Malamig ang simoy na nagmumula sa habagatan. Ang maluming pagsayaw ng mga kaparangan tila nagtatampong umiiwas sa haplos ng hangin ay waring nagpapahiwatig ng kalungkutan. Ang makulimlim na kalangitan ay tila mariing nakabantay sa kalawakan. Ang pagsikat ng araw ay kaunting natabingan ng makapal na ulap tanging ang mga kabundukan lamang mula sa dako paroon ang binibigyan ng nakakasilaw na liwanag nito. Ang tunog ng mga paghampas ng alon sa dalampasigan ay punong puno ng panglaw. Ang kapaligiran ay tila batid ang malupit na bagyong hahagupit sa buhay ni Pyrus pagkatapos ang kaunting oras ng nalalabing buhay nito. Ang maputik na daan ay unti-unting natuyo na. Muling lumitaw ang mga matulis na bato upang bigyan pagpupugay ang mga karawaheng daraan ilang sandali patungo sa bayan ng Agnus

