Chapter 27

1235 Words

Walang naidulot na mabuti ang ginawa kong paghiganti, mas lalo lamang lumala.. Tumingala siya sa kalangitan. Nag-aasul iyon na tila nagpapagaan ng kaniyang loob. Nakaupo siya sa duyan na bakal habang tahimik na inaaliw ang sarili. Naroon siya sa isang park at nagpapahangin, nakikiramdam. Pinagmasdan niya ang ilang mga taong dumaraan. May mga tao ring naglalaro sa court. Ang iba naman ay abala sa kani-kanilang ginagawa. May mga kabataang nagtatawanan. Mabuti pa sila.. Naibulong na lamang niya sa sarili. Naalala niya nang makausap niya noong isang linggo si Fernando Barcelona, ang nilakhan niyang ama na siyang nagbigay sa kaniya ng pangalan. Naging mas malinaw sa kaniya ang lahat. Ang magulo at kumplikadong sitwasyon noon ang puno't dulo na siyang nagresulta ng mahirap niyang kasalukuyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD