NANG sumapit ang alas siyete ng gabi ay dumiretso na si Lucille sa restaurant kung saan nila napag-usapang magkita ni Troy. Hindi na siya nasundo ng binata dahil nagkaroon daw ito ng biglaang meeting.
Pagdating niya sa restaurant ay may lalaking agad na nagbukas ng pinto para sa kanya.
"Good evening, Ma'am," bati nito sa kanya.
"Hi, Good evening," sagot naman niya. "Nandito na ba si Mr. Troy Rodulfo?" tanong niya rito.
"Yes, Ma'am. Pasok na lang po kayo sa loob."
Iminuwestra ng lalaki sa kay Lucille ang pasilyo na napapalamutian ng mga kandila na nakalagay sa clear na baso hanggang sa dulo ng pasilyo. Napakagandang tingnan iyon. Parang nagbigay iyon ng romantic vibe sa buong lugar. At para bang iyon ang guide niya papunta sa kung nasaan si Troy. Kaya habang papalayo nang palayo ay lalo lang siyang na-e-excite dahil ibig sabihin noon ay sa dulo niyon ay naroon si Troy.
Noon lang din napansin ni Lucille na parang walang ibang tao sa lugar. Kung ganoon ay ipina-reserve ni Troy ang buong restaurant para sa kanya? Iyon pa lang ay nakapagpataba na ng puso niya.
Aba, best in effort, naisaloob niya.
Kaya lang pagdating niya sa pinakadulo ng pasilyong napapalamutian ng kandila na sinundan niya ay wala doon si Troy. Ang tanging nandoon ay ang isang napakagandang table for two set up sa gitna, isang malaking screen sa tapat nito, isang bouquet ng tulips na nakapatong sa mesa at isang stuffed toy. Napaka-romantic na sana ng set-up eh kaya lang kulang iyon para sa kanya.
Balak niya na sanang tawagan si Troy para tanungin kung nasaan ito nang mahagip ng kanyang tingin ang isang note na nakalagay sa stuffed toy.
Sabi doon ay "Hug Me." Kaya kahit wala siyang ideya kung bakit ay may note na ganoon ay ginawa niya pa rin. Sa pagkamangha niya ay nagsalita ang stuffed toy nang yakapin niya iyon.
"Ang ganda mo," sabi ng stuffed toy.
Well, hindi naman talaga iyon nagsasalita. Nagpe-play lang ang recorded message ni Troy kapag niyayakap ang stuffed toy. In all fairness naman, kinilig siya. Kahit wala pa si Troy doon ay nagawa pa rin nitong pasayahin si Lucille. Ganoon siguro talaga ang nagmamahal, kahit siguro simpleng effort ng taong mahal mo para sa 'yo ay ma-a-appreciate mo.
Dahil naaaliw si Lucille ay inulit-ulit niyang yakapin ang stuffed toy. Paulit-ulit niya ring naririnig ang boses ni Troy at nai-imagine niya kung ano kaya sa pakiramdam kung sa personal nito sabihin iyon. Kaya ganoon na lang ang pagkabigla niya nang biglang may magsalita.
"Uy, inuulit-ulit niya," panunudyo ng boses.
Nang lumingon si Lucille ay naroon na si Troy sa likod niya. Parang gusto niyang mapasinghap dahil napakaguwapo nito sa three-piece gray suit nito. Well, palagi naman itong guwapo pero para bang mas nagpaguwapo pa ito sa kanya ngayon.
"Eh masama bang ulitin?" kunwa'y nagtataray na wika niya.
"Hindi naman. Eh sa talagang maganda ka naman eh."
"You're not so bad yourself," nakangiting sagot niya. Natatawang napailing ito sa kanya.
"Grabe! Ilang oras akong nagpa-guwapo tapos iyon lang ang sasabihin mo?" umakto pa itong na-offend sa sinabi niya. Lalo lang tuloy naging cute ito sa mga mata niya.
"Nagpapa-cute ka na naman, Dong," nangingiting napailing siya. Awtomatikong napaluwang naman ang ngiti nito sa kanya.
"Bakit? Effective ba? Crush mo na ba ako?" tudyo nito.
"Mahal na nga kita eh," pabulong na sagot niya.
"Ano?"
"Wala. Kako, puwede na bang maupo?" palusot niya. Amused na napatingin lang ito sa kanya na para bang may iniisip itong kung ano? "Bakit?"
"Wala," nangingiting sagot nito.
Pero kasi, may kakaiba sa kislap ng mga mata ng binata at sa ganda ng ngiti nito. Para bang narinig nito ang binulong niya at nagustuhan nito iyon. Well, ipinagkibit-balikat niya na lang iyon.
Pinaghila na siya ni Troy ng upuan at inalalayang makaupo. Pagkatapos noon ay pinagsilbihan rin siya ng binata. Ipinagsandok pa siya nito ng pagkain at ito pa ang nagsalin ng wine para sa kanya. Hindi naman nahirapan ang binata na gawin iyon dahil iniusog na ni Troy ang upuan nito para malapit sila sa isa't isa.
Nagkaroon tuloy si Lucille ng pagkakataong pagmasdan ang guwapong mukha ng binata. At habang ginagawa niya iyon ay hindi niya maiwasang isipin na tama palang naghintay siya para sa pag-ibig noon. Dahil kung hindi, baka ay hindi si Troy ang kasama niya ngayon. Mabuti na lang talaga dahil kahit long overdue na ay nakahanap pa rin siya ng pag-ibig na para sa kanya at napakasuwerte ni Lucille dahil si Troy ang natagpuan niya.
Napakasuwerte ni Lucille dahil siya ang babaeng inaalagaan nito ngayon at pinaglalaanan ng effort. Pero kung alam lang nitong hindi na kailangan ni Troy na mag-effort dahil nakuha na nito ang puso niya.
"What?" tanong nito pagkamaya-maya.
"Wala lang. Gusto ko lang magpasalamat para sa lahat ng ito," aniya. "Alam kong busy ka pero nag-effort ka pa talaga sa date na ito. Alam kong marami kang mas mahalagang bagay na gagawin pero---"
"Wait. I have to cut you right there," putol nito sa sasabihin niya.
"Bakit?" nagtatakang wika niya.
"Dahil wala nang ibang mas mahalaga sa akin kundi ang makasama ka," sinserong wika nito sa kanya.
Kakasimula pa lamang ng date nila pero sumirko na ang puso ni Lucille. Hindi lang iyon dahil sa sweet na sinabi ni Troy sa kanya kundi dahil din sa sinseridad ng mga mata nito. Just by looking at her, he made her feel that there's nothing more important in the world for him than her. Iyon pa lang, sapat na para makapagpatunaw ng puso ng dalaga.
"Haay. Paano pa ba ako matutunawan nito kung sobrang pinapakilig mo ako?" natatawang wika niya. Pati ito ay napahalakhak na lang din sa kanya.
"O siya, sige na nga. Kumain ka na."
Patuloy silang kumakain habang nagpe-play naman sa isang malaking screen sa harap nila ang pelikulang Serendipity. Pinaghandaan at pinag-isipan talagang mabuti ni Troy ang date na iyon. At sa tingin niya ay wala nang mas gaganda pa sa date na iyon. Siguro nga ay iyon ang first date niya pa lang sa buong buhay niya kaya wala siyang mapagkukumpurahan pero nakatitiyak siy Lucille na iyon na ang best date na mararanasan niya dahil si Troy, ang lalaking mahal niya, ang kasama niya.
"Do you believe in destiny?" mayamaya'y tanong niya rito habang pinapanood nila ang pelikula.
Ibinaba muna nito ang hawak nitong kubyertos at napatingin sa kanya na para bang pinag-iisipan nito ang isasagot sa kanya. Saka nito ginagap ang kamay niya sa ibabaw ng mesa, matamang pinakatitigan siya at nginitian siya.
"Now that I look at you, I think I do."
Inaasahan niyang Yes or No lang ang sagot nito pero sa pagkamangha niya ay ginalingan naman talaga ni Troy ang pagsagot sa kanya. It was far more than she expected. He was far more than she expected. Lahat na lang ng ginagawa ng binata o sinasabi nito ay nakakapagpataba ng puso niya at hindi na kaya ng puso ni Lucille na itago ang kilig na iyon. Mahal niya na talaga ang binata at sigurado siyang si Troy na ang lalaking para sa kanya.
Kaya hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Lucille. Lumapit siya rito at siniil ng halik ang mga labi ni Troy. Hindi iyon ginawa ni Lucille para mag-take advantage siya sa sitwasyon kundi dahil ito ang nararamdaman niya. Ngayon, higit sa lahat ng pagkakataon ay nararamdaman niyang mahal niya ang binata.
Bahagyang nagulat pa si Troy sa ginawa niya pero hindi rin naman siya nito pinagtulakan. Ang totoo ay kinakabahan si Lucille kung anong iniisip ng binata noong mga sandaling iyon pero parang bulang nawala ang kung anong pinag-aalala niya nang tugunin nito ang halik niya. The softness of his lips and his intoxicating kisses distracted her from everything that she's thinking. Hanggang sa naipikit niya na lang ang kanyang mga mata at hinayaan si Troy palalimin ang halik. Then her hands were in his hair, pulling the strands to direct his mouth over his. Naging mas mapupusok ang mga halik ni Troy at naging mas mainit pero kung hawakan naman siya nito ay napakaingat na para bang isa siyang mababasaging kristal.
And she couldn't get enough of him. She couldn't get enough of how he made her feel right at that moment. She was just so overwhelmed by her love for him, by the way he made her feel that he in return, loved her too. At wala na siyang pakialam kung magunawman ang mundo noong mga sandaling iyon, ang mahalaga sa kanya ay angnamamagitan sa kanila ni Troy ngayon. Parang lumulutang ang pakiramdam niya at sana, hindi na iyon matapos pa.