3

972 Words
“Tita, ano po bang mangyayari kapag pumunta ang mga alien dito sa mundo natin? “Malalahian tayo ng mga alien,” “Posible ba iyon?” “Siguro?” matamlay na sagot ni Jhanna sa tanong ng pamangkin niyang si Mimi. Anim na taong gulang palang ito pero marami na itong mga kakaibang tanong na madalas naman ay nabibigyan rin niya ng kakaibang sagot. Pamangkin niya sa pinsan ang bata. Single parent ang mommy ni Mimi na kasalukuyang nagtatrabaho sa Saudi. Dahil walang ibang mag aalaga sa pamangkin niya ay iniwan na muna ng ina nito sa poder nilang mag ama. Ang maid nila ang nag aalaga kay Mimi. Hindi naman ito mahirap alagaan dahil maliban sa malaki na ito ay hindi ito iyakin. Matured na itong mag isip kompara sa totoong edad nito kaya komportable siyang iwan ito sa pangangalaga ng maid nila. “Tita, paano kapag nag asawa ka na?” “Anong mag aasawa? Bakit naman ako mag aasawa?” bumalikwas siya ng bangon sa kama at hinarap ang paslit. Nakasalampak ito ng upo sa kama niya habang kumakain ng Piattos. “Narinig ko si lolo Samuel, kausap niya si lola Sanya sa phone. Sabi nila mag aasawa ka na daw para makuha mo ang pera. Magkano ba ang kailangan mo, tita? Baka pwede na 'yung pera ko sa piggy bank ko.” Matamlay na ngumiti siya at ginulo ang buhok ni Mimi. Kung sana nga ay gaanon lang kadaling ayusin ang problema niya. Pero hindi kayang masolosyunan ng piggy bank ang kondisyon na hinihingi sa kaniya ng ama at tiyahin. Para na rin kasing sinabi ng mga ito na imposible ang gusto niyang mangyari. Kasal ang kapalit ng limang milyon na hinihingi niya. Kung tutuusin ay hindi naman hingi iyon dahil babayaran niya. Binago na niya ang style niya dahil umaasa siya na mababago niya ang isip ni tita Sanya. Sinabi niya na nakahanda siyang magbayad kapag kumikita na ang publishing house. Pero buo na ang desisyon nito. Hindi siya nito pagbibigyan sa hinihingi niyang pabor hangga’t hindi siya nag aasawa. May kondisyon pa itong ibinigay sa kaniya. Sa oras na magpakasal siya at umabot na ng anim na buwan ang pagsasama nilang mag asawa ay hindi na niya kailangan pang bayaran ang limang milyon. Nangako pa ang tiyahin na tutulungan siya nitong palaguin ang publishing house kapag nagawa niya ang kondisyon nito. Ang saklap! “Wala pa nga akong nahahanap na groom, masyado lang silang excited,” Ang mas masaklap pa ay sinakyan niya ang trip ng magkapatid. Desperada na nga talaga siya dahil kahit anong inis niya ay hindi niya nagawang kumontra. Wala kasi siyang ibang malalapitan maliban kay tita Sanya. Pero saan nga kaya siya maghahanap ng groom? Naisip niya na magpahanap sa mga kakilala niya ng lalaking pwedeng magpakasal sa kaniya. Nakahanda naman siyang magbayad ng fifty thousand pesos para sa gagawin nilang pagpapanggap. Titiisin niyang makasama ito ng mahigit anim na buwan dahil sa pagsasama nila nakasalalay ang negosyo niya. Pero paano kung isang scammer pala ang lalaking pakasalan niya? baka sa huli ay maging problema lang niya ito. Nasabunutan niya ang sarili dahil sa inis. Kahit anong gawin niya ay wala talaga siyang lusot sa problema niya. Kung kailan naman nalaman na niya kung ano ba talaga ang bagay na gusto niyang gawin ay saka naman siya pinapahirapan ng magkapatid. “Tita, masakit po ba ang ulo mo?” Hindi na niya nagawang sagutin pa ang tanong ni Mimi dahil narinig na niya ang malakas na pagkalampag mula sa katapat niyang kwarto. Stockroom ang katapat ng kwarto niya at kanina pa abala ang daddy niya sa pag aayos niyon. Kapag Sunday kasi at walang pasok ay wala itong ibang inaatupag kundi ang mag ayos ng bahay nila. “Dad!” nagmamadaling tumayo siya at lumabas ng kwarto, sumunod naman sa kaniya si Mimi. Binuksan niya ang pinto ng stockroom at nang makita niya ang ama na halos hindi na magkandatuto sa pagpulot ng mga picture frame na nalaglag mula sa loob ng lumang cabinet ay napapalatak siya. “Kung bakit naman kasi ang hilig mong maglinis, naglaro ka na lang sana ng golf o kaya sumama ka sa mga kumpare mo na mag out of town kapag weekends.” “Hindi ko kayang makita na marumi ang bahay,” “Sus! Umandar na naman ang pagka-OC mo.” “Ewan ko sa'yo, itapon mo na nga itong mga frame mo. Puro drawing lang ng kung ano-anong kakaibang bagay ang nakalagay diyan eh.” Natawa si Jhanna at kinuha ang ilang piraso ng frame na inabot nito sa kaniya. Nang sulyapan niya ang mga iyon ay naagaw ng medyo malaking frame ang atensiyon niya. Hinawi niya ang ibang frame at kinuha iyon. Laking gulat niya ng hindi kakaibang drawing niya ang tumambad sa kaniya kundi ang ‘marriage contract’ na ginawa niya noong nasa high school palang siya. “Oh. My.God.” humahangos sa pagkabigla na anas niya. “Anong ‘oh my god’? ayaw mong itapon 'yan? Gusto mong matulog dito sa stockroom?” sermon ng daddy niya. Umiling lang siya at napahawak sa balikat nito. “Oh. My.God. Daddyyyyyy!” “Ano nga?” Inihagis niya sa kung saan ang ibang frame at itinira ang frame na para sa kaniya ay mas mahalaga pa sa Yamashita treasure. Tumalon talon siya sa sobrang tuwa habang yakap ang frame. “Anak, alam kong medyo kakaiba ka talaga pero huwag naman sana sa ganiyang point na---.” “Daddyyyyy! Nakita ko na ang groom ko! jusko! Ihanda na ang baka, kalabaw at baboy! Mag aasawa na ang unica hija mo!” malakas na tili niya. Abot siguro hanggang dulo ng baranggay nila ang sigaw niya. Masayang masaya siya ng mga sandaling iyon. I’m getting married hahaha! Hello five million pesos. Come to mameeee!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD