Earlier that day..... Naghari ang makakapal na ulap sa sandaling iyon. Tinatabunan nito ang kagandahan ng papalubog na araw sa karagatan ng Verticlos. Marahas ang paghampas ng alon sa dalampasigan. Kasabay ng malamig na hangin mula sa habagatan ay ang pagpatak rin ng maliliit na luha ng langit waring dinidiligan ang mga sugat sa labis na nanghihinang katawan ni Pyrus na kasalukuyang karga karga ni Calix sa kabayong sinasakyan. Mahaba ang kanilang paglalakbay makauwi lamang sa kaharian ng Verticlos. Mabigat ang mga paghingang pinakawalan ni Pyrus. Mababanaag sa kanyang mukha ang kawalan ng pag-asa. Ang pighati at pagdurusa ay sumisilay sa bawat pag-angat ng kaniyang dibdib tuwing humihinga. Ang kanyang mga mata ay nakapikit sa sandaling iyon. Bagamat sakay sila sa pulang kabayo ni Cal

