Chapter 17

3141 Words
Chapter 17: Event Shop Sa pag-uusap nila ni Grim Crow ay nakumpirma niyang hindi pa nga talaga sinasabi ni Cleo Blood sa iba ang tungkol sa kaniyang katauhan. Dahil dito ay gumaan ang bigat sa dibdib niya at ang matinding takot na nadama niya kaninang madaling araw ay humupa na. Buong maghapon ay wala siyang ibang ginawa kundi ang magpahinga sa malambot na higaan. Isa na rin itong paraan ng paghahanda niya sa sarili sapagkat alam niyang sa binabalak ay posibleng ito na ulit ang huling beses na makakatulog siya ng komportable. Mabilis na umikot ang orasan sa kaniyang tahanan. Ang kaninang maliwanag na kalangitan ay sinakop na ng kadiliman at ang mga ilaw sa tahanan ng mga mamamayan ay bumukas na. Sa pagbukas niya ng kaniyang ilaw ay ang pagbisita naman ni Grim Crow na dala-dala sa [Inventory] niya ang lahat ng ipinangakong pagkain. Malugod niyang tinanggap ang mga pagkain at itinabi ito sa sarili niyang [Inventory], base sa bilang ng mga dinala ay kampante siyang tatagal ng dalawang linggo o higit pa ang mga pagkain. Pagkabigay ng pagkain ay hindi na nagtagal pa si Grim Crow. P'wede niyang gamitin ang pagkakataon na 'to upang kumuha ng mga impormasyon sa pinaghihinalaan niyang si Rain Goodman. Subalit hindi niya na ito ginawa, sa tingin niya naman ay tunay ang mga ipinapakita ng binata sa kanilang apat at kung hindi man, ibig sabihin lang ay magaling sa manipulasyon ang binata at papagurin niya lang ang utak niya sa pagsubok. Tiyaka, ang paghihinala niya rito ay base lang sa kaniyang kakaibang nararamdaman kay Rain Goodman, wala itong kasiguraduhan. Mataas na rin naman na ang antas ng Rank niya at kung totoo ngang [Body Strengthening 4] pa lang si Rain Goodman ay wala siya o kahit ang sino sa mga kasama niya ang magkakaproblema kung lumabas man na may masamang hangarin ang binata. At kahit na ikonsidera niya pang mas mataas sa Level 4 si Rain Goodman ay kampante pa rin siyang mananalo sa laban. Sa loob ng isang linggong pagkawala ng binata ay triple ang sikap na ibinigay niya sa mga pagsasanay, ang resulta nito ay ang antas ng lakas na tanging siya lang ang nakakaalam. Pero ang problema lang na maaaring magbigay ng problema sa kaniya ay ang [Special Skill] ni Rain Goodman na sinabi nitong wala siya. .... ------------------------------------------------------ Notification: Event Shop Time: 12:00PM ------------------------------------------------------ Mahimbing na natutulog ang binata nang makarinig na naman siya ng mensahe sa kaniyang isipan. Sumapat na ang pahinga niya kahapon at ang balita na ibinigay ng [System] ay napakasarap sa pandinig, ang inaasahan niyang [Event] ay dumating na rin sa wakas. "Ito na ang simula ng lahat." Bumangon sa higaan na may ngiti sa labi ang binata. Hindi mapigilan ang sarili na kabahan ng kaunti sa takot na magkaroon ng aberya sa mga binabalak niyang kunin na skill, skill na hindi lang gagamitin para sa sariling benepisyo, gagamitin niya ito upang pigilan ang karumal-dumal na pangyayari sa hinaharap. Kaya naman sinong hindi matutuwa? Ito ang susi sa kaniyang hinaharap at mga kailangang gawin para makaligtas sa mga mapapanganib na sitwasyon. Kahit na napakabilis na ng pag-angat ng antas ng lakas niya ay marami pa rin siyang dapat tapusin at kuhanin para masiguro ang kaligtasan sa hinaharap. Nag-ehersisyo siya sa loob ng labing-limang minuto. Literal na nagpahinga lang siya kahapon kaya naman ang mga buto ng katawan niya ay lumikha ng mas malalakas na tunog kumpara sa normal nitong lakas tuwing ini-ehersisyo niya ang katawan. "Isang-daan at apatnapu pa ang mga natitirang [Points]. Kung kagaya rin ng sa laro ang presyo ng [Skill] ay makukuha ko ng walang problema ang dalawang kailangan ko. At may sobra pa ako para sa [Hide Skill]." May mga pawis sa noo niyang tumutulo na wika. "Tapos may nakuha pa akong mga damit sa miyembro ng Blood Clan na nakalaban ko." Pakiramdam niya sa unang pagkakataon ay umaayon na ang tadhana sa kaniya. Pero sumeryoso din ang mukha niya at pinaalalahanan ang sarili. "Hindi pa puwedeng magsaya. Hindi lahat ng plano ay aayon sa kagustuhan ko. Kailangan ko pa rin maging mas maingat." Isang pagkakamali lang kasi niya sa plano ay maaaring magresulta sa pagkawala ng lahat ng pinaghirapan niya. Pinagpatuloy na ng binata ang pag-eehersisyo sa loob ng ilang oras. Nang isang oras na lang ang hihintayin para mag-alas dose ay kumain siya at nagpahinga sa upuan. Lumingon siya nang napansin niya ang mga presensiya sa harap ng pinto niya na bigla na lang sumulpot, pagkaramdam ng mga ito ay sumunod ang ilang katok sa pinto na nagpatayo kay Rain. Ibinalik muna niya ang ekspresyon niyang may kalungkutan ng kaunti bago pinagbuksan ng pinto ang apat. Nagkatinginan si Rain at Grim, pero agad lumipat ang tingin niya kay Aura at sumunod naman ito sa dalawang natira na si Axel at Soren. Nagbibigayan sila ng mga tingin na para bang nakuha na nila ang mga nais sabihin sa isa't isa kahit na hindi pa sila nagsasalita. Gayunpaman, nagsalita pa rin si Aura Scarlet na wumasak sa awkward na tensyon sa paligid. "Nakatanggap ka rin ba ng mensahe tungkol sa [Event Shop]?" Tanong ni Aura. "Mayroon din kayong natanggap?" Sinagot naman ni Rain ng tanong ang tanong ng dalaga. "Mayroon nga din." Ani ng babae. Nag-usap pa saglit ang lima tungkol sa [Event Shop] at hindi maitatago sa mukha nila ang pananabik na makita ang mga mabibili rito. Kaso, ang ikinababahala nila ay kung ano ang gagamitin nilang pangbili ng mga gamit o anumang bagay na nasa [Event Shop]. Kapag pera ng mundong ito lang ang kailangan ay wala silang magiging problema dahil puwedeng-puwede silang humiram ng gold coins kay Elder Devil. .... Tahimik na tumambay ang apat sa maliit na tahanan ni Rain Goodman. Si Aura Scarlet ay nakaupo sa nag-iisang upuan at ang tatlo naman ay komportableng nakaupo sa kama. Ang may-ari ng bahay na binata ay nakasandal naman sa pader na katabi ng salamin habang ang mga mata niya ay nakapikit. Kalmado ang makikita sa pustura niya ngunit sa loob niya ay kinakabahan na siya ng kaunti. Ang dalagang nakatulala sa orasan ay biglang napatayo sa kaniyang nakita. Sa pagkasabik ay hindi niya nakontrol ang p'wersa ng pagtayo at lumikha ito ng mahinang ingay, ingay na may sapat na tunog para kuhanin ang atensyon ng apat na binata. Sabay-sabay na napatingin sa orasan ang tatlong nasa kama at ang mga mata naman ng nakasandal na si Rain Goodman ay bumukas; bakas sa mga mata niya ang pananabik. Sumakto sa pagbukas ng mga mata niya ay ang mensaheng inaasahan niya. ------------------------------------------------------ Event Shop: A shop where you can buy skills, weapons, armors and other stuff. Just look at your [Status] and below, you will see the [Event Shop]. Time Limit: 4 Hours ------------------------------------------------------ "Status." Sunod-sunod na wika ng lima at kagaya ng nasabi sa mensaheng natanggap ay tinignan nila ang ibaba kung saan nakalagay ang [Event Shop]. Pero ang pananabik sa mukha ni Rain Goodman ay napalitan ng matinding dismaya na parang batang hindi nakuha ang laruan na inaasahan niya. "Huh? Points?" Tulalang sabi ni Rain Goodman. Dahil sa dismayadong boses niya ay nakuha nito ang atensyon ng apat. Hindi pa nila nakikita ang nasa pinakababa pero sa narinig nila ay nakaramdam sila ng masamang kutob. Gayunpaman, ibinalik din nila ang tingin sa harapan at tinignan sa sarili nila ang [Event Shop]. Kagaya ng reaksyon ni Rain Goodman ay nanlumo ang mga mukha nila at ang dismayado nilang ekspresyon ay walang pinagkaiba rito. Naiintindihan na nila kung bakit ganoon ang reaksyon ni Rain Goodman nang banggitin nito ang salitang "Points.". Bawat isa sa kanila tuwing nakakatanggap ng [Points] ay agad nila itong idinadagdag sa [Stats] nila para mas