Chapter 17

1778 Words
Ilang araw na ang lumilipas simula nang huli ko siyang makita. After what happened, nakayuko na akong nakabalik at dumidistansiya dito. Nilubog ako ng sarili kong kahihiyan. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maisip kung ano ba talaga ang pumasok sa kokote ko at ngumuso ako nang ganoon sa harap pa ng isang hot and handsome na lalake. Ang huli ko lang naman na naalala ay ang paghuhubad baro niya tapos hindi ko na alam kung totoo pa ang mga sumunod na nangyari o imahinasyon ko na lang. That pagnanasa nailed me. Mangingiyak ngiyak na naman ako kakaisip. I sigh, "Legend ka talaga Pamela. Vowed down ako sa imahinasyon mo. Nagnasa ka pa talaga. Okay na sana, eh, kaso nahuli. Nahuli nga pero 'di naman kinulong." Ang masaklap, laging pumapasok sa isip ko 'yong hitsura ko sa video. Ang sagwa mga bakla, sobrang sagwa. Promise. Ako nga nasagwaan sa sarili ko. What more pa kaya siya. Nakakahiya talaga ako. "Can't believe I just did that!" Ginulo ko ang sarili kong buhok at napatalungko nalang sa mesa. Para akong naiiyak na ewan. "You did what?" "Sus ginoo!" Napatayo ako sa sobrang gulat ko sabay nagsalita ulit ako. "Asan ang bubuyog! Asan!" Sobrang lakas na tawa ang narinig ko mula sa aking likuran. Sa lutong pa lang nang tawa nito ay alam ko na kung sino ang nag mamay ari. Sinamaan ko siya nang tingin. Kung nakakamatay lang ang tingin baka bumulagta na siya. Pero ang lola niyo, wapakels at sige pa rin ang tawa. "Sige pa---wag ka tumigil. Tawa ka pa hanggang sa bumulagta ka diyan. Sige pa." At ang lola niyo--- hindi nga tumigil. Mas lumakas pa ang tawa nito. Halos mapalingon na lahat nang dumadaan sa nurse station. Kahit kailan talaga itong baklitang ito. Nakakahiya. "Parang siya hindi nakakahiya. Magkaibigan nga kayo." sambit ng utak ko. Sapol agad ako doon. Agad akong napanguso at napadabog nalang. "Naman kasi, Asher! Bakit ka ba kasi nanggugulat at kung tawanan mo ako parang wala ng bukas." Inirapan ko pa ito at padabog pa ring umupo. At sa wakas, natigil din ito sa pagtawa pero nangingiti pa din. Napamulagat ako nang hinahaplos nito ang pisngi ko. Hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Waaahhh! Don't tell me---may pagnanasa din itong baklita na ito sa akin. "Don't you touch me! " Tinabig ko ang kamay niyang nakahaplos sa pisngi ko at dumistansiya sa kanya. Naguguluhan naman itong napatingin sa akin bago niya ako tinaasan ng kilay. "May pagnanasa ka sa akin ano? Hindi pupwede dahil bakla ka at babae ako. Lalake ang gusto mo at hindi babae. Magkaibigan tayo Asher. MAG KAI-BI-GAN TA-YO." Napahagalpak ito nang tawa. "Who told you na pinagnanasaan kita? Tsura nito! Ako? Pagnanasaan kita? The hell, Pampam! The hell!" Nandidiring sabi nito sa akin sabay layo pa ng kaonti sa puwesto ko. Ang layo na tuloy nang pagitan namin. "Bakit may pahaplos haplos ka pang nalalaman sa pisngi ko?" Nakangusong tanong ko na ikinatawa nito at may inilabas sa bulsa nitong pocket mirror at iniharap sa akin. "See?" Pinakita nito ang left side na pisngi ko. Napangiwi agad ako sa aking nakikita. Nakadikit pala ang papel sa pisngi ko nang hindi ko napapansin. Kahihiyan part two na naman ang peg mo, Pamela. Putek namang buhay 'to. Napatampal nalang ako sa aking noo. "Bakit kasi may pahaplos haplos ka pa diyan." Hindi ko pinahalata ang pagkapahiya ko. Diyan ka magaling Pamela 'di ba? Tapos sa huli legwak ka pa din. Supalpal parin. "Pasalamat ka nga haplos ang ginawa ko para maalis. Sige---next time pagpagin ko na lang. Tse!" Inirapan