Chapter 16

1526 Words
NAPATINGIN ako dito nang bigla nalang itong tumawa nang pagkalakas lakas. Akala mo naman ay may nakakatawa.  "Anong nakakatawa?" Tinaasan ko siya ng kilay. Nakakatawa ba na halikan ako? Aba!  "After you sfole my first kiss! Tatawanan mo lang ako?! How dare you!" Kahit masakit pa ang parte ng aking noo na pinitik nito ay hindi ko muna ito ininda dahil sa nararmdaman kong inis sa pinapakita nitong reaksiyon. Parang katawa tawa lang ang pagkuha nito nang una kong halik. Kung akala niya ay okay lang para sa akin ag nagkakamali siya. Ibahin niya ako sa lahat dahil sa akin, trinitreasure ko ang unang halik ko. Kung sino man ang maka una sa amin ay siya na ring huli. Ganoon ang nangyari sa mga kapatid ko kaya hindi dapat ito mabali. Maski kay Inang ay ganoon din. "Hindi ano---kung hindi sino."  Pagtatama nito sa itinanong ko. "Huwag kang magkakamali." Mas sinamaan ko siya nang tingin. Sa sinabi nito ay alam ko na ang isasagot niya. "Why? It's true, Disaster. You're funny. Why on earth would I kiss you?"  Para akong sinampal sa sinabi nito. Di ba kiniss niya ako? Di ba dumampi 'yong labi niya sa labi ko?  Di ba? Para na tuloy akong basang sisiw sa sinabi nito. "But you kissed me." Ako lang ata ang nakarinig sa sinabi ko.  Pero nang sumagot ito ay alam kong narinig nito ang sinabi ko. "What!? Are you kidding? Me kissing you? Are you out of your mind?" Yong tawa niya ay napalitan na ng kunot noo. "Yes! You just stole my first kiss!"  Hindi ako nagpatalo dahil alam kong hinalikan niya ako. O hi alikan niya nga ba ako? "What? Are you insane? I didn't even come near you. Nagulat na lang ako ng bigla ka nalang natulala diyan at sa huli may panguso nguso ka pang nalalaman. I switch of the TV dahil hindi mo ako pinapakinggan. Then you wanna get the remote. After that, tulala ka na and 'yan may panguso ka diyan na akala mo nagpapahalik ka. " Tinaasan ko siya ng kilay. Tang'na! Pagkatapos niya akong mahalikan. Idedeny niya! "Don't deny it! Panagutan mo ako!" Pasigaw na sambit ko dito. "Wait. What?" Tila naguguluhan pa ito sa sinabi ko. Ninakaw nigo ang una kong galik kaya hindi pwedeng hindi nito panagutan. "Sabi ko---PA NA GU TAN mo ako." Idiniin ko ang bawat baybay nang salitang 'yan pero mas nainis ako sa pagtawa nito. He' s insulting may dignity. f**k this kamahalan! "Stop joking, Disaster. Lakas mo mangtrip." as in tumatawa talaga siya na akala mo ay wala nang bukas. Hawak hawak pa nito ang kanyang tiyan at may pahampas pa siyang nalalaman. "I'm not joking, Aiden. You stole my first kiss---then panagutan mo." He can hear seriousness in my voice. Talagang tinawag ko siya sa kanyang oangalan oara malaman nitong hindi ako nagbibiro. Hinalikan niya ako and he stole my first kiss. Dapat lang na panagutan niya ang ginawa niya. Sabi ni Inang sa amin noon, dapat ang magiging asawa lang namin ang makakahuha ng una naming halik. Wala na daw dapat na iba. "f**k! I didn't even touch you nor your fingertip. How am I supposed to kiss you? Are you hallucinating? Gising na, Disaster! " Nilakasan niya ang sinabi nito sabay lapit sa akin at niyugyog niya ako nang medyo malakas.  "Stop lying---you jerk! After you get what you want. Dinideny mo na! Asshole!" Nagsalubong na ang dalawa nitong kilay at sumeryoso nang tingin sa akin. Mas lalo tuloy itong gumwapo sa aking paningin. Pinilig pilig ko tuloy ang aking ulo para i-alis ang paghangang nag uumpisang mamayani sa isip at mata ko. Dapat ay galit ako dahil sa pagnakaw nito ng una kong halik. "I'm not a jerk and asshole. Don't you dare curse at me because I didn't do what you are claiming. Why woukd I kiss you in the first place? You are just my nurse. Wake up, Disaster. Napaghahalataan ka tuloy. "  Ang seryoso nitong mukha ay napalitan ng ngisi. Naguluhan naman ako sa sinabi nito. Malinaw sa isip ko ang paghalik niya sa akin. "Bakit ba kanina mo pa dinedeny? Mahirap bang umamin sa nagawa mo? "  Sumusukong tanong ko dito. He keeps on denying it na mas nagpapasama nang loob ko. "I don't have anything to deny because I didn't kiss you. That's the truth. Bakit ba pinagpipilitan mo? Pinagnanasaan mo ba ako?"  May himig tukso na ang tanong nito at parang nangingiti na. "May pagnanasa ka sa akin? Am I right?"  Doon mas lalong lumuwang ang pagkakangisi nito. Pinagpawisan ako nang malamig sa mga pinagtatanong niya.  