lumakas ang pangangatawan at mas mahabang pagsasanay ang magawa. Sa kanilang nakitang pangbili ng mga nasa loob ng [Event Shop] ay hindi nila mapigilang mapangiti ng mapait, normal na gawain ang paglalagay ng [Points] nila sa [Stats] kaya naman ang numero nito na mayroon sila ay wala. Ang sobrang pananabik nila kanina ay napalitan ng dismaya na kasing taas ng kaninang natamo nila noong natanggap ang mensahe. "May mga [Points] kayo?" Tanong ni Grim Crow. "Wala." Walang ganang sagot ni Aura, Axel, at Soren. "Wala rin ako." Sunod naman ni Rain Goodman. "May apat na oras tayo para pumaslang ng mga halimaw at magpataas ng level. Kahit isang level lang ay makakakuha tayo ng limang [Points], sa nakikita ko sa kategoryang [Foundation] ng mga armas ay mayroon sa pinakamababang espada at ilang kutsilyo na mabibili sa halagang limang [Points]." Saad ni Grim Crow habang ang isang daliri niya ay nakaturo sa hangin at binababa-baba niya ito na para bang may hinahanap siya sa mga gamit na nasa [Event Shop]. "S-saan naman tayo magpupunta?" Nanginig ng kaunti ang katawan ni Rain Goodman nang maisip niya ang binabalak ni Grim Crow. "Sa Niarich Forest. Kailangang tayo mismo ang pumaslang sa mga halimaw, noong una ay sinubukan ko na ang humingi ng tulong kay Elder Devil sa pagpapahina ng mga halimaw at sa huli ay papatayin ko ang mga ito. Pero katiting lang ang natanggap kong [EXP]." "Pero noong nasa Niarich Forest ako ay wala na ang mga Wild Boar at Wild Wolf." Sambit ni Rain Goodman at ipinapahalata niya rin na natatakot siya at ayaw niyang lumaban sa natitirang uri ng halimaw sa Niarich Forest. Kung magpapataas sila ng level ay kailangan nilang pumaslang ng maraming bilang ng mga halimaw. "Mas makabubuti kung maiwan na muna natin si Rain Goodman. [Body Strengthening 4] pa lang siya at wala pa siyang skill kaya mahihirapan siyang makipagsabayan sa'tin. Halos lahat tayo ay nasa level 5 na at kahit na level 6 ang katumbas ng Black Tiger ay may mga skill naman tayo na nagpapataas ng lakas natin." Suhestiyon ni Axel Crimson sa mga kasama. Gustuhin niya mang makatulong sa binatang nakatagpo ng matinding pagdurusa sa loob ng isang linggo ay wala naman siyang sapat na abilidad para gawin ito, napangiti na lang siya ng mapait sa kaniyang kahinaan. Napatingin naman si Rain Goodman kay Axel Crimson. Madalas niyang napapansin ang mabuti nitong hangarin kaya itinanim niya sa puso niya na 'pag nagkagulo na ay idadagdag niya ang binata sa listahan ng mga pangunahin niyang ililigtas. Pero ang kabutihan ding ito ni Axel ay puwedeng maglagay sa kaniyang kapahamakan. "Kung gayon, tayong apat ay pupunta ngayon sa teritoryo ng mga itim na tigre. Rain, maiiwan ka muna namin dito. H'wag kang mag-alala, 'pag napaangat ng isa sa'min ang aming mga level ng dalawang beses ay reregaluhan ka namin ng isang armas." Nakangiting tinapik ni Grim Crow ang balikat ni Rain. Pagkatapos ay lumabas na ito kasama ng tatlo, apat na oras lang ang mayroon sila kaya hindi na sila p'wedeng magtagal pa. "Mag-ingat kayo." Paalala niya bago isinara ang pintuan ng bahay niya. Lumapit siya sa tapat ng bintana at tinignan ang pigura ng apat na palayo ng palayo. Nang tuluyan na silang mawala sa tanawin niya ay napahinga siya ng maluwag. Hindi siya puwedeng bumili ng mga skill na nandito sila sa tabi niya dahil mapapansin at mapapansin nila ito kapag may nagbago sa kaniya. "Mabuti naman at hindi niya na tinignan pa ang mga skill sa pinakataas." Agad niyang binuksan ang status niya at nagtungo sa pinakataas na kategorya ng [Skill]. Hinanap niya ang dalawang kailangan at nang makita niya ito ay nagliwanag na parang bituin ang mga mata niya. ------------------------------------------------------ Event Shop: Skill Category Skill: Fuse Skill. Description: Allows the user to fuse two skill. Cost: 50 Points ------------------------------------------------------ Masaya