"Best!" Napatakbo si Barbie palapit sa kaniya. Mabilis nitong inagaw sa kaniya ang hawak na taling ipupulupot niya sana sa kaniyang leeg. Naiiyak itong tinulungan siyang makababa. Nanghihina siya. Wala na siyang maramdaman pa dahil tila namanhid na ang buo niyang katawan. Hanggang sa mapahagulgol na lamang siya. Tama ba ang ginagawa niya? Pero pagod na siya. Gusto niyang matapos na ang lahat ng kaniyang paghihirap. "Best, huwag naman ganito. Kung alam ko lang na ito ang kahahantungan mo hindi na sana kita hinayaan pa. Mali ang ginagawa mo, alam mo ba yun?" Napatitig siya sa kaibigan. Yakap siya nito at inaalo. Ramdam niya ang pighati, ang sama ng loob, ang sakit na hindi niya alam kung may gamot pang makagagaling. Matindi na ang pagkawasak ng pagkatao niya. Paano niya pa maibabalik an

