Mangyayari na ang matagal na panahong hinihintay. Magbabayad ang may sala. Nalalapit na ang katapusan ng kahariang Windsor. Dumating na ang hinihintay. Oras na.. Ang pagbabayad ay magsisimula na.... "Panahon na!" Puno ng katatagang pahayag ng naturang lalaki. " Isipin ninyo ang dugo ng mga mahal ninyo sa buhay na inutang ng mabagsik na kahariang ito. Sisingilin natin sila. Dugo ang ugat ng lahat ng paghihirap natin. Dugo rin ang kabayaran! Ipunin ninyo ang lahat ng inyong galit at pagkamuhi. Ibuhos ninyo ang lahat! Sisimulan na natin ang pagpapabagsak sa matayog na kahariang ito!" **** Patuloy sa paghakbang ang mga nakakabinging mga yabag ng kabayo. Mababakas ang kapaguran sa mga hayop na panay ang paghingal sa sandaling iyon. Tagaktak ang mga pawis ng mga sandatahan ng prinsipe .

