CHAPTER