Nakikita niya ang mga sugat nito sa katawan. Ang mga putik na pumapaligo sa balat nito ay waring nakakumot sa balat nito. Ang mantsa ng dugo na natuyo sa damit at balat nito ay tila tatu na dumudungis aplibit sa buong katauhan. Batid niya ang labis na paghihirap ni Pyrus sa sandaling iyon. Mabilis niyang kinuha ang walang malay na katawan ng lalaki mula sa bisig ng sundalo at buong lakas na kinarga papasok sa kanyang silid. Maingat niyang inihiga si Pyrus sa ibabaw ng kama. Ang kanyang nanlalabong mga paningin ay nanatiling nakapako sa mukha ng lalaking nagsusumigaw ng matinding pagdurusa. "Pyrus.." ang nanginginig labing pagtatawag niya sa pangalan nito. Bagamat naghuhimiyaw ng matinding kasiyahan ang kanyang puso ngunit patuloy sa pagpatak ang kanyang mga luha. Humahalik ang mga luha

