Chapter 4

2241 Words
Akesia's POV Maaga akong nakatapos sa aking trabaho. Nabenta ko lahat ang aking mga tindang isda. Araw kasi ng lunes ngayon kaya maraming suki. Halos hindi nga ako makaupo dahil sunod-sunod ang bumibili. Ang gusto pa ng iba ay tinatawaran sila. Sila kaya ang pagtindahin ko sa malansa at maingay na lugar na 'yon! Akala naman nila sobrang dali ang pagbebenta ng isda. Halos mapaos nga ako para lamang mapaubos ang tinda ko e! Naglalakad ako ngayon patungo sa bahay, hawak ang gamit. Ang timang na driver, itinigil ako sa medyo malayo mula sa amin. Hindi ko naman sinabing doon ako itigil, e! Kailangan niya na 'atang linisin ang kaniyang tainga. Lalo niya akong pinapapagod! Masakit na nga ang likod ko, pinaglakad niya pa ako! Hindi siya pumayag na itapat ako sa bahay namin kanina dahil panibagong bayad daw iyon. Aba! Mukhang pera pala iyon! Siyempre hindi ako pumayag! Bingi na nga siya, mukhang pera pa! Tumigil ako sa paglalakad saka tumingala sa langit. Mapayapa ito ngunit maulap. Bumuntong-hininga nang malalim kasabay ang malakas na pag-ihip ng hangin. Nang biglang may bumusina sa aking gilid dahilan ng pagtalon ko dahil sa gulat. "Ay, palaka!" Nilingon ko ang sasakyang itim na nasa tapat ko lamang. Namaywang ako at mataray na nakatingin sa bintana. Hinintay kung ibababa pa ng may-ari ito. Hindi ko makita ang nasa loob dahil tinted glass ito. Halata rin na bagong bili ang nasa harapan ko. Unting-unting bumababa ang bintana. Tumaas ang isang kilay ko nang makita si Carl sa loob. Prenteng nakaupo habang nakangisi sa akin. "Hi, Darling," bungad ni Carl. Napairap na lang ako saka tumalikod sa kaniya upang ipagpatuloy ang paglalakad. Siguradong kukulitin na naman niya ako at ipagmamayabang ang mayroon siya. Wala naman akong pakialam kung mayaman siya. Kahit pa may ginto siyang ipakita sa akin. Hinding-hindi ko siya papatulan! "Hoy! Darling!" tawag niya ulit sa akin. Hindi ako lumingon sa kaniya at medyo binilisan pa lalo ang lakad. Mabagal naman na nakasunod sa akin ang kaniyang sasakyan. "May sasabihin lang ako, eh. Damot." Nilingon ko siya sa sobrang inis at para matapos na rin ang kaniya kakaputak. Ano bang gusto ng mga tao ngayon?! Ang mapagod ako nang sobra?! Kainis, ah! "Pinapatawag ka ni Daddy. Pumunta ka raw sa mansiyon!" sigaw niya nang makita ang paglingon ko. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya, nagtataka kung bakit ako pinapatawag ni Mayor Carlo, ang Daddy niya. Ngumiti lang siya saka kumaway sa akin. Pinaharurot niya ang kan'yang kotse. Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad. Iniisip kung anong dahilan ni Mayor. Dire-diretso ang aking paglalakad papasok sa aking kuwarto. Naglinis lang ako ng katawan at nagbihis kanina. Baka mategi ako kapag naligo, 'no. Pupunta ako sa mansyon ng mga Valdo. Siguradong bibigyan ako ni Mayor ng trabaho. Ano naman kayang trabaho? No'ng isang buwan kasi ay pinaglinis niya ako ng mansiyon kasama ang iba niyang mga katulong. Malaki ang pinapasahod niya sa akin dahil magaling daw ako sa gawaing bahay. Alam ko naman 'yon, hindi niya na kailangang sabihin sa akin. Mabait sya at magaan ang loob ko sa kaniya. Hilig niya ang tumulong sa kapwa. Hindi siya katulad nang ibang mayayaman na akala mo kung sinong makapanglait sa tulad naming mahihirap. Pare-parehas lang naman kaming yumayapak sa lupa at kumakain ng kanin. Dali-dali akong lumabas at ni-lock ang pinto. Walang tao sa bahay at tiyak na nasa pasugalan na naman si Tiya. Nasa paaralan naman ang kapatid ko at si Mia. Sumakay ako sa tricycle dahil medyo malayo ang mansyon ng nga Valdo mula sa amin. Isang simpleng damit at pantalon lang ang s uot ko. Itim na doll shoes lang ang pansapin ko sa paa. Nakayuko na ang mga daliri ko sa paa dahil matagal ko na itong nabili. Medyo maliit na sa akin. Hindi ko lang tinatapon dahil sayang naman. Matibay pa siya. Puwede ngang ipambato ng mangga, e. Huminto ang tricycle sa malaking pulang gate na may nakalagay na VALDO. Nagbayad ako kay manong at saka lumapit sa may gate. Pinagmasdan ko ang garden nakita mula rito sa labas. Alagang-alaga ito ng mga kasambahay ng mansyon kaya magaganda ang pamumukadkad. Napalingon ako nang makita ang dalawang guwardiya na nagbabantay ng gate. Lumapit ako sa kanila saka ngumiti. "Magandang hapon po," pagsisimula ko. Lumingon sila sa akin, galing ang mga ito sa pag-uusap. Lumawak ang aking ngiti nang makuha ko ang kanilang atensiyon. "Nandyan po ba si Mayor? Pinapatawag niya po kasi ako." Medyo nahihiya na rin kasi ako dahil sa titig nila. Tumango lang ang isa saka binuksan ang gate. "Pasok ka. Nasa loob lang siya," sabi ng isang lalaki. Tumango ako at nagpasalamat sa kanila. Sobrang laki ng mansyon na ito. Ilang araw bago ka makatapos na pasyalan ang lahat. Naglakad ako papasok ng mansyon. Kabisado ko kasi ang pasikot-sikot dito kaya hindi ako nahihirapang hanapin kung saan man gusto kong pumunta noon. Ang ibang kasambahay nga ay naliligaw pa rito kahit sobrang tagal na nilang naninilbihan sa lugar na 'to. Umiwas ako sa mga katulong na abalang-abala sa pagdedekorasyon sa paligid. Ang bongga ng mga iyon at talagang pang mayaman! Narinig ko ang mga tawanan mula sa may kusina ngunit hindi ko na lang ito pinansin. Mukhang malaki ang kaarawan na gaganapin ngayon, ah. Humahangang pinagmamasdan ko ang mga nakasabit sa itaas. Kumikislap at magarbong chandelier na lalong nagpaganda ng loob ng mansyon. Parang siya ang main character sa bahay na 'to. Pinagpatuloy ko na ang aking paglalakad, nagtungo kung saan ang opisina ni Mayor. Hindi ko na mabilang sa aking daliri kung ilang beses ako nakapunta na sa kaniyang opisina. Inayos ko muna ang aking sarili at sinuklay ang magulo kong buhok gamit ang mga daliri. Medyo kinakabahan ako dahil medyo matagal ko nang hindi nakikita si Mayor. Kumatok ako ng tatlong beses. Narinig ko mula sa loob ang malagong na boses nito. "Come in." Binuksan ko ang pinto. Dinungaw ko muna ang aking ulo. Nakayuko lang si Mayor habang seryosong nakatingin sa mga papel na hawak nya. Bahagyang nakakunot ang kaniyang noo, abala sa kan'yang ginagawa. Pumasok na ako at sinara ang pinto. Mukhang hindi niya nararamdaman ang presensya ko. Nakatingin pa rin ito sa papel na hawak. Sobrang dami rin ang nakasalansan na papel sa tabi ng kaniyang lamesa. Tumikhim ako nang malakas dahilan para mapatingala siya sa akin ng may kunot ang noo. Pero bigla itong nawala at mabilis na napalitan ng ngiti nang makita ako. Ngumiti rin ako bilang ganti. Halata ang itim nito sa ilalim ng mata. Sobrang abala niya 'ata ngayon. Dapat nagpapahinga siya dahil malapit na ang kaniyang kaarawan. "Ikaw pala 'yan, Isang. Upo ka muna," saka iminuwestra ang upuan na nasa harap nya. Nahihiya akong naglakad doon saka umupo. "Pinapatawag niyo raw po ako, Mayor," sabi ko pagkatapos umupo. Medyo nahihiya ako sa kan'ya. Malawak ang opisina niya at sobrang linis nito. Mabango ang paligid at naka-aircon pa. Maraming libro ang nakasalansan sa bookshelf. Maayos ang pagkalalagay ng mga ito. Tumango si Mayor. "Oo, nais ko lang na bigyan ka ng trabaho. Alam mo na. Medyo busy na rito sa mansiyon," sabi niya na ikinalawak ng aking ngiti. Sabi ko na nga ba! Kailangan ni Mayor ng tulong ko. "Talaga po?! Kailan po ako magsisimula?" Tumawa nang malakas siya sa naging reaksyon ko. Sumimangot ako saka umayos ng upo. "Hindi mo pa nga alam kung anong trabaho ang ibibigay ko sa'yo. Nagtatanong ka agad kung kailan ka magsisimula." Umiling siya habang tumatawa la rin. Napanguso ako dahil do'n. "Mayor, alam niyo naman na kahit anong ipagawa niyo sa'kin ay kayang kaya ko." Lumakas pa lalo ang tawa nya. Kaya napabusangot ulit ako ng mukha. Hindi naman ako nagbibiro, eh. Kahit paglilinis ng inidoro ay gagawin ko basta may sahod. Nang makita niya ang aking mukha ay tumigil siya sa pagtawa. Pinahid niya ang luha sa mata, natatawa pa rin. "Okay. Okay. Alam kong kaya mong lahat." Malakas ulit siyang tumawa. Nakalagay ang dalawa niyang kamay sa tiyan. Kung tititigan mo si Mayor, hindi mo malalaman na nasa mid 40s na siya. Dahil maginoong-maginoo ang kaniyang dating. Halata rin ang gandang lalaki niya. Hinintay ko ang pagtigil ng tawa niya. Ang babaw naman ng kaligayahan ng isang 'to. Kanina nakakunot ang noo tapos ngayon parang mamamatay na si Mayor kakatawa. Pulang pula ang mukha niya na parang sasabog. "Magiging waitress ka mamayang gabi." Lumawak ang ngiti ko sa narinig. Ang dali-dali lang naman, eh. Nagawa ko na rin ang pagw-waitress noong isang taon. Kaya lang dapat sanay ka sa puyatan at pagod. Pero no problem! Sanay na sanay kaya ako. "Sige po. Game ako dyan," masigla kong ani na siyang paglawak ng kaniyang ngiti. "Kung gusto mo isama mo na rin ang kapatid mo. Nasa tamang edad na naman siya para makapagtrabaho, 'di ba?" "Ok lang po ba?" nahihiya kong tanong sa kaniya. Napakalaki na nang naitulong sa akin ni Mayor mula no'ng namatay sina Itang at Inang. "Oo naman. Bakit hindi? Para pandagdag gastusin sa paaralan niya." Tumango ako. Abot tainga ang aking ngiti sa labi. Tiyak magiging magandang balita ito para sa kapatid. Gustong gusto kasi niyang pumunta rito sa mansiyon kaya lang hindi ko pinapayagan dahil baka makabasag siya. "Maraming salamat po talaga, Mayor. Mauuna na po ako. Baka po kasi nakakaabala na ako," sabi ko sa kaniya saka tiningnan ang nakatambak na papeles sa harapan nya. Ang dami naman ng ginagawa niya. Tumawa lang siya sa sinabi ko saka tumingin sa akin. "Sige, Isang." Lumabas na ako ng opisina. Naglakad ako papuntang pinto habang pinagmamasdan ang magarbong paligid. Nang biglang may umakbay sa aking lalaki. Nilingon ko ito. Nakita agad ang ngising aso ni Carl. Tinaasan ko siya ng kilay at inis na tinanggal ang braso niya sa balikat ko. "Binibisita mo ba ako, Darling?" sabi ni Carl habang nagtataas-baba ang dalawa niyang kilay. May hawak siyang alak sa kaliwa niyang kamay, ang isa naman ay sigarilyo na papaubos na. "Pinuntahan ko lang si Mayor, Carlo," sabi ko at tinalikuran siya. Mabilis ang lakad ko papunta sa gate para matakasan siya. Nakakainis siya! Akala niya ba magiging babae niya rin ako?! No way! Over my hot, curvy, and white skin body! "Who is that, cousin?" "Mukhang chiks, ah." "'Di mo man lang kami pinakilala." Rinig ko mula sa likod ko. Hindi ko sila pinansin. Nakakaimbyerna talaga ang mga mayayaman! Nagpasalamat ako sa mga guwardiyang naroon at naglakad upang makahanap nang tricycle. Nakabusangot ang mukha ko, naghihintay ng sasakyan. Bakit ba punong puno ang mga tricycle ngayon? Naghintay lang ako habang naka-cross arm ang braso sa dibdib. Badtrip na talaga ako! Maya-maya pa ay may taong nakaharap sa akin na nasa may gilid ko. Lumingon ako sa kan'ya saka tinaasan siya ng kilay. Nakangiti ito gaya no'ng una naming pagkikita sa palengke. Sira-sira ang damit niya. Napakaluma ang kaniyang suot. Matangkad siya kaysa sa akin kaya medyo nakatingala ako. Namaywang ako sa kaniyang harapan at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Problema mo?" mataray na sabi ko. Gano'n pa rin ang ngiti niya sa akin. Kaya ngayon sobra na akong naiinis. Ano ba kasing problema nito?! "Hi," sabi nya, lumawak pa lalo ang ngiti. Tiningnan ko ulit siya mula ulo hanggang paa. Para dama niya na ayaw ko sa kaniya. Ngayon ko lang nakita ang isang 'to sa barangay namin, ah. "Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya na parang close na close kami. Isang beses siyang sumulyap sa mansyon saka ibinalik sa aking ang mata. "Wala," maikling sabi ko. "Ahh." Tumango siya. Napairap ulit ako sa ere saka nilingon ang kalsada kung may sasakyan na. Sakto naman na may dadaang tricycle kaya pinara ko ito. Tumigil ito sa harap ko. Pumasok ako sa loob. Nagtaka ako kung bakit sumakay din 'yong lalaking kausap ko kanina. Magkatabi kami ngayon sa loob. Malaki siya at matangkad. Kaya medyo nakayuko siya dahil mauuntog ang ulo niya sa bubong ng tricycle kapag tutuwid siya ng upo. Pinipilit pa rin nitong makaupo sa aking tabi kahit nasisikipan na ako. Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong ginagawa mo?" "Nakaupo," sarkastikong sagot nya. Hindi ko na lang siya pinansin at baka masapak ko pa. Makasuhan pa ako ng wala sa oras. Umandar ang tricycle. Tahimik lang ako, nasisikipan sa upuan. Kanina ko pa napapansin ang pagsulyap niya sa akin. Medyo naiirita na ako sa kaniya. Lumingon ako rito nang sumulyap ulit sya. Matalim ang tingin ko sa kaniya dahil nakangiti na siya sa akin. "Gusto mo bang itulak kita?" inis na sabi ko. Bigla siyang tumawa na pinagtaka ko. Akala niya ba nagbibiro ako. Hinawakan ko ang braso niya at akmang itutulak. "Teka! Ang brutal mo naman," natatawang ani niya. Akala ba nya hindi ko gagawin iyon?! Nanggigil na ako sa kaniya kanina pa! Nagpasalamat na lang ako sa isipan ko dahil malapit na kami sa bahay. Tuloy-tuloy ang pagtawa niya. "Hindi pa nga pala ako nagpapakilala sa'yo. Ako si Edwin," pagpapakilala niya sa akin. Nakalahad ang kamay niya. Tiningnan ko lang ito at hindi pinansin. "Alam mo nakakatawa ka." Malakas na tumawa. Hindi ko alam kung panlalait ang sinabi niyang iyon. Hindi ako nagsalita dahil pagod ng aking katawan. "Manong, dito na lang po," pagpara ko. Tumigil siya sa tabi. Inabot ko ang bayad saka ako bumaba. Nahihirapan pa ako dahil nga sa kaniya. Nang tuluyan nang makababa ay agad akong naglakad papasok sa aming bakuran. Hindi ko siya sinulyapan o nilingon man lang. Ngayon ko lang siya nakita rito at feeling close agad! Tse!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD