Chapter 40

1029 Words
Chapter 40: Smell That She Wouldn't Forget. Tumatak sa isipan ng lahat ang mensahe ni Aura Scarlet bilang isang malinaw at direktang banta sa lahat ng mga batang Adventurer na magtatangkang lumait at gumalaw kay Rain Goodman. Nilinaw rin niya sa pagsasabi ng "Kaibigan" na itinuturing din ng apat na kaibigan ang binata at sa oras na lumaban sila ay makakaharap ng mga ito ang kanilang grupo na suportado ni Elder Devil. Matapos ngang tapusin ni Aura Scarlet ang buhay ng nakalaban niyang si Bret, nakalaban din ni Grim Crow at Soren Orlando ang dalawa pa nitong kasama na sinapit din ang kapalaran ng kanilang kinikilalang pinuno. Simula nga noon ay natuklasan na ng lahat na ang apat na kinikilalang pinakatalentado ay hindi kasing buti ng iniisip nila, masama sila at sila ang uri ng kalaban na hinding-hindi nila gugustuhing makalaban. .... Tahimik na nakahiga sa kama si Rain Goodman habang nakatingin sa orasang nakadikit sa pader. Iniisip ang mga pagbabago sa plano niya at nag-aalinlangan din sa dalawang direksyon na maaari niyang tahakin. Sa sinapit nang kanilang grupo ay wala muna siyang balak lumabas, hindi pa rin naman niya alam ang gagawin kaya hindi siya nanghihinayang sa oras. Bukod pa rito ay nais niya ring ipahinga ang mentalidad matapos ang mga nangyari para maihanda niya ang sarili sa anumang aksyon na pipiliin niya sa dalawa. Ang isa sa dalawang plano na pinag-iisipan niya ay ang direktang pagkuha ng nakatagong kayamanan sa Potara Village. Masiyadong mataas ang kalidad ng kayamanang ito, natural lang na ganoon din kalaki ang panganib na dala nito bago ito makuha. Kung makukuha niya ang kayamanan, makakatungtong siya sa level na kakayanin na niyang protektahan ang sarili. Pero ang pamunuan ng baryo ay walang duda na hahanapin siya at tatapusin sa oras na malaman nilang kinuha ang kayamanan sa baryo. Bumuntong hininga ang binata at bumangon sa kama niya, walang gana siyang umupo at inilapag sa malamig na sahig ang mga paa niya. "Sa kasalukuyan kong antas ng lakas ay malaki ang tiyansa na mamamatay lang ako kapag sinubukan kong kuhanin ang kayamanan sa Potara Village. Tingin ko ay mas ligtas ang paghanap ng [Inheritance] na nakatago sa Niarich Forest. Ang problema lang ay bukod sa kaalamang nasa teritoryo ng mga itim na tigre ang [Inheritance] at ang ilang palatandaan, wala na akong iba pang nalalaman tungkol dito, mahihirapan lang ako at malapit na rin sa imposible ang paghahanap dito." Wika niya at hindi maiwasang manghina ang loob sa dalawang aksyon na pagpipilian niya. Ang isa ay halos imposibleng makuha sa tindi ng panganib na dala nito habang ang isa naman ay malapit na rin sa imposibleng mahanap dahil naman sa laki ng lugar na paghahanapan niya. Agad din naman siyang napaisip at napatango ng maisip niya na simula pa lang ay hindi naman na pala talaga niya kailangang mamili sa dalawa. Ang [Inheritance] na hahanapin niya sa teritoryo ng mga itim na tigre ay isa sa mga kailangan niyang gawin para magkaroon ng sapat na lakas para subukang kuhanin ang kayamanan. Hindi lang 'yon, sa oras na makuha niya ang [Inheritance] ay sasapat na rin ang abilidad niya para tapusin ng patago ang mga kailangan niyang tapusin para masiguro ang kaligtasan niya at ng iba pang namumuhay sa Potara Village. Ang mga panghihinayang sa puso niya dahil pinili ang paghahanap sa [Inheritance] ay nabura na. Wala pa naman siyang magagawa sa ngayon, ang paghahanap ay isa ring paraan para manatiling malusog ang katawan niya sa paglalakad-lakad at pagpatay ng mahihinang uri ng halimaw sa gubat. Mataas na ang [Stats] niya at kampante siya na bilang na lang ang mga halimaw sa Blood Forest at Niarich Forest na makakapagbigay ng panganib sa buhay niya kahit na pumasok pa siya sa mas malalim na parte ng Blood Forest o sa mapanganib na parte ng Niarich Forest. Hindi na siya mahihirapan pang pataasin ang [EXP] niya para mapaangat ang kaniyang antas ng lakas, subalit ang pagbisita sa mga lugar na iyon ay may dalang panganib dahil sa posibleng makita siya ng iba. Habang iniisip ang mga problema ay may napagtanto ang binata at napangiti siya na mukhang mauuwi sa tawa. "Ang dami kong problemang dapat isipin pero laging nangunguna ang pagtatago ko ng tunay kong lakas. Bakit parang mas pino-problema ko pa nga ito kaysa sa mga halimaw na tinatapos ko?" Hindi na niya napigilan ang sarili at natawa siya sa sitwasyon niya. "Kung gagamitin ko naman ang [Disguise] para bumisita at pumatay ng malalakas na halimaw sa gubat ay baka isipin nila na tagalabas ako 'pag may nakakita. P'wede ring malasin ako at masaktuhan na nasa gubat din ang taong kinopya ko ang katauhan, mas lalaki lang ang hinala nila sa'kin at baka maglaan pa sila ng mas maraming oras para malaman ang katauhan ko." May bakas ng depresyon sa mga mata niyang saad matapos tumawa. Hindi niya naman maaaring gawin ang ginawa niya kay Joe Blood na kinopya ang katawan nito at binantaan na manatili sa loob ng kaniyang bahay na nakatayo sa labas ng kanilang Blood Village. .... Ang Potara Village ay kakatapos lang ng taunang kompetisyon na sinubukan ang kapabilidad ng mga batang Adventurer, ang tahimik namang Blood Village na nawalan ng malaking kayamanan ay natapos na sa kanilang diskusyon tungkol sa nawalang Pills at Herbs ng kanilang kagalang-galang na Alchemist. Sa kanilang imbestigasyon ay natuklasan nilang hindi talaga si Joe Blood ang salarin sa pagkawala ng mga Pills. Noong unang beses pa lang na naamoy ni Tandang Alchea si Joe Blood ay nalaman niya agad na hindi ito ang amoy ng Adventurer na nakasalamuha niya pansamantala. Hinding-hindi niya malilimutan ang amoy ng misteryosong Adventurer na iyon at sigurado siyang sa oras na malapitan niya ang taong iyon, kahit na baguhin pa nito ang aura, presensiya, at katawan, malalaman at malalaman niya na ito ang nagnakaw ng mga pinakamamahal niyang Pills. Sa tindi ng galit na kinikimkim niya sa misteryosong Adventurer na sumira sa sikretong hangarin niya na magsimula ng matinding laban sa pagitan ng dalawang baryo, na nagnakaw sa mga Pills, at ang kumuha ng inaalagaan niyang mga Herbs ay sisiguraduhin niyang magdurusa ng matindi ang taong iyon bago niya ito tatapusin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD