TANGHALI na nang magising si Eli kinabukasan. Hindi na ito nakahabol pa sa kanyang trabaho dahil doon. Wala na rin si Aiden sa kanyang tabi nang magising siya kanina. Kaya naman, kahit masakit pa ang kanyang katawan ay pinilit na lamang niyang bumagon upang makapagluto ng agahan. “You’re awake,” dinig niyang wika ni Aiden nang makita ito na nakaupo sa sala. Tahimik na tumango naman si Eli rito atsaka naglakad patungo sa banyo. Hindi pa ganoon kaayos ang kanyang pakiramdam dahil tila ba binugbog siya ng napakaraming tao at nanghihina pa rin siya. Matapos maghilamos ay tumungo si Eli sa kusina at tiningnan ang pwede niyang lutuin. Ngunit nagulat siya nang makitang may luto ng pagkain at ulam sa mesa. Palihim na tumingin ang dalaga sa kinaroroonan ni Aiden. Abala ito sa pagbabasa ng diy

