
Umupo siya sa aking tabi. Pagod na bumuntong-hininga saka sinandal ang likod sa backrest.
Napangiti ako dahil sa itsura n'ya.
"Ang aarte naman nila," maktol nya, halata ang inis sa kaniyang mukha. Pinunasan ang pawis sa kaniyang noo gamit ang suot niyang apron.
Sinabi niya pa. Hindi na bago sa akin ang pagtatrato nila.
"Ang pangit mo," ani ko, natatawa sa kaniya.
Lalo busangot ang kaniyang mukha. Medyo magulo na rin ang buhok nya. Kanina pa kasi siya paikot-ikot sa may garden upang bigyan ng maiinom ang mga mayayaman.
"Oh, mga Ineng, ano pa ang ginagawa niyo riyan? Kailangan kayo sa labas," sabi ni Manang, ang namamahala rito sa mansiyon. Medyo strikto siya pero sobrang bait niya saming kapatid ko.
"Opo, Manang," sunod ni Yesia.
Inayos muna namin ang aming suot na pang-waitress saka tumayo at lumabas. Dala-dala ko ang matatamis na cookies samantalang wine naman ang sa kapatid ko.
Naghiwalay kami upang pagsilbihan muli ang mga bisita. Maingat ang paghawak ko sa mabigat na malaking plato, natatakot na matabig ng mga bisitang naririto.
Ramdam ko na may nakatitig sa akin. Kanina pa iyon mula noong nagsimula kaming magtrabaho. Hinahanap ko nga kung sino 'yon pero lahat naman ng bisita na naririto ay hindi nakatingin sa akin.
Pinagsawalang bahala ko na lang ito at pinagpatuloy ang ginagawa. Kailangan kong mag-focus sa aking trabaho para hindi magkagulo.
Hindi pa ako nakakalayo ng may umakbay sa akin. Alam ko na kung sino ito. Siya lang naman ang tumatawag sa akin ng darling, eh.
Inalis ko ang kamay niya na nasa balikat ko saka siya hinarap. "'Di mo ba nakikita na nagtatrabaho ako rito?"
Umuusok ang ilong ko ngayon sa labis na inis. Ngumisi siya saka medyo nilapit ang mukha sa akin. Hindi ako natinag sa ginawa niya.
"Busy naman pala ang girlfriend ko," sabi ni Carl.
Napangiwi ako. Mukhang lasing siya dahil sa paraan ng kaniyang pananalita. Amoy din alak at yosi sa kaniyang hininga.
Bahagya siyang tumawa. Nilakbay ng kaniyang paningin ang aking suot. Medyo nailang ako sa pamamaraan ng titig niya. Malagkit ito at kita ang kumikislap na pagnanasa.
"Ang ganda mo ngayon, ah," sabi niya at lumapit lalo sa akin.
Medyo umatras naman ako dahil sa amoy alak. Inarapan ko siya at tumalikod upang ipagpatuloy ang trabaho. Marami pa akong gagawin at inaaksaya niya lang ang aking oras.
Nang biglang may humila sa baywang ko dahilan para malaglag ang mga cookie na hawak ko kanina. Hindi kami napansin ng mga bisita dahil medyo madilim sa kinaroroonan namin. Hindi rin nabasag ang aking pinggan dahil nalaglag ito sa makapal na frog grass.
Mahigpit ang hawak niya sa baywang ko at dama ko ang init ng hininga niya sa tainga ko. Tumaas ang balahibo ko sa buong katawan dahil sa pandidiri sa kaniya.
Kinabahan akong napupumiglas. Tinutulak siya ng buong lakas. "Ano ba?! Bitawan mo nga ako, Carl!"
Hindi kami naririnig ng mga bisita dahil sa lakas ng musika.
Ngumisi lamang siya at hinigpitan ang kapit sa akin. Siniko ko siya dahilan ng pagdaing niya pero hindi pa rin niya ako binibitawan.
"Bakit ba nagpapakipot ka pa?! Alam ko namang gusto mo rin ako," namamaos na wika niya.
Nagtaasan muli ang balahibo ko dahil biglang nakaramdam ng dila sa aking tainga.
"N-Nababaliw k-ka na," kinakabahang sabi ko. Nilakasan ko ang aking loob upang hindi niya mahalata na natatakot ako sa kaniya.
Tumawa lamang ito sa sinabi ko. Naramdaman ko ang gumagapang niyang kamay sa aking tiyan.
Pilit akong kumakawala sa pagkakapit niya nang biglang nawala siya sa likod ko.
Napasinghap ako nang nilingon ko si Carl. Nanlalaki ang aking mga mata habang nakatingin sa kaniyang katawan na nasa sahig. Hawak-hawak nito ang kan'yang panga. May dugo siya sa kaniyang labi at saka dumura.