niyang binili ang [Fuse Skill]. Nang kuhanin niya ito ay nabalot ang katawan niya ng kakaibang enerhiya na hindi makikita ng mga mata. Makalipas ang ilang sandali ay nawala ang enerhiya at nakaramdam ng kakaibang bagay sa loob niya si Rain. Hindi niya pa magagamit ang skill dahil may rank ito na dapat niya munang matuntunan, pero inaasahan niya na ito kaya isinantabi niya na lang ito at bumaba ng kaunti para hanapin ang susunod na skill. ------------------------------------------------------ Event Shop: Skill Category Skill: Slicing Palm Skill. Description: Allows the user to make his palm as sharp as a sword. Cost: 50 Points ------------------------------------------------------ Napunta sa isang skill ang atensiyon niya. Ang bawat skill na narito ngayon ay mga isang uri lang kaya kapag nakuha niya ang mga ito ay siya lang ang maaaring gumamit ng skill. At ang [Slicing Palm] ay isang napakalakas na opensibang skill, medyo malamya at hindi kapana-panabik ang pangalan nito pero sa bawat pagtaas ng level ng player ay lumalakas din ang skill na ito kaya kapag naging high level ang Adventurer, maikukumpara sa mga atake ng matataas na kalidad ng espada ang [Slicing Palm] lalo na't maliit na mana lang ang kinokonsumo nito. Pero ang kailangan niyang skill ay hindi ang opensibang ito. Nanghihinayang niyang ibinaba ang mga nakikita niyang skill hanggang sa makita niya na ang hinahanap niyang pangalawang skill. ------------------------------------------------------ Event Shop: Skill Category Skill: Disguise Description: Allows the user to copy the appearance, aura, and voice of anyone that the user touches. Cost: 50 Points ------------------------------------------------------ Hindi na nagdalawang isip pa si Rain Goodman na piliin ang [Disguise Skill]. Kung pag-uusapan ang benepisyo ay mas malaki ang matatanggap niya sa hinaharap 'pag pinili niya ang [Slicing Palm Skill]. Ngunit, may kailangan siyang gawin para pigilan ang posibleng pangyayari sa hinaharap, kapag naging matagumpay siya sa binabalak ay mapipigilan niya ang isang napakamapanganib na sitwasyon para sa kaniya at apat pang kasama. Hindi lang iyon, maraming buhay rin ang maililigtas. Isa pa, hindi niya puwedeng isipin muna ang benepisyo para sa hinaharap dahil kapag inuna niya ito ay parang itinataya niya naman sa mas mapanganib na kalagayan ngayon ang sarili. Ano pang silbi ng [Slicing Palm Skill] sa hinaharap kung mamamatay rin naman siya rito sa Potara Village? "Bawal pang gamitin ang Fuse Skill. Pero ang Disguise skill ko ay puwede na dahil kaya ko naman na gumamit ng natural na enerhiya." "Status." ------------------------------------------------------ [Name: Rain Goodman Rank: Foundation 1 Strength: 125 (+50) Agility: 116 (+50) Vitality: 159 (+50) Stamina: 117 (+50) Skills: [Fuse Skill], [Disguise] Points: 40 EXP: 9% ------------------------------------------------------ Nang tignan niya ang [Stats] niya ay hindi niya ulit mapigilan ang sarili na ngumiti ng abot langit. Dalawang linggo pa lang siya sa mundong ito at nakatungtong na agad siya sa [Foundation 1]. Ito ang Rank na kasunod ng [Body Strengthening]. Bukod sa makakatanggap siya ng limampung puntos sa [Stats] niya ay tataas din sa sampo ang mga [Points] na dadagdag sa [Stats] niya tuwing tumataas ang level niya. Hindi katulad sa [Body Strengthening] na lima-lima lang ang dumadagdag sa bawat angat niya. Kagaya rin ng sinabi niya ay maaari niya na agad gamitin ang [Disguise Skill]. Ang rason sa likod nito ay dahil hindi opensiba at depensiba ang skill na ito, kaya hindi niya kailangan ng Mana upang gamitin ito. Kahit ang Natural na enerhiya lang ay sasapat na para rito, at ang natural na enerhiya ay nasa lahat ng paligid. Ibig sabihin ay maaari siyang umabsorba nito kahit nasaang lugar pa siya. Hindi naman para sa lahat ang Natural na Enerhiya, tanging makaka-absorba lang nito ay