Edwin's POV
Nakatitig ako sa kaniya ngayon. Kanina pa ako nagpipigil na awatin ang gulong ito ngunit baka lalong lumala lang. Knowing Kassandra, hindi siya nagpapatalo. She is a spoiled brat.
Nakatitig lang ako sa babaeng nakita ko sa palengke. At iniligtas ko kanina mula sa manyak kong pinsan. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin mula noong nakita ko siya sa palengke.
"Hoy!!" sigaw ng babae habang tumatakbo patungo sa akin.
Nakasuot lang ako ngayon ng maruming damit at short. Nagpresinta kasi akong tulungan ang mga tauhan ni Tito na nagbubuhat ng prutas at gulay. Sa kabila ng aking karangyaan at estado, lumaki akong marunong tumulong sa iba at gumawa ng mabibigat na gawain.
Nakatitig lang ako sa kan'ya habang tinititigan ang madumi niyang mukha. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maikilos ang aking katawan. Ni hindi ko maibuga ang hangin na tila'y nauubos habang pinagmamasdan ang kakaibang ganda ng babaeng kaharap ko ngayon.
Nabalik lang ako sa sarili nang itulak niya ako. Sobrang lakas no'n. Halos mapasubsob ako sa malansang sahig sa sobrang lakas. Buti na lang nasalo agad ako ng mga tauhan ni Tito.
Inis akong umayos ng tayo saka hinanap ang walangyang babaeng nanulak sa akin.
Napatigil ang aking mga mata nang mahanap nito ang babaeng hindi man lang humingi ng paumanhin.
Bigla niyang hinablot ang madungis na lalaking hinahabol niya dahilan ng pagtumba nito sa sahig.
Marami ang nanonood sa kan'ya. Ang iba ay napapasinghap pa. Walang nagtatangkang umawat.
Sinigawan niya ito saka sinuntok sa mukha dahilan ng paglaglag ng aking panga. Wala pa akong nakikitang katulad niyang babae.
Halata ang labis na galit sa mukha niya. Tumayo siya nang mapagod saka hinablot sa kamay ng lalaki ang isang kahon.
Tumingin ako sa lalaking madungis. Patuloy na humihingi ito ng tawad sa kaniya. Nanginginig ang kamay nito at halata na medyo wala sa sarili.
Nagulat na lang ako sa sunod na nangyari. Binigyan niya ito ng pera at pinaalis. Ninakawan na nga siya tapos binigyan nya pa ng pera. Ibang klase ang babaeng ito.
Napailing ako sa naisip.
Tumingin siya sa paligid saka namaywang saka nagtaas ng isang kilay.
"Tapos na ang palabas!" galit na sigaw niya na para bang siga siya rito.
Mabilis na nag-alisan ang mga tao na parang walang nangyari.
Taas-noo itong bumalik sa gitna ng palengke. Nakasunod lang ang aking paningin sa kaniya hanggang ito ay naupo sa kaniyang upuan.
Bumalik ako sa realidad nang marinig ko ang paumanhin ulit noong babaeng palengkera. Muli na naman itong sinigawan ni Kassandra. Sobrang tagos sa katawan ang kaniyang binibitawang mga salita.
Tiningnan ko naman ang babaeng iyon na nakatungo pa rin.
Nagulat na lang ako nang makita ang mukha niya. Wala itong emosyon na nakatingin lang sa sahig. Nakakuyom ang kan'yang mga kamay na animo'y handa nang manuntok.
Tumingin din ako sa babaeng nasa likod niya na kanina pa, umiiyak at basang basa ang damit. Mukhang pinoprotektahan niya ito noong dinuro ni Kassandra iyong bata.
Agad humati sa gitna ang mga nanonood sa gulo nang marinig ang malakas na tikhim ni Tito Carlo.
Agad na tumakbo si Kassandra kay Tito, may naiiyak na mukha.
"Tito, look at my dress. Sila ang may gawa nito," sabay turo sa dalawang babae.
Tiningnan lang ni Tito ang damit niya saka umiling. Ipinalibot niya ang kaniyang paningin sa mga bisita. Tipid na ngumiti.
"Thank you sa pagpunta niyong lahat. The party is over. Good night," maikling anunsyo ni Tito na mukhang disappointed sa nangyari.
Tumalikod siya at naglakad patungo sa loob ng mansiyon. Agad namang sumunod si Kassandra kay Tito.
Lumingon ako sa dalawang magkapatid. Pinapatahan ito ng nakatatandang kapatid.
Nagbubulungan ang ilang mga bisita habang may nanghuhusgang mga mata sa dalawa. Agad na nilapitan sila ng mayordoma at iginiya papasok sa loob.
Napatiim-bagang ako nang marinig ang mahinang pagtawa ng aking pinsan. Nanatili lamang ang seryoso kong mukha nang nilingon ko siya.
"Edwin, couz…"
Halata sa labi niya ang sugat na natamo galing sa aking kamao. He pissed me. Nagtagis ang aking panga dahil sa naalala kanina. Even though I'm a womanizer, I don't force them to come with me.
"What?" malamig na sabi ko sa kaniya. Actually, hindi ko naman talaga ka-close ang isang 'to dahil sa sobrang yabang.
"You like her, do you?" Titig na titig ito sa akin, animoy binabasa ang nasa utak ko. Ngumisi siya saka umiling "It means no, hmm?"
Ilang minutong nakipagtitigan muli siya sa akin habang nawawala ang ngisi niya sa labi.
"She. Is. Mine."
Umaalon ang aking dibdib habang nakakuyom ang dalawang kamao na nasa loob ng aking bulsa habang nakatitig sa papalayong likod niya. I don't know why I felt this way. Hindi ko maintindihan ang sarili kahit wala naman siyang binabanggit na pangalan. Dumilim ang aking mukha saka pinaglandas ang mga daliri sa sariling buhok habang nakatitig sa kawalan.
Pumunta ako sa isang lugar kung saan nakalagay ang mga alak.
I removed my neck tie and sighed. Ramdam ang pawis sa aking noo. Nahihilo na rin ang paligid ko. Isang beses akong lumagok sa bote saka pinunasan ko ang aking bibig gamit ang long sleeve na suot.
Agad uminit ang aking katawan nang maramdaman ang malambot na kamay na pumatong sa aking hita. Namumungay ang aking mga matang tumingin kay Kassandra. May nakaaakit na tingin siya habang dinidilaan ang kaniyang labi.
Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay sa malambot at malaki niyang dibdib. Damn it. Napatitig ako roon dahilan ng mas lalong pag-init ng aking katawan.
Lumapit siya sa akin. Pinagapang ang palad sa aking dibdib. "In my room?"
Napailing ako sa sarili nang mapatingin sa namumukol kong pantalon. I need this night to forget why I am like this.
I grabbed her neck tightly and pulled her to kiss me.
May kadiliman kung saan ang puwesto namin. Wala rin naman akong pakialam kung may makakita sa amin.
She moaned.
Pinisil ko ang kaniyang dibdib. Gamit ang isang kamay, kinuha ko ang laylayan ng kaniyang suot na dress at itinaas dahilan ng kaniyang pagsinghap.
"Edwin, hindi man lang ba tayo pupunta sa loob?"
"What for?" Hinigit ko siya saka sinandal paharap sa table dahilan ng paghulog at pagbasag ng mga bote.
Mahina siyang napasinghap. Akmang aalis siya sa kaniyang puwesto nang binuksan ko ang zipper ng aking pantalon. Kinuha ko ang isa niyang hita at ipinatong sa upuan. Nilagay ko sa gilid ang suot niyang thong, nakataas pa rin ang kaniyang maigsing dress.
"s**t, Edwin!"