Three weeks passed like a whirlwind storm.
Hindi ko akalain na darating ang araw na ikakasal ako sa lalaking mahal ko. I was both anxious and excited.
Kinakabahan ako kasi ito na 'yong katuparan ng matagal ko ng pangarap. Hindi ako makapaniwala.
It felt surreal!
Kahit mabilisan ang lahat, I still managed to find myself a decent wedding gown. Iyong akma naman sa estado sa buhay ng mga Maguire.
Johann suggested a simple wedding. But Lolo Thomas didn't agree. Kahit hindi makakadalo si Lolo, ang nais niya ay ipagsigawan sa lahat ang kasal ng kanyang apo. So we were having a church wedding. As grand as a three weeks preparation could.
Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari kay Natalie. I never saw the woman again. Marahil ay nagkaroon siya ng kasunduan kay Johann nang mga panahon na hindi umuwi sa bahay ang mahal ko.
Whatever it was, I didn't bother to find out. Basta alam ko sa sarili ko na hindi nila tatapusin ang relasyon nila nang gano'n-gano'n lang.
Johann made it clear to me, he was only marrying me for Lolo's sake.
Gayunpaman, I should be happy that today, I will be legally married to Johann Maguire. Perhaps, making him fall for me would be easier once I'm already his wife.
"Look at you, aren't you the loveliest bride I've ever seen?" Tuwang-tuwang sabi ni Sharlene nang sunduin niya ako mula sa silid ko.
"Bola," inismiran ko siya.
"Hindi ah!" tanggi naman niya tapos ay ngumiti sa akin. "In a few hours time, sister-in-law na talaga kita! Isa ka ng Maguire!"
Ngumiti rin ako. Natutuwa ako. Masaya ako. Pero bakit may isang bahagi ng puso ko na nagsasabi na may mali?
Was it because a baby was going to be born without a father?
Pero sigurado ba ako na gano'n nga?
Bago kami umalis papunta sa wedding ceremony venue, nagpunta muna kami sa silid ni Lolo.
"Thank you, Lolo," I whispered, kinailangan kong lumapit sa tainga niya para sabihin iyon.
Lolo didn't answer. Sinikap niya na magmulat ng mga mata tapos ay ngumiti.
"Hintayin po ninyo ako mamaya. Ipapakita ko sa inyo ang katibayan na pinakasalan ako ni Johann," I said, mustering my happiest smile and most excited voice to appear as if I am not worried about anything in front of Lolo Thomas.
Again, Lolo just smiled.
Saglit pa siyang kinausap din ni Sharlene bago kami umalis. Hindi ko alam, pero hindi mapalagay ang loob ko nang tingnan ko ang bahay sa huling pagkakataon. Particularly, the direction of Lolo's room.
Parang ayaw kong umalis.
NAKAKATAWA. Johann didn't even make an effort to appear happy in front of our witnesses. Nakabusangot ito at halatang napilitan lang.
He didn't even take my hand. Tumalikod na lang ito basta paharap sa officiating minister nang makaabot ako sa altar. He didn't even look at me while I walked down the aisle.
It broke my heart. Pero wala naman akong karapatang magreklamo o masaktan 'di ba? This was what I signed up for. Mabuti nga at dumating pa rin siya kahit papaano.
Habang seremonya ay hindi man lang lumapit sa akin si Johann. Nagsusumpaan kami gamit ang template ng marriage vows pero kalahating dipa ang layo niya sa akin.
He even refused to hold my hand kahit pa sinabihan na siya na hawakan ang kamay ko. Also, the way he said I do was without feelings.
Siguro pinagtatawanan na ako ng mga naroon. Gusto ko nang umiyak. Pero pinanindigan ko ang ngiti sa mga labi ko.
After enduring this pain, I will be Mrs. Maguire. It will be worth it.
I guess it would…
When the minister declared us as husband and wife and told the groom to kiss the bride, Johann broke my heart again by not obeying at all.
Hindi na rin siya pinilit pa. By that time, naiintindihan na marahil ng nagkasal ang nangyayari.
The guests were murmuring with each other. Si Tita Lucinda lumapit na at nais nang kurutin ang anak nito. But Johann just shoot her a cold glare.
Wala na ring picture taking kasi nagmamadali nang lumabas si Johann. I tried to catch up. Halos madapa nga ako dahil naka-gown ako. Naabutan ko siya na nakasandal sa bridal car na gagamitin namin papunta sa reception venue.
"Sakay," he coldly said.
Lumigid ako sa passenger seat at iniipon ang laylayan ng damit ko nang pigilan niya ako.
"Back seat, Kate," mariing sabi niya.
I nodded and quickly opened the backseat. I convinced myself na marahil ay concerned lang siya kasi naman mas magiging komportable ako roon.
Pumasok na rin siya sa kotse at pinaandar iyon without talking to me again. Even when I tried, sinupalpal niya lang ako ng "don't talk to me."
I sighed at sinupil ang luhang gustong tumulo mula sa aking mga mata.
Kalagitnaan ng byahe, he received a call. Hindi naman siya nagsalita pero halata ko sa mukha niya ang pagbabago ng emosyon niya. At one point, akala ko iiyak siya.
Pero bigla niyang inihinto ang sasakyan kesehodang nasa gitna kami ng busy na hiway.
"Get out," Johann said, mahigpit ang hawak niya sa manibela.
"W-what?" I heard him, loud and clear. Pero gusto kong paulit dahil baka naman namali ako ng dinig. He couldn't be serious, right?
He was not about to abandon me in this hiway with my wedding gown, right?
"Get out! D*mn it!" He shouted at me. Galit na galit.
"No!" For the first time, I dared to defy him. Ayoko. Hindi ako bababa para gawing katatawanan ang sarili ko. Did he even realize how dangerous it was for me if I will obey him?
Nakakabingi na nga ang mga bumubusina eh. Malalaki pa ang truck na kasabay namin doon!
"F*ck, Katherina! Get out of my car!" He shouted again. But I pretended to be deaf. "D*mn it!"
Akala ko susuko na siya at aalis na kami. Pero bumaba siya and to my horror, lumigid sa side ko at pinilit akong bumaba.
"Johann, please!" I begged, nilalabanan ang paghila niya sa akin.
But he didn't listen. I was already crying. Yet, he didn't care.
Pagkababa ko ay agad siyang pumasok ulit at pinaharurot ang sasakyan niya.
I couldn't believe what happened. Suddenly, the world around me seemed chaotic. Ang mga malalakas na busina. Ang mga mabibilis na sasakyan. Everything was like a sudden blur in my eyes as my heart was pounding wildly inside my chest.
I couldn't breathe… Just before I let darkness swallowed me, I felt tears burning my eyes.
I couldn't believe it… No, it's not real. Today was my dream wedding day. Why did it have to end this way?
'Why did you do this to me, Johann?'