niya ako lumapit na sa akin bago kinuha ang chart sa ibabaw ng mesa. "Salamat, Diyos ko." nangingiting pasasalamat ko dahil hindi nito naalala ang pagnanasa na part. Buti nalang. Ginaya ko na lang ito at inayos na din ang chart sa ibabaw ng mesa. "Wait..." bigla akong kinabahan sa pagpapatigil nito. Nakangiwi akong nakayuko at pasimpleng sumilip dito. Nakalagay ang hintuturo nito sa kanyang baba at tila nag iisip. "I just remember a word you say kani-kanina lang. And you just accused me of what? Can you repeat that again?" Nang mapatingin ito sa akin ay bigla ko nalang inilihis ang mata ko at nagkunwaring walang narinig. Ayan na nga ba ang sinasabi ko, eh. Akala ko nakaligtas na ako. Hindi pa din pala. Ano nang gagawin mo Pamela? Paktay! "Ehemm..." tumikhim ito. Naka peace sign akong humarap at alanganing napangiti. "That's a misunderstanding, Asher." Tinaasan niya ako ng kilay. "I don't think so, parang--- you're accusing me to have pagnanasa towards you. Am I right, Pampam? How could you say that to me? It's kinda nakakadiri, you know what I mean?" Diring diri talaga ito na halos nakangiwi na siya at hindi na maipinta ang kanyang pagmumukha. As in ngiwing ngiwi pa ang mukha niya. Tatawanan ko sana siya kaso hindi pwede dahil baka mas gisahin niya ako mas lalo. "Hindi dapat 'yon amg sasabihin ko, Bakla. Walang ganoon. Promise." Tinaas ko pa talaga ang kanan kong kamay habang nangangako at timatango tango pa. Mas tinaasan pa niya ako ng kanyang kilay at halata sa mukha nitong hindi ito naniniwala sa mga sinasabi ko. "This is the first time--- that I heard you say that kind of word. We know that you disgrace that kind of word. Why sudden change? Buong-buo pa nga ang word na 'yon nang sabihin mo." Bigla nalang lumitaw ang mapanukso niyang tingin. Mala detective pa mandin ang peg ng baklitang ito. "At sino namang masuwerteng nilalang ang pinagnasaan ng kaibigan namin?" Umiling-iling agad ako sa huling tinanong nito. "Wala ah, pwamis---wala talaga. Hindi ko siya pinagnasaan. Hindi talaga, bakla. Hindi talaga." Todo tanggi talaga ang ginawa ko. "Kahit nga nakita ko 'yong abs niyang ang sarap papakin. Hinding hindi ko siya pinagnasaan talaga, bakla. Promise ko yan." Napatingin ako dito nang humagalpak ito nang tawa at amazed na amazed itong nakatingin sa akin. Nangunot naman ang noo ko. Nang marealize ko ang sinabi ko ay agad kong isinenyas ang dalawa kong kamay. "Hala! Walang ibig sabihin 'yon, bakla. Promise. Yong isang kaibigan ko 'yon. Kwinento niya kasi sa akin. Oo! Kwinento niya lang sa akin." Hindi ako magkamayaw sa pag eexplain sa kanya kahit alam kong mahirap na 'yong bawiin pa. Bigla nalang kumislap ang kanyang mata at umurong palapit sa akin. As in sobrang lapit. Hinika nito ang kamay ko at kumapit doon habang sinusundot sundot niya ito. Letse! Pahamak kang bunganga ka! "Sino kaya 'yong masuwerteng lalakeng ito na nabihag nang malanding imahinasyon ng kaibigan namin." Kilig na kikig pa ito habang nagsasalita. "Hoy bakla ka! Walang ganoon. Walang pagnanasa sa katawan ko." Tanggi ko. "As in wala?" "Wala talaga, bakla." Umiling iling talaga ako nang bongga. "Sigurado ka?" Nang aasar pa nitong tanong. "Ayos lang na magnasa ka bakla. Atleast, now we know na babaeng babae ka nga at magkakaasawa ka in the near future. Pero, wala ba talaga?" "Wala nga talaga bakla. Ni hindi nga ako ngumuso sa pag aakalang hahalikan niya ako, ih. Wala talaga." "Yummy ba 'yong abs niya?" Tinanggal ko ang kamay nito sa braso ko at ako naman ang humawak dito bago humagikgik. "Ang yummy, bakla. Mapapa kanin please ka nalang." kinikilig ko pang amin dito. "Hot ba?" Hindi ko alam kung ano ang reaction nito dahil naghehearty hearty na ang aking eyes. "Super hot, bakla. Sarap lamunin." "Hinalikan ka? French kiss? Torrid kiss? O pang kamang halik?" Dati rati kapag ganyan na ang mga salitang lumalabas sa bibig nitong baklita na ito ay binabatukan ko na siya. Bakit ngayon parang wala nalang? Napanguso ako, "I wish he kissed me. Kaso imahinasyon ko lang pala. May panguso nguso pa akong nalalaman tapos alam mo 'yon, bakla. Pinagpilitan ko pang hinalikan niya ako." Nakanguso akong tumatango habang nagsusumbong dito. "Then, what happened? Imagination mo lang? So? Pinagnasaan mo siya behind his back?" "Hindi ah! Anong behind his back? Harap harap nga, eh. Yong akala mo naghalikan kayo tapos hindi pala. Ang masaklap--- pinagpilitan ko at sinabi kong panagutan niya ako dahil ninakaw niya ang una kong halik." "Wait.... What?" Natatawa nitong tanong na parang hindi makapaniwala sa sinasabi ko. "Jusmio marimar kang bakla ka. Hinalikan ka lang sa imahinasyon mo, gusto mo nang panagutan ka niya. Ay iba! Iba ka bakla...." I cut him off, "ayon na nga, eh. Hiyang hiya talaga ako. Halos lumubog ako sa sementong kinasadlakan ko dahil sa kahihiyan lalo na ng makita ko 'yong video ko na nakanguso." mangiyak ngiyak na ako habang naaalala ko na namnan ang hitsura ko. "You have a video scandal?" "Maka video scandal ka naman." napangalumbaba ako sa mesa at ngumuso dito. "But he took video of me while imagining that we were both kissing passionately." Iniuntog untok ko ang noo ko sa mesa pero mahina lang. Gusto kong makaramdam ng sakit para matauhan ako. "May copy ka?" Agad akong umiling dahil maiisip ko pa ba 'yon? "Then congrats and welcome to malalanding usapan, bakla! Girls---did you hear all of that? Nalahian na ng kalandian si Pampam! At dahil diyan! Magpapainom ako! Let's parteeeyyy!!! " Naguguluhan akong napatingin dito at napaayos nang upo. Nang marinig ko ang sabayang pagsasalita ng mga kaibigan ko mula sa phone ni Asher ay napatampal nalang ako ng aking noo. "Don't tell me, they heard all of it?" Kahit alam ko na ang sagot ay tinanong ko pa din ito. para. Mas lalo lang akong nanlumo noong tumango ito. "From the second word na binanggit natin ang word na pagnanasa. I called them all to hear your revelations. I know something is up kaya ayokong ako lang. Ang hirap kayang magkwento." tumawa ito. "I hate you, bakla!" Pagalit na sambit ko at inirapan ito. He used tricks on me para mapaamin ako. At akp naman si uto-uto. Nadala din---ayon napaamin agad agad. "And we love you too, bakla. Magtrabaho ka na. Dahil mamaya, for sure mabobomba ka. It's my treat! Ang saya ko talaga!" Humahalakhak talaga ito. Hindi na siya nahiya. Napasinghot singhot nalang ako kunwari pero waepek. Tinawanan niya lang ako kasama ng mga supportive kong mga kaibigan sa kabilang linya. "See you later." Sabay sabay na bigkas ng mga kaibigan namin bago namatay ang tawag. Nakangisi si Asher sa akin habang nag uumpisang maflakad at kumaway sa akin. "Gotta go, bakla. Be ready later." Kinindatan niya pa ako at unti-unti na itong lumalayo. Tulala akong naiwan sa nurse station at napasampal sampal nalang sa aking pisngi. Iisa pa lang ang nag interrogate sa akin. What more pa kung sila ng lahat. Bigla tuloy akong namoblema. Nang mapatingin ako sa relo ko ay bigla nalang akong napangiti sa naisip kong paraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD