Chapter 3

1942 Words
Binuka ko ang aking mga mata at napatingin sa paligid, nasa infirmary na naman pala ako. Napansin kong mag-isa lang ako sa maliit namin na klinika dahil wala ang nurse-in-charge, siguro lumabas siya. Ang infirmary namin ay maliit lang, may dalawang higaan lang dito, lamesa ng nurse at dalawang cabinet na punong-puno ng mga gamot at gamit pang medikal. Ngayong mga araw ay naging suki na ako ng klinika namin, napabuntong hininga ako. Walang labong mas malala ang napapagdaanan ko ngayon kesa sa mga nakaraang taon. Kung nawalan na ako ng malay dahil sa sobrang sakit ng ulo ay hindi na iyon nauulit at minsan ang susunod ay simpleng lagnat lang at konting kirot sa ulo. Ngayon ay parati na lang akong nawawalan ng malay, at parating masakit ang ulo na para bang may humihigop ng enerhiya sa katawan ko. Lalong nagising ang diwa ko ng mapadako ang tingin ko sa labas ng bintana, napatingin ako sa relo ko at napasinghap ng mapagtanto na alas-kuwatro na pala ng hapon. Ibig sabihin ay halos kalahating araw pala akong tulog, paanong hindi ako nagising? Agad naman akong napalingon ng marinig ko ang pagbukas ng sliding door ng klinika. Agad kong nakita ang mukha ni Sab na alalang-alala sa akin. "Omg ka Cahya! Aatakihin ang puso ko ng makita ko kaninang nasa matitikas kang braso ng bago nating guro. Akala ko hinimatay ka dahil sa sobrang kapogian niya." Natawa naman ako sa sinabi ni Sab, medyo gumaan na ang pakiramdam ko dahil na siguro sa haba ng tinulog ko. "Bakit hindi mo ako ginising kanina?" Tanong ko sa kanya ng maupo siya sa silya na nasa tabi ng kama ko. Tumingin naman siya sa akin na parang hindi niya mapaniwalaan ang tinatanong ko. "Anong hindi kita ginising? GInising kita ng dalawang beses kasi alam ko ganyan ang magiging reaksyon mo pag hindi ka makakapasok sa klase natin. E kaso para kang tuod kung matulog, tsaka napagalitan ako ni Mr Alterio kasi ginising kita. Ang sabi n'ya 'hayaan mo siyang magpahinga' jusko ang sexy ng boses." Ginaya pa niya ang pagsasalita ni Mr Alterio na kinatawa ko na lang lalo. "Nakakaloka nga Cahya, bitbit ka niya kanina akala ko nilipad niya mula sa classroom natin sa sobra niyang bilis makarating dito sa klinika. Hay, he is so dreamy.." Napailing na lang ako ng makita ang mukha nitong nananaginip na naman ata ng dilat ang mata tungkol kay Mr. Alterio. Hindi na ako nabigla bakit ganyan umakto si Sab, hilig talaga niya ang mapopogi at itong si Mr. Alterio ay totoong napakapogi tapos napakabait pa. Mabuti na lang talaga at nandoon siya kanina kundi ewan ko na lang kung anong nangyari sa akin. "Pangalawang beses ka na niyang nabubuhat, sana ako din pero ayokong mahimatay." Napatingin ako kay Sab dahil sa sinabi niya pero kumunot ang noo ko. "Pangalawang beses?" tanong ko sa kanya. "Oo, kasi noong mahimatay ka sa hallway saktong nandoon si Mr. Alterio." Proud na proud na kwento ni Sab sa akin kaya napatango na lang ako. Naalala ko na, kaya pala pamilyar ang mga asul nyang mga mata. Tumayo na ako at bumaba na sa higaan para isuot ang aking sapatos. Inaya ko na lang lumabas si Sab pero bago kami lumabas ay nag-iwan muna ako ng note sa lamesa ng nurse na nagpapaalam na umalis na ako dahil baka hanapin niya ako. "Nga pala wag ka na munang pumasok bukas." Sabi ni Sab sa akin habang hinahagilap ang kung ano sa bag niya habang naglalakad kami sa hallway. "Papasok ako, maayos na ang pakiramdam ko." Pagmamatigas ko, ayoko matengga lang sa bahay at marami akong makakaligtaan sa klase lalo na't absent na ako kahapon tapos bukas na naman. "Wala ka ng magagawa, excused ka na sa lahat ng klase natin tsaka kahit pumasok ka bukas papauwiin ka rin." Sabi ni Sab habang kinakalikot niya ang phone habang ako ay napabuntong hininga na lang. "Sino ba kasi nagsabi na wag na akong pumasok?" Naaasar