Sa tanang buhay ni Trevor ay walang pagkakataon na naranasan niyang matakot sa dilim. Sanay siya sa mga aninong nililikha ng mapanlinlang na gabi sapagkat ang kanyang buhay ay gawa sa kadiliman. Ang mundong ginagalawan niya ay tila hating gabi kung saan walang buwan o bituin ang matatanglaw sa kalawakan at walang araw ang sisikat sa umaga. Ngunit ang kadilimang iyon ay hindi lamang bumabalot sa mundong ginagalawan ng prinsipe kundi pati na rin sa kanyang buong katauhan. Ang bawat pintig ng kanyang puso ay nagsusumigaw ng kadiliman. Bakit? Pinili ni Trevor ang madilim na katotohanan ng mundo. Ang katotohanang hindi pa man siya naisilang ay kinamumuhian na siya agad ng mga mamamayan ng Windsor... Ang katotohanang isinusumpa na siya agad ng mga tao kahit na hindi pa man siya nagkamuwang