Napatingin ako sa isang matipunong pigura na nakatayo sa harapan ko. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nga madilim dito. Matangkad siya at matipuno ang katawan. Naramdaman ko bigla ang pag-init ng aking mukha. Teka! Kinikilig ba ako?! Hindi, 'no! Mali ang inaakala ko! Tse!
"S-Salamat," kinakabahan kong sabi sa kaniya. Nakatungo ako sa labis na hiya.
Hindi naman ito umimik at tumalikod lamang.
Akmang pipigilan ko ito nang marinig ang impit na sigaw. Nanlaki ang mata nang makilala ko ang may-ari ng sigaw na iyon.
Nagkukumahog akong pumunta sa kinaroroonan ng sigaw.
Kinakabahan at galit kung tiningnan ang isang babaeng hawak ang buhok ng aking kapatid. Nakahandusay ngayon siya at basang basa ang damit. Umiiyak ito at namumula ang mukha.
Walang pag-aalinlangan kong tinulak ang babaeng nakahawak sa buhok ni Yesia dahilan para matumba ito. Napasinghap naman ang mga tao sa ginawa ko.
Lumuhod ako sa harapan ni Yesia upang magpantay ang aming mukha.
Nakatungo siya habang tumatangis. Nagsisisi akong iniwan ko siya kanina. Ang t*nga-t*nga ko naman! Bakit ko siya iniwan agad?! Baguhan palang ang kapatid ko!
Ngumiti ako saka hinawakan ang baba niya para patingalain. Halata sa mukha niya ang pagkakasampal sa pisngi at ilang mga kalmot sa braso.
"Nandito na si ate," mahina kong sabi, pinipilit na ngumiti kahit na kumukulo na ang aking dugo at gusto ng makasapak ng aking kamao.
Lalo siyang umiyak at niyakap ako.
Nang biglang may humila sa aking buhok. Napadaing ako at napahawak sa kamay nang sumabunot sa'kin. Bumitaw ako sa aking kapatid.
Umiyak lalo siya habang nakatingin sa akin, halatang hindi alam ang gagawin.
"Argh!'' sigaw ko sa labis na sakit. Mukhang makakalbo ako ngayon, ah.
"Ikaw babae ka! How dare you to push me?! Sino ka ba sa inaakala mo?! Isa ka lang hampaslupa!"
Kasabay no'n ang paglapat ng palad niya sa aking mukha. Napasubsob ako sa damuhan habang hawak-hawak ko ang kumikirot na pisngi. Napangiwi ako nang maramdaman ang hapdi roon.
Pilit akong tumayo saka pinagpag ang damit na parang walang nangyari. Hindi ko alintana ang humahapdi at kumikirot kong pisngi at ulo.
Napasinghap sa gulat ang mga nanunuod dahil sa inasta ko.
Tumingin ako sa babaeng mukhang coloring book ang mukha. Galit na galit ito at pulang pulang ang pisngi. Mukha siyang p*kpok dahil sa suot niya na sobrang igsi. Kitang kita na talaga ang kaluluwa niya. Kaunting hangin lang makikita na ang kaniyang tilapia. Nakulangan ba siya sa damit?
Yumuko ako sa harapan niya upang humingi ng paumanhin. Hindi naman sa okay lang na saktan niya ang aking kapatid ngunit nagugulo na ang party ni Mayor at ayaw kong lumaki ang away na 'to. Ayaw kong masira ito dahil sa amin.
"Humihingi po ako ng tawad sa nangyari, madam," pagpapaumanhin ko habang nakatungo pa rin ang ulo.
"Ha?! Sa tingin mo ba mapapatawad ko kayo sa ginawa niyo sa akin?! Sa ginawa ng babaeng 'yan sa damit ko! F*ck you!" habang dinuduro ang kapatid ko na ngayon ay nakatayo at nakatungo sa may likod ko.
Umiiyak pa rin siya hanggang ngayon. Humakbang ako patagilid upang maitago siya sa likod ko at maprotektahan. Masyado pa siyang bata para maranasan ito.
"Pasensya na po talaga."
Totoo ito at walang halong chemical!
"No! Alam mo ba kung magkano ang suot kong damit, ha?! Kahit ibayad niyo pa ang mga walang k'wentang buhay niyo! Hinding hindi niyo ito matutumbasan. Palibhasa mga hampaslupa!"
Mabilis na nawala bigla ang aking emosyon sa aking narinig. Kinuyom ko ang aking kamao sa labis na pagpipigil. Hindi naman nila ito nakita dahil nakalagay ito sa ilalim ng tela kong suot.
Mayayaman nga naman walang ibang magawa kun'di manliit ng mga tao. Kun'di magpahirap sa mga taong mahihirap na katulad ko. Pare-pareho lang naman ang mayayaman, eh. Mapagmataas.