BALIK trabaho na si Eli matapos ang apat na araw na pagpapahinga. Masyado na siyang nahihiya sa kanyang amo dahil sa tatlong araw na absences nito. Lagi na rin silang nagsasabay ni Jackie sa pagpasok at pag-uwi kapag sinasamahan ni Aiden si Mang Joaquin sa palengke. At kapag may libreng araw naman ang binata ay hatid-sundo siya nito sa trabaho. “Welcome back, Eli.” Nakangiting bati ni Leo sa dalaga. Hindi na bago ang pagiging maaga nito ngunit mas maaga ang binata kaysa sa kanya. “Nand’yan na si Sir?” tanong ng dalaga habang inaayos ang kanyang mga gamit. “Parating na ‘yon, may dinaanan lang daw.” Tumango naman si Eli atsaka nagsimula na sa pagtatrabaho. Maya-maya pa ay dumating na si JC. Sobrang dilim ng mukha niya at tila ba kaunting pagkakamali lamang ay sisipain ka na niya pala