Paano nga kung hindi niya nga ako hinalikan? Eh di nakakahiya ako? "You didn't kiss me at all.?" Tanong ko na tinanguan niya. "Sigurado ka?" Tumango ulit ito. Nag uumpisa na akong malusaw sa harap nito. "Hundred percent sure?" Nakangiwi nang tanong ko ulit. Nang tumango ito sa pangatlong pagkakataon ay mas napangiwi ako at napaatras. Muntik na tuloy akong nahulog sa kinauupuan ko. "Careful, " buti na lang at medyo malapit lang ito sa akin kaya nahila niya ako. Tila napapasong inalis ko ang kamay nito dahilan para bumagsak ako sa sahig. Hindi na ako makatingin dito dahil sa pinagsasabi ko. Para akong desperada na pinapaamin ito sa hindi naman pala niya ginawang kasalanan. Jusko ka naman kasi Pamela, eh. Gusto ko na tuloy lumubog sa kinauuouan kong sahig. Hindi ko na din nakita ang reaksiyon nito dahil nakayuko na ako at nagmadaling tumayo. "How can you be so sure na hindi mo nga ako hinalikan? May ebidensiya ka para maniwala ako?" Kahit nakayuko na ay umentrada pa rin ako. Hindi ko matanggap sa sarili ko na ipinagkanulo ko ang sarili ko. Napatingin ako sa inilagay nitong cellphone sa harap ng mukha ko. " Watch it, " utos nito. Pinagpapawisan ang kamay kong kinuba ito at plinay. Doon nakumpirma ang binibintang ko. Para tuloy akong kinain ng sementong kinatatayuan ko at hindi na makaalis. Hiyang hiya ako para sa sarili ko. Ikaw ba naman mapanood ang sarili mong nakanguso sa harapan ng gwapong nilalang na ito. Aba! Nakakahiya 'yon. Ang mas nakakahiya pa mas lalo ay ang ipagpilitan ko na ninakaw niyo ang una kong halik na hindi naman pala. "Sheyte kang Pamela ka!" mahinang mura ko sa aking sarili sabay balik ng phone niyo sa kanya. "Ppupunta lang a-ko sa groc-ery. Wa-lang to-yo. Tama! Wala ngang to-yo. Mag aadobo ako!" utal utal na paalam ko at nagmadaling pumunta sa kinaroroonan ng aking bag at mabilis na isinukbit sa aking balikat. May sinasabi ito pero hindi ko na pinansin at nagmadali nang lumabas ng apartment nito. Wala na akong mukhang maihaharap pa sa mga pinagsasabi ko. Bakit ba naman kasi parang totoong totoo ang pagbalik nito sa akin? Tapos makikita ko pang nakahubad baro siya na akmang akma sa imagination ko. "Ano ba 'yan." Napapakamot ng batok kong sabi sabay lakad pababa ng hagdan. Habang pababa ako ay hindi ko talaga maiwasang hindi mapamura. "f**k! f**k this life! Nakakahiya ka, Pamela! Anong pumasok sa kokote mo at pinagpilitan mong hinalikan ka. Aisssh! Pinagnanasaan mo kasi si kamahalan kaya kung ano-ano nalang naiisip mo. Tapos kiss pa talaga. Hay naku ka Pamela!" Para akong baliw na nagsasalita habang naglalakad. Muntik na akong madulas sa pagdadabog ko. Bakit ba naman kasi nakahubad baro ito at nagpakita pa ng ulam? Ay este abs pala. " Geezz, Pamela! You act stupid back there."  Sinabunutan ko pa ang sarili kong buhok dahil sa frustration na nararamdaman ko. Tapos sumasabay pa ang pagpeplay sa utak ko ng napanood ko sa phone nito. Nanghihina na ako sa mga iniisip ko. Ipinagkanulo ko ang sarili ko kay kamahalan. May idadagdag na naman itong pang iinis sa akin. Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip ko at ngumuso pa ako. Naiiyak na ako na hindi ko maintindihan. Nanghihina akong napaupo sa dulo ng hagdan at napahinga nalang nang malalim. Nang mapatingin ako sa tsinelas ko ay mas nanlumo ako. Magkaiba ang tsinelas ko. Napatampal nalang ako ng aking noo nang makita kong nakapantulog pala ako. Ano bang kamalasan ang mayroon ako ngayon? Napahinga nalang ako nang malalim sabay sandal sa raikings ng hagdan. Nanghihina na ako sa nararamdaman ko. Kahit wala naman akong bibilhin sa grocery ay sinabi ko pa ding bibili akong toyo. Tapos ngayon maiisip ko naa nakaluto na pala ako at kakain nalang ang kulang. Umayos ako nang upo at hinarap ang railings. Niyakap ko ito at parang tanga na maiyak iyak sa kahihiyan. "Dito muna ako, ha. Samahan mo ako." sabi ko sabay haplos ko sa bakal na railings. Siya lang ang makakapitan ko sa ngayon. Ayokong tawagan ang mga kaibigan ko dahil mas malala pa ang aabutin ko kung malaman nila ang ginawa ko. Pinikit ko na lang ang aking mga mata at pilit na kinakalma ang sarili. Iniisip ko nalang na ukas ay hindi ko na siya makakasama. Pero bakit may parte sa aking puso na ayaw pang umalis sa apartment nito?  Siguro ay dahil na rin sa pag aalala na wala pa rin itong kasama. Napahibga nalang ako nang malalim at pikit na inaayos ang sarili bago bumalik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD