TAHIMIK kaming nakaupo sa sofa habang nanonood. Bukas na ang balik nito sa hospital para sa follow up check up. I think okay naman na ang paa niya kaya for sure na makakabalik na din ako ng bahay. Alam ko namang nabobore na din ito sa pagkakakulong ng halos isang linggo.
"Disaster..." he keeps on calling me that. Ang ganda ganda kaya ng pangalan ko tapos disaster lang babagsak. Tsk.
"Bakit? " Sagot ko without looking at him. Sobrang hook na hook na kasi ako sa pinapanood ko. At kapag gusto ko ang pinapanood ko. Walang makakaistorbo sa akin.
"Sa tingin mo? Aalisin na kaya ang cast ng paa ko?" Sa halos isang linggo ko dito ay paiba iba pa din ang ugali niya. Minsan mabait kadalasan ay nagsusungit. Tulad ngayon, malumanay ang boses nito. Panigurado mamaya 'yan ay nagsusungit at magkasalubong na naman ang kanyang kilay.
"You said that your foot is already okay. Nagagalaw mo ba siya without any pain?" I asked while my eyes stays on the tv.
"Yep,"' mabilis nitong sagot.
"So that's the answer." still focused on the movie.
Grabe ang galing talaga ng bida. And his abs? Naghahearty ng aking mga mata. How can he be that perfect? Ang hirap sigurong imaintain ang katawan niya.
Nasa ganoon akong pag iisip nang bigla nalang namatay 'yong tv. Nagulat pa ako dahil akala ko ay walang kuryente. Pero nakita ko namang nakailaw' yong charger ng cellphone nito. That's when I look at him at pronto! Hawak hawak nito ang remote. Pinatay pala nito ang tv.
Sinamaan ko siya nang tingin. Ang ayos naman niya kanina tapos ngayon sinapian na naman ng kabaliwan. Aissh! Bakit ba ganito ang lalakeng ito?
"Why did you turn ito off?" Ang sama talaga ng tingin ko sa kanya. "Buksan mo! Now na."
"Don't want to." Umiiling iling na sabi nito. Ang lakas talagang mang asar ng lalakeng ito. Kung gawin ko din kaya ang gianwa niya. Hay naku!
"I told you to switch it on. Please..." Dinaan ko sa malumanay na pananalita. Baka sakaling makinig ito at buksan na nito ang tv. Pero waepek.
"Ayaw ko, " umiling ulit ito at nakikipagmatigasan sa akin. Ano na naman ba kaya ang problema ng kamahalan na ito at bigla nalang papatayin ang tv. Aissh! Kainis! Hindi ka makuha sa malumanay na usapan, ha. Pwes!
"Isa." Inumpisahan ko na itong bilangan.
"Dalawa." Nagtataka pa itong nakatingin sa akin. Ay talaga! Namumuro na ito.
"Why are you counting?" tanong pa nito na para bang wala itong clue sa pagbibilang ko.
"Tatlo!" sambit ko sabay lapit dito para kunin 'yong remote. Pero ang loko! Nakita ang gagawin ko kaya bigla na lang niyang iniiwas ang remote at nilipat lipat nang direksiyon. Ako naman si tanga, sinundan ko din ang remote kung saan nito iwinawagayway. Hanggang sa mapagof na ako ay hindi ko pa din nakuha.
Ano ba naman 'yan! Papatapos na nga, ngayon pa nang asar.
"Hindi mo makuha, Disater? " Nag uuyam na tanong nito sabay tago sa kanyang likuran ng remote. Nang iinis talaga ang loko! "Come and get it." Aba! May pacome on get it pa itong nalalaman.
"Kapag ako nainis nang tuluyan. Bahala ka sa buhay mo. Switch it on sabi!" Sinigawan ko na ito nang tuluyan. Asar na asar na ako. As in!
"Don't want to. Hindi mo kasi ako pinapansin." Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Kailan pa ito naging demanding? Kahit naman hindi ko siya pinapansin ay hindi naman ito ganito. Bakit ngayon?
"Anong mayroon, kamahalan? Nilalagnat ka ba? " Hindi ko maiwasang magtaka sa inaasal nito. Dinama ko pa ang noo nito pero hindi naman siya nilalagnat.
"Tsk. I'm not sick. Okay na okay ako." Naging iritado bigla ang awra ng mukha niya. See? Ang bilis magbago nang mood niya. "Kanina pa kita kinakausap pero hindi ka man lang lumilingon." Tinaasan ko siya ng kilay.
"Kamahalan is that you? Nagdedeliryo ka na ata. " Halos matawa ako sa inaasal niya. "At kailan pa naging issue ang hindi ko paglingon kapag kausap mo ako? I always do that to you."
"Dapat kapag kinakausap kita, nakaharap ka sa akin. Ano bang mayroon sa pinapanood mo na wala ako?" Mas lalong kumunot ang noo ko. "I have abs, " sabi pa nito sabay pakita ng kanyang abs. Holy cow! Am I dreaming?
Napamulagat ako ng aking mga mata sa ipinapakita niya. Why on earth is he doing this? I know na sobrang namumula na ang pisngi ko. Ikaw ba naman ang makakita nang naghuhubad baro na lalake sa iyong harapan. Aba! Ewan ko nalang.
Shutabels naman kasi! Ang yummy yummy ng kanyang abs.
"Like it?" At tuluyan nang naghubad ng damit ang aking kamahalan. "I have this just like the man in the movie. Ako na lang ang panoorin mo." Tulaley talaga ako sa pinagsasabi nito at mas lalo na sa nakikita ko habang turo-turo nito ang kanyang matitigas na abs. Packing teyp namang abs 'yan. Kanin please.
Nagdedeliryo na ata ang sistema ko. f**k! Napapamura na din ako. Sheyt na malagkit! Bakit ganoon? Ang sarap niyang tignan. Kulang nalang ay tumulo ang aking laway sa pagpapantasya. Parang siyang sisig sa aking paningin---he's definitely hot ang sizzling.
"Kung alam ko lang na ganyan pala ang magpapatigil sa 'yo sa panonood mo. Ginawa ko na, kaso, hindi ako makatayo para maghubad sa harapan mo." He's teasing me that's for sure.
"Kkapal ng face. " Hindi ko mapigilang hindi mautal dahil sa nakikita ko. Nyeta! Kapag buhay pa si Inang paniguradong milyones na kurot sa singit ang inabot ko sa pagmumura ko. Can Inang blame me for cursing kung ganito kainit ang nakikita mo?
"But you're enjoying the view." He smirked at me. "You can touch it if you like." He bit his lower lip na mas lalong nagpadagdag ng kahotan niya. "All yours, Pamela. All yours..."
He move closer to me. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Is he going to kiss me? Oh my God! I'm not yet ready. Hindi pa ako handa sa mga ganyang bagay. Palapit ito nang palapit hanggang sa ilang pulgada nalang ang pagitan ng aming mga labi.
" Patawarin niyo po ako Inang kung natutukso ako ngayon. Ganito ba naman kaguwapo ang mangtutukso sa akin. Baka bumigay ang anak niyo, Inang." bukong ng akin isipan.
"I wanted to kiss you since the day I met you. Your lips are tempting and I can't resist it by now." Tumingin muna ito sa aking labi bago nito inayos ang ilang hibla ng aking buhok na nakaharang sa aking mukha. "You're so near, Pamela and I can't control myself anymore."
Napaawang ang mga labi ko sa mga pinagsasabi nito. Nababaliw na ba ito? Is this for real?
"Wwhat are you talking about, kamahalan? Huwag mo akong binibiro nang ganyan Ssinasabi ko sa 'yo. Hindi ka nakakatuwa. " Nauutal talaga ako habang umaatras ng upo sa sofa.
Sa bawat pag atras ko ay siya namang paglapit niya. Hindi nito inaalis ang kanyang mga mata sa akin. Kinakabahan na tuloy ako. Sobrang lakas ng t***k ng aking puso. Parang lalabas na ito sa aking dibdib. Maaatake na ata ako nito. Diyos ko tulungan niyo po ako. Inang, Tatang...
Natawag ko na tuloy ang mga magulang ko sa nerbiyos ko.
"Hhuwag kang lalapit." Babala ko dito at ipinigil ang kamay ko. And that was a bad move dahil hinawakan nito ang naidanray kong kamay sa kanyang katawan.
And then, he smiled at me whike holding my hand. "kanina pa ako nakalapit sa 'yo. We're very very close, Pamela. Very very close..."
Napalunok ako at hindi alam ang gagawin. Hindi ko alam kung babawiin ko ba ang aking kamay o hindi.
Ang balak ko ay ang umatras pa pero wala na pala akong aatrasan dahil dulo na ito ng sofa. One move, paniguradong babagsak ako sa sahig.
"Are you afraid of me?" He ask in a very sweet voice. Mas napalunok ako. Shuta naman, eh. Wala pa akong karanasan at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nagwoworld war III na ata ang utak ko. Someone help me.
Paano nalang kapag hinalikaan niya ako? Paano ako gaganti? I don't even know how to kiss. Yan ang mga prinoproblema ko sa ngayon.
Nang mas lumapit pa ito sa akin at amoy ko na ang hininga nito. Napapikit ako dahil sa amyo nito. Ang bango. It's like some kind of a perfume that I wanted to smell everytime. Nakaka adik.
"Pamela..." tumingin ako sa nakikiusap nitong mata. Then he slowly travel his eyes down to my lips. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Ako ba dapat ang maglalapit ng mga labi namin o siya? Nababaliw na ata ako.
"Hoy Pamela! Alalahanin mong virgin ka pa!" Tinatatak ko 'yan sa isip ko pero parang ayaw tumatak at nagkukumawala.
"I wanted to kiss you here and now." Napamulat ako sa sinabi nito. He wanted to kiss me?
Nang maramdaman ko ang malambot nitong labi sa akin ay napakapit na lang ako sa upuan. Dampi pa lang pero nakakalusaw na ng katauhan. Napapikit ulit ako ng aking mga mata para damhin ang nangyayari. Gusto kong malaman kung nananaginip lang ba ako o totoo ang lahat ng nangyayari.
Nagulat nalang ako ng may marinig akong tumatawa at naramdaman ang medyo malakas na pitik sa aking noo. Agad akong napamulat. Bumungad sa akin ang nakahubad barong kamahalan na tumatawa. Napahawak ako sa aking labi at napamulagat ng maramdaman kong nakanguso ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Basta ang alam ko lang ay hinalikan niya ako.
He kissed me! Period! No question done!