KINAUMAGAHAN ay nagising si Eli sa malakas na ingay ng kanyang alarm clock. Nakapikit na kinuha niya ang kanyang de pindot na cellphone atsaka tiningnan ang oras doon. Alas-sais pa lamang ng umaga at alas-otso ang kanyang pasok. “Teka, napaaga ba ang alarm ko?” Akmang babangon na sa kama si Eli nang makita niyang nasa kwarto niya siya. “Ha? Paano ako napunta rito?” Nang maalala niya ang nangyari kagabi ay mabilis na nanlaki ang kanyang mga mata atsaka dali-daling bumaba sa sala. Hindi na niya naisip pang maghilamos at magsuklay dahil sa kaba. Natataranta niyang binuksan ang laptop sa pag-aalalang hindi niya nai-save ang mga hindi pa tapos na trabaho. “Aiden, bakit hindi mo ako ginising?” maluha-luhang hinintay ng dalaga ang pagbubukas ng laptop habang ipinagdarasal n asana ay nai-s

