PAPALABAS na kami ng hospital. Ihahatid ko lang siya sa sasakyan nito. Napangiti ako nang makita ko ang sasakyang gamit niya. How I love to ride on that motorcycle pero natatakot ako. Saka, sino naman ang taong may gustong isakay ako sa ganyan? Siya lang naman ang kakilala kong may ganyang klaseng sasakyan. As if namang pasasakayin niya ako.
"Kamahalan..." Tawag ko dito still my eyes on the motor.
"Yes?" Tumigil ako sa paglalakad nang malapit na kami sa motor nito.
"Is that thing safe to ride with?" Nag aalangan talaga ako sa gamit nito. Oo nag't okay na ang paa nito, still--- hindi pa ito gaano kafully recovered. " I can drive you home." Suhestiyon ko dito.
Tumingin ako sa gawi niya only to find out na nakangiti itong nakatitig sa akin. Para tuloy akong nailang sa uri nang tingin nito at ngiti sa akin.
"It's safe. Bakit? Nag aalala ka sa akin?" He's teasing me again kaya napairap nalang ako sa kawalan.
"Asa ka. Hindi ako sa 'yo nag aalala, noh. Sa motor mo, baka magasgasan at masaktan kapag nabangga mo." I joke but my face is serious.
"Aray naman. It really hurts, yah know." Tila nasaktan talaga ito dahil sa ini-arte niya.
"As if naman," tuluyan ko na siyang inirapan at inilihis ang tingin dito. Nabibighani na naman kasi ako sa ngiti niyang nakakaakit at ang mga mata niyang---parang ako lang ang gusto nitong masungkit.
Parang nanglalandi na naman ako sa naiisip ko. Jusko! Baka mamaya niyan, kung ano-ano na naman ang magawa ko. Napatingin ako sa kalangitan at bumulong.
"God! Huwag mo po akong hayaang magnasa na naman. Patawarin niyo po ako. Ilayo niyo po ako sa tukso."
Napalingon ako dito nang magsalita ito.
"Ang suwerte naman pala ng motor ko kasi siya inaalala mo. Paano naman ako?" Hindi na ako makatingin dito. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pero, sa totoo lang ay kinilig ako sa simpleng sinabi nito.
Tumikhim ako bago ako humarap dito.
"Bakit? Napaano ka ba?" Gusto ko sanang magpabebe kaso nahiya naman ako.
"The last time, ako ang inaalala mo. Tapos---ngayon? Buti pa itong motor ko." Lumapit ito sa motor niya at kinuha ang helmet nitong nakalapag sa may upuan nito saka sumandal at tumingin sa akin.
That damn eyes!
Teng ene nemen eh! Ang guwapo niya talaga. Kapit lang soen, ha. Wag ka malalaglag. Ang mahal mo pa namang panty ka. Juskolord! Tingin pa lang, kumikinang na ang mata ko. Kailan ko kaya matitiman itong nilalang na ito?
"Disaster," napabalik ako sa tamang huwisyo ko ng may pumitik sa aking noo.
"Aray naman, kamahalan. Sakit mo namang mamitik." Reklamo ko dito at hinaplos ang noo kong pinitik niya. Sa isip na nga lang ako nagnanasa sa kanya. Pipigilan niya pa ako. Kainis naman kamahalan, ih.
"Nawawala ka na naman ata sa sarili mo. Baka kung saan na naman mapadpad 'yang utak mo. Ginigising lang kita." Nangingiti ito habang umiiling at hinaplos ang pinitik nitong noo ko.
Napatigil bigla ang ikot ng mundo ko. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa nito. I just felt something inside me. Parang may kung ano sa tiyan ko na hindi ko maintindihan. Is this the thing they called butterfly on your stomach kapag namemeet mo na ang taong nagpatibok ng puso mo?
Yes, I am a vocal person na sinasabi ang nararamdaman ko. Bakit sa kanya? Hindi ko magawa.
"Anong gi-naga-wa mo?" Nauutal kong tanong dito at iniiwas ang mukha ko para maalis ang kamay nito sa aking noo.
"Hinaplos ko para mawala ang sakit. Sorry for that." Lumabas ang mapuputi nitong ngipin dahil sa matamis nitong pag ngiti. Shocks! My hearts skips.
"Why so cute, kamahalan?" Napatakip na lang ako bigla sa bunganga ko nang marealize ko ang sinabi ko. Damn! Nilulubog ko na naman ang sarili ko. Jusmio! Marimar!
Mas lumuwang naman ang pagngiti nito habang sinusuot ang kanyang helmet. Mas lalo tuloy siyang naging hot sa paningin ko. Oh my! He's wearing a black leathered jacket that made him more hotter than usual. At mas lalong nagwala na naman ang malandi kong puso sa sumunod nitong sinabi. My heart almost jump out of my chest.
"Maybe because I am talking to a beautiful woman infront of me." Kinindatan niya ako bago niya pinaandar ang motor nito. Tumigil ang mundo ko. Did he mean it? "See you tonight, Disaster."
Pinaharurot na nito ang motor niya bago pa man ako makapagsalita.
"What was that for? Did he mean it? Oh my God! Did he just say I'm beautiful?" Pinaypayan ko ang sarili ko sa nararamdaman kong kilig. Parang mas uminit bigla ang dati nang mainit na haplos ng hangin.
"See you tonight?" Ano kayang ibig niyang sabihin sa sinabi niyang iyon? Nakatingin ako sa papalayong imahe ni Aiden sa paningin ko. "Hindi man lang niya ako pinagsalita."
Napanguso na lang ako at wala sa sariling napapangiti. Kinikilig ako nang sobra. To be honest, maraming nagsasabi sa akin na maganda ako pero bakit sa kanya? Parang napaka-espesyal? At damang dama ko?
