NANG mga sumunod na araw ay naging maayos na ang pagta-trabaho ni Eli sa kompanya bilang secretary. Tila ba nasasanay na rin ang buong sistema niya sa bagong trabaho kaya naman hindi na siya nahihirapan sa mga adjustments na nangyayari. Hindi pa rin nawawala ang kasungitan ni Ms. Ramos, maging ang ilang mga empleyado sa kanya. iniisip tuloy ng dalaga na tila mas marami pa ang mga sakit sa ulo dito kaysa sa factory na dati niyang pinapasukan. May isang araw na halos isumpa ng dalaga si Ms. Ramos dahil sa mga pananadya nito tulad ng hindi pagbibigay ng list of schedules ni JC sa mga meetings, ang pilit na pang-aagaw nito sa kanyang trabaho bilang sekretarya mapalapit lang sa binatang amo at ang pagpaparinig nito sa ibang kasamahan tuwing dadaan siya. Wala naman siyang magawa sapagkat nak

