Pero paano niya magawa ang bagay na iyon, gayong nalalapit na ang kanyang katapusan? Walang silbi ang kanyang daan daan at libulibong mga hukbo kung hindi siya ang mangulo sa mga ito lalo na't wala na ang kanyang kanang kamay na Heneral na nagtaksil sa kanya. Hindi niya lubos maintindihan bakit nagawa siyang traydurin ni Calix. Pinagkatiwalaan niya ang taong iyon ng husto. Darating ang araw ay pagbabayarin niya ang Heneral. Kung lulugmok siya sa lupa ay hindi niya hahayaang hindi makasama sa kanyang hukay ang traydor na Calix na iyon. Paliit na ng paliit ang oras. Bawat pag-ikot ng orasan ay kumukunti na rin ang panahon ng prinsipe para mailigtas ang kanyang matayog na kaharian gayon nakahanda na ang Verticlos para sa gagawing paglusob sa Windsor sa mga susunod na araw. Kailangan niyan

