“KAMUSTA na po kayo d’yan, ‘Nay, ‘Tay?” Tinanggal ni Eli ang mga dahong nakatakip sa lapida ng kanyang mga magulang. Kagagaling lamang niya sa trabaho at nagpasiya siyang dumalaw sa mga ito. Hindi na niya nahintay pa ang kaibigang si Jackie dahil overtime ang dalaga, kaya naman maaga siyang nakalabas ng kompanya. “Alam niyo po ba? Malapit ko nang mabayaran ang lahat ng utang natin sa lahat,” nakangiting kuwento niya pa, “biruin niyo, ‘Nay, ‘Tay, unang sweldo ko pa lang, pero nakalahati ko nang bayaran ang lahat ng utang natin.” Kakaunti lamang ang tao sa paligid at malayo sa kinalalagyan niya. Kaya naman malaya siyang nakakapagsalita na tila ba kinakausap ang puntod ng kanyang mga magulang. Walang mag-iisip na nababaliw na siya. “Sina Aling Esme at Mang Joaquin, hayun, going strong pa

