HINDI mawala ang ngiti ni Eli habang nasa trabaho. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang nangyari kagabi sa amusement park. Ang hindi niya inaasahang pag-amin ni Aiden sa kanyang nararamdaman, at ang malalambot na labi nito na tila hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin. Gusto niya rin ako, may gusto siya sa akin. Nangingibabaw ang tuwa sa kanyang puso matapos ang gabing iyon. Halos mahuli pa siya sa pagpasok kanina dahil sa kakaisip ng nangyari. Inihatid siya ng binata sa trabaho ngunit kaagad din iyong nagpaalam dahil tutulungan pa raw ng binata si Mang Joaquin sa pangigisda. “Ms. Adrales.” Nabalik sa katinuan ang dalaga nang marinig ang boses ni JC. Mabilis siyang napatayo at humarap dito. Bahagya pa siyang nakaramdam hiya dahil nahuli na naman siya nitong n

