Sa karatig na kaharian na hindi gaano ang layo mula sa hangganan ng mga lupaing nasasakupan ng Windsor ay may isang matayog rin na palasyo ang matatag na nakatayo sa gitnang bahagi ng kapatagan ng Verticlos. Bagamat ang kapangyarihan nito ay hindi makapantay sa kung ano ang nasa kaharian ng Windsor, ngunit pumapangalawa ang Verticlos sa pinakamalalakas at pinakamakapangyarihang mga kaharian sa kasalukuyan. Ang kaharian na ito ay pinamumunuan ng haring Sisiphus noon na siyang ama ni Heneral Calix. Nang mapaslang ni Yuwan si Sisiphus ay naiwang walang mamumuno ang Verticlos. Bata pa lamang si Calix noon kaya hindi maaring mapasakanya ang trono dahil sa kamumusan nito. Labag man sa kalooban, sapilitang namuno ang pumangalawa sa linya ng magmamana ng trono ng Verticlos ang kapatid nitong Du