Ang tagal kong nakatayo sa parking lot habang nakatingin sa kawalan. Ito ang kauna unahang pagkakataon na nakakaramdam ako ng ganito.
"What's happening to me?" Nakatulalang tanong ko sa aking sarili.
I already admit it to myself that I like him. Hindi ko 'yan idedeny because that's the truth.
Nakangiti akong pumihit para bumalik na sana sa loob nang magulat ako sa pesteng baklitang Asher na ito!
" Anong ginagawa---"
"Asan ang bubuyog! Asan!" Napatalon talaga ako sa gulat at napasigaw. Buti na lang ay walang tao sa parking lot. Kami lang nitong hinayupak kong kaibigan na wala nang alam gawin kung hindi ang manggulat.
Masama ko siyang tinignan na halos hindi na ata makahinga sa pagtawa. May pahawak pa sa kanyang tiyan na akala mo naman eh may nakakatawa sa ginawa niya.
"Hindi ako natutuwa." Sobrang sama nang tingin ko dito. Nagpeace sign siya bago tumigil sa pagtawa. Pero halata namang nagpipigil pa din.
"Sorry na, Pampam. Wala naman kasing nakakagulat sa sinabi ko. Hindi pa nga ako natatapos sa tanong ko nagsisisigaw ka na diyan. Masyado ka lang kasing natulaley diyan sa kinatatayuan mo at nagsasalita mag isa. The last time I checked? Matino tino ka pa naman. Bakit parang ngayon---" he paused and looked at me with his teasing look and a grin on his face.
"Ano?" nawawalan nang pasenaiyang tanong ko. Heto na naman siya sa pangisi ngisi niya.
"You're a bit crazy? No, no, no---" umiling iling pa ang bakla. "Hindi pala crazy. I think you're inlove, Pampam." Napatigil ako sa sinabi nito.
"What? Me? In love? You're crazy." Naiiling na sabi ko dito at naglakad na papasok. Hindi ko na siya hinintay pa. I like him, yes, but I don't think I love him agad agad. Pwede bang ganoon? Maybe it's just an infatuation.
"Yes." He sounds serious but I don't care. Naabutan pala ako ng baklitang ito.
I sarcastically laugh and stop then face Asher.
"Liking someone isn't love, Asher. There's a big difference. Spelling palang ang laki na ng kaibahan. So, stop pushing it." Hindi naman ako iritado sa pagpapaliwanag. I'm more on, telling that it's impossible.
Nginisihan niya ako na para bang sigurado talaga ito sa sinasabi niya.
"I know love when I see it. Kahit makipagpustahan pa ako sa lahat ng nurse dito sa area natin. I'm hundred percent sure, I'll win, Pampam. I'll win."
Umiling iling na lang ako dito at niyaya na lang papasok.
"You're crazy. Tara na nga lang sa loob." Hinila ko na ang kamay nito at nagsimula nang maglakad papasok.
Inalis nito ang kamay kong humihila sa kanya at siya na ang kumapit sa braso ko at may ibinulong na para bang kinikilig.
"He's so gwapo, Pampam." At ang bfuhang baklitang Asher may papisil-pisil pang nalalaman at kurot.
"I know," tuluyan na akong napangiti nang maalala ko ang gwapo nitong mukha, lalo na kapag ngumingiti ito.
"Kung ayaw mo sa kanya, Pampam. Akin na lang." Bigla akong napatingin dito nang matalim at inalis bigla ang pagkakakapit ng kamay nito sa braso ko.
"Don't you dare, Asher! I swear! I'll kill you! He's mine at walang sa 'yo. Huwag na huwag mong aagawin ang akin. Naiintindihan mo ako Asher?" Ang sama nang tingin ko sa kanya.
"Mine?" Tumawa ito nang malakas. "Bakit? May kayo na ba? Makaangkin ka naman. Akala ko ba hindi ka inlove sa kanya? Bakit may pa he's mine, he's mine ka pang nalalaman diyan?"
Napakamot ako bigla sa aking noo. Bakit nga ba? I know I like him pero I don't know what got into me. Bigla na lang sinabi ito ng bunganga ko. Natahimik tuloy ako.
"Oh bakit natahimik ka? Hindi mo alam ang isasagot mo, 'di ba?" Napanguso na lang ako bago tumango.
"Ah basta! Akin lang siya! Period!" Inirapan ko siya na tinawanan niya lang.
"And why is that?" Tumakbo ito sa harap ko at patalikod na naglakad habang sinasabayan niya ako. "Wala pang kayo, gurl. Don' t angkin angkin someone that aren't yours, in the first place." Mas sumimangot ako sa sinabi jito.
"Kaibigan ba kita o hindi? May Papa Doc ka na. Huwag ka ng mang angkin ng pagmamay ari ko na. Naiintindihan mo ako? " Pinaseryoso ko ang tingin ko dito na ikitawa niya mas lalo bago sumaludo.
"Yes, ma'am! I just confirm something. And I knew it! Our Pamelang pihikan just join our love passions for men. Hindi ka na napag iiwanan bakla! Welcome to the club!"
Jusko! Nang aagaw na naman ng eksena ang baklitang ito. May paspread pa ng kamay at nagmodel na naman ang loko.
Agad ko siyang hinila papuntang nurse station. Buti na lang ay sanay na ang mga taga hospital sa kanya. Natatawa na lang ang mga ito habang nilalagpasan namin sila. May mga bumabati sa amin na kinakawayan niya na para bang beauty queen at may paflying kiss pa. Naiiling na nangingiti nalang akong naglalakad kasabay nito hanggang samakarating kami ng nurse station.