ang mga Adventurer na nakatapak na sa [Foundation]. Sa susunod na ranggo pa niya maaaring gamitin ang ibang skill dahil sa [Mana Core Rank] ay magkakaroon na siya ng abilidad na umabsorba at gumamit ng Mana. Ang Natural na Enerhiya ay Mana ay halos walang pinagkaiba sa kanilang silbi. Pareho itong ginagamit ng mga Adventurer upang gumamit ng depensiba, opensiba, at iba pang Technique na maaari nilang gamitin sa mga laban. Tanging masasabi lang na magkaiba sa mga ito ay ang level nila, ang mana ay para sa matataas na level na mga Adventurer habang ang Natural na enerhiya ay para lamang sa mga [Foundation] na Adventurer. Ang natural na enerhiya ay para lamang sa may mabababang potensiyal at talento na walang pag-asang makatungtong sa [Mana Core]. Bawat isa rin sa mga rank ay nagtataglay ng sampong level. "Kahit na [Foundation 1] pa lang ako. Maikukumpara naman na ang pangkalahatang lakas ko sa mga level 3 at tanging mga nasa [Foundation 5] lang ang makakapatay sa'kin dahil sa mataas kong [Vitality]." Ginaganahan siya pero nang maalala niyang napakahirap na magpataas ng [EXP] kahit mga Bloody Tiger pa ang tinatapos niya ay medyo nadismaya siya. Hindi naman siya puwedeng basta na lang pumunta sa [Danger Zone] ng Niarich Forest dahil puro [Body Strengthening 8] pataas lang ang makakaligtas sa lugar na iyon, at 'pag pumunta siya roon ay parang ina-anunsiyo na niya sa lahat na malakas siya. "Makakapunta kaya ako sa malalim na parte ng Blood Forest?" Tanong niya sa sarili. Bumuntong hininga naman siya nang mapansing nanlulumo na naman siya sa kakaisip pa lang sa magaganap na hinaharap. Binura niya na lang muna sa isip ang problema sa [EXP] at itinuon na lang ang atensiyon sa pagtingin sa mga skill. Ibinaba niya ng ibinaba ang mga skill hanggang sa makarating siya sa kategorya na ang mga skill ay nagkakahalaga na lang ng tatlumpong puntos. Dito ay hinanap niyang maigi ang skill na makakatulong din sa kaniya, kung tutuusin, ang skill na ito ay hindi naman ganoon kahalaga dahil sa hinaharap ay magiging natural na abilidad ng katawan niya ang skill na ito. Pero kakailanganin niya nga lang magsanay ng matindi, hindi kagaya rito sa skill na awtomatiko niya itong matututunan. Itinuloy lang niya ang paghahanap hanggang sa makita niya na nga ang hinahanap niyang ekstra na skill. Wala sa listahan ng kailangan niya ang skill na ito pero dahil sa may ekstra siyang [Points] na natanggap ay hindi naman na masama ang kuhanin ito para magdagdag ingat. ------------------------------------------------------ Event Shop: Skill Category Skill: Hide Description: Allows the user to hide aura and presence. Cost: 30 Points ------------------------------------------------------ Binili niya ang [Hide Skill] at nabalot muli ng kakaibang enerhiya ang katawan niya. Matapos mawala ay nakatanggap naman ng kaalaman ang binata tungkol sa skill, sa tingin niya rin ay hindi siya mahihirapang gamitin ito sapagkat pakiramdam niya ay sinanay niya na ng ilang libong beses ang skill na ito. Kagaya ng [Disguise] ay hindi rin kinakailangang gamitan ng mana ang skill na [Hide], kahit ang muntin natural na enerhiya lang ay sapat na para magamit ito. Pero siyempre, sa oras na magkaroon na siya ng mana ay magagamit niya pa rin ito gamit naman ang mas mataas na kalidad na mana. Pagkatapos bilin ang [Hide Skill] ay nagtungo naman sa kategoryang mga sandata si Rain. Siyempre, ang pinili niyang rank ay para lamang sa kagaya niyang [Foundation], kahit na may sapat kasi siyang [Points] para sa [Mana Core Grade] na mga sandata ay hindi niya pa rin ito mapapakinabangan dahil wawasakin lang ng espada ang katawan niya. Dapat ay may sapat siyang [Vitality] para magawang humawak ng mataas na kalidad ng espada. Sa huli ay kumuha na lang siya ng [Foundation 2] na espadang nagkakahalaga ng sampong [Points].
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD