“UY, friend, ano’ng nangyari? May problema ba?” tanong ni Jackie sa kaibigan, “Gabi na, oh. Baka hinahanap ka na ni Aiden sa inyo.” Napatingin si Eli sa kaibigan. “Ha? Gabi na ba?” “Ay hindi, madaling araw na! Tingnan mo, oh, alas-syete na ng madaling araw!” Napanguso ang dalaga sa pambabara ng kanyang kaibigan. Tiningnan niya ang wall clock na nakasabit sa pader ng kwarto ni Jackie at doon niya napagtanto na ang tagal na niya palang naroon. “Ano ba’ng problema? At bakit parang kanina ka pa hindi mapakali, ha?” Pilit iniiwasan ni Eli ang kanina pang tanong nang tanong niyang kaibigan. Ayaw niyang malaman nito ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito sapagkat kilala niya nang lubos si Jackie, hindi siya nito titigilan once na sagutin niya ang unang tanong ng kaibigan. Hindi rin a