kong bulyaw ng mapatigil ako sa paglalakad dahil nasa harapan ko si Mr Alterio. Napahawak ako sa may puso ko dahil bumilis ang takbo nito, hindi ko man lang siya napansin na naglalakad sa harap ko. "Ako ang nagpa-excuse sayo. You will not come to school tomorrow, understand?" Kalmado niyang tugon habang nakatitig sa mga mata ko. Wala na akong nagawa kundi ang tumango at pumayag sa sinabi n'ya. Nararamdaman ko ang pagiging concern n'ya sa akin at ng tumango ako ng walang pag-alinlangan kaya agad siyang ngumiti sa akin na para bang nabunutan siya ng tinik. Lumapit siya sa akin at tumingin ng maigi sa mukha ko. "Good girl." Sambit niya, medyo nabigla ako ng pinatong niya ang kamay sa ulo ko na agad naman niyang tinanggal. Pumanhik ata lahat ng dugo sa mukha ko kaya agad akong tumingin sa ibang direksyon. Napalunok ako bigla at parang gusto kong paypayan ang sarili ko. "Tara na Sab." Sabi ko at nagsimulang maglakad muli pero agad akong tumigil at lumingon kay Mr Alterio na nakatingin pala sa amin, sa akin. "Thank you, Sir." Mahina kong sambit pero alam kong narinig niya ang sinabi ko dahil agad siyang ngumiti. Muli akong nagsimulang naglakad at siguro hindi ko napansin ang tulin ng lakad ko dahil nahihingal na humahabol sa akin si Sab. "May walkathon ba 'te?" sarkastikong tanong ni Sab na huminga ng malalim. Napatilig naman ako sa paglalakad habang nakahawak ako sa may dibdib ko, ang bilis ng t***k ng puso ko. "Siguro nga kailangan ko magpahinga bukas." Mahina kong sambit. "Tama iyan, magpahinga ka." Tumango naman si Sab bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. "Tara na, mag traysikel na tayo. Libre kita," sabi ni Sab ng makakita siya ng traysikel na dumaan pero umiling lang ako. Gusto kong maglakad-lakad ngayon para makapag-isip. "Sige na, mag-traysikel ka na at ang layo pa ng bahay mo Sab." Sambit ko at nagtawag na ng traysikel na dumadaan. "Sigurado ka ha? O s'ya mauna na ako." Paalam ni Sab at sumakay na sa traysikel. Pinanood ko ang palayong traysikel na sinasakyan ni Sab. Nagsimula na din akong maglakad papunta sa direksyon ng bahay namin, walang mga bahay sa paligid at medyo madilim na dahil maggagabi na. Mabuti na lang marami dumadaan na traysikel at may ilaw ang mga poste kaya hindi nakakatakot maglakad ng mag-isa.  Napabuntong hininga na lang ako ng makaramdam ako ng pagod kahit wala naman akong ginawa buong araw. Itutulog ko na lang talaga itong nararamdaman ko dahil nakakaramdam na naman ako ng hilo. Ito na naman ang nararamdaman kong may nakatingin sa akin, agad akong tumingin sa kaliwa ko sa may kakahuyan pero wala na naman akong nakitang tao roon. Kaya muli akong naglakad at pinag-walang bahala ang naramdaman dahil baka guni-guni ko lang iyon lalo't mag isa lang akong naglalakad ngayon. Malapit na ako sa bahay ng makita kong papasok ng bahay ang kapatid ko, si Kuya Jayson. Tumakbo ako at agad siyang niyakap sa likuran, hindi ko inaasahan na makakauwi siya ngayon dahil sabi niya sa akin na busy siya sa trabaho sa Maynila. Mula ng makapatapos siya dito sa probinsya namin ng kolehiyo ay diretso agad siya sa Maynila para maghanap ng trabaho, isa siyang magaling na architect. Agad na nakuha si Kuya ng isang malaking kompanya sa Maynila at doon na nanirahan kaya minsan na lang siya dito umuwi. "Kuya, andito ka!" humarap sa akin si Kuya Jason na agad ngumiti. Tinitigan niya ang mukha ko at pinitik niya ng mahina ang noo ko. "Napauwi ako kasi nabalitaan kong nagkasakit ka raw." Sinamaan ko siya ng tingin habang nakahawak ako sa noo ko. Si Kuya Jason ay ang panganay kong kapatid na parati kong kasama lalo na no'ng nasa elementarya ako. Gusto kong parati siyang kasama dahil natatakot ako sa ibang tao lalo na sa ibang mga bata na binubully ako kasi iba ang kulay ng mga mata ko. Siya ang tagapagtanggol ko at bukod kina Nanay at Tatay na grabe din siya mag-alala sa akin kapag nagkakasakit ako. Alam ko naman hindi talaga kami magkadugo dahil noong nasa elementarya pa lang ako ay kinausap na ako ng pamilya ko na inampon lang ako pati si Kuya Jason. Naalala ko pa noong umiyak si Nanay at Tatay ng kausapin ako. Bata pa ang isip ko noon pero agad kong naintindihan ang sinabi nila na hindi ako galing sa kanila, medyo nalungkot ako sa sinabi ni Nanay pero ramdam na ramdam ko naman ang pagmamahal nila sa amin ni Kuya kaya hindi na ako nag-iisip o nagtanim ng galit sa totoo kong mga magulang. Kina Nanay at Tatay pa lang ay solved na kami sa pagmamahal at aruga. "Hay naku, si Nanay nagsumbong 'no?" Napailing na lang ako, masyado talaga kung mag-alala si Nanay tapos minsan exagerated magbalita lalo na kay Kuya. "Gusto ka lang n'ya umuwi dito," sabi ko pa. "Alam mo naman si Nanay, tara na at pasok na tayo sa loob," aya ni Kuya sa akin. Pumasok na kami sa loob habang naka-akbay sa akin si Kuya.  "Alam mo kuya parang lumiliit ka." Sambit ko sa kanya ng pumasok na kami sa loob ng kabahayan. Napa-tss siya sa akin at tinignan ako taas-baba. Sakto lang ang bahay namin na may dalawang palapag, may tatlong kuwarto at banyo sa itaas at isang banyo sa baba, sala at kusina. Meron ding garden si Nanay na ginawa pa ni Tatay dahil gustong-gusto ni Nanay na may tanim siya. Sabi ni Nanay na ang bahay namin ay pundar ni Tatay noong nag-sea man siya sa ibang bansa. Si Nanay ay teacher sa isang private kindergarden school hanggang ngayon at si tatay ay di na bumalik sa pangingibang bansa at nanatili na lang dito sa Pilipinas, ngayon ay nagtratrabaho na siya sa munisipyo. Ayaw na daw niya kasing iwan kami pero sa nakikita ko talaga 'di niya lang kayang iwan si Nanay. "Tumangkad ka lang e." Naasar niyang sambit sa akin na kinatawa ko lang. Napailing na lang si kuya at dumiretso na sa kusina kung nasaan si Nanay ngayon, siguro nagluluto na para sa hapunan. Si Kuya Jason ay sobrang tangkad din, 6'1 ang height niya. Dati ko pa naiisip na siguro half-foreigner kami ni Kuya lalo na't brownish yellow din ang kulay ng mga mata niya. Actually, itong si Kuya ay isang hearthrob dito sa probinsya namin. Pinagkakaguluhan siya ng mga kababaihan at kabaklaan. Bukod sa matalino ay pogi rin siya na papasang artista kasi maputi siya, at walang pores ang mukha. Higit sa lahat ay parating fit ang katawan niya, alam ko kasing mahilig mag-work out si Kuya. Minsan ko na siyang sinabihan na mag-artista siya pero tinatawanan niya lang ako na parang di makapaniwala sa suggestion ko. "Nay, anong ulam natin?" Agad kong narinig na tanong ni Kuya. "Hay naku Jason, wag kang magulo rito sa kusina dahil sinusuyo ko ang Nanay mo." Narinig kong sambit ni Tatay. Siguro nag-away na naman ang dalawa, parati silang ganoon pero agad din namang nagbabati. Gusto lang talaga ni Nanay na suyuin siya ni Tatay. "Sige Tay, pag-igihan mo iyan. Nay magpakipot ka pa." Halata sa boses ni Kuya na natatawa siya sa kanila ni Nanay. Napailing na lang ako at dumiretso na sa kwarto para magpalit ng damit at magpahinga muna. Medyo bumibigat na naman ang nararamdaman ko. Agad akong humiga sa kama dahil baka mawalan ako ng balanse sa katawan. Agad namang sumara ang mga mata ko na para bang hinila  ako ng antok. Unti-unti kong binuka ang mga mata ko ng maramdaman ko ang paghawak ng kung sino sa noo ko. Parang gumagaan ang pakiramdam ko sa kung ano mang ginagawa niya sa akin. Malabo ang paningin ko kaya hindi ko maaninag ang taong nakaupo sa higaan ko. Ang nagsisilbing ilaw sa kwarto ko ay ang liwinag ng buwan na pumapasok sa loob. "Sleep Cahya." Narinig kong sambit n'ya. Unti-unting sumara ang mga mata ko at tumatak lang sa utak ko ang mga asul niyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD