Hindi alam ni Pyrus kung ilang oras na ang nagdaan buhat maganap ang malagim na nagawa. Naroon siya nakaupo sa malamig na sahig habang ang kanyang likuran ay nakasandal sa matigas na dingding. Ang kanyang nanginginig na mga tuhod ay nakaangat sa isat isa na ngayon ay niyayapos ng nanlalamig niyang mga kamay na pinaliguan ng dugo. Patuloy sa pagbuhos ang malakas na ulan. Ang buong kapaligiran sa labas ay nanatiling kinukumutan ng kadiliman. Bagamat humihina na ang bagsik ng hangin ngunit patuloy ang pagkinang ng kulog na tumatagos sa bintana ng kanyang silid. Patuloy sa pagluha ang mga mata ni Pyrus na nanatiling nakapako ang paningin sa walang buhay na katawan ni Deborah. Ang katawan ng walang malay na babae ay unti-unting nanigas nang hinay hinay na maubos ang malapot nitong dugo na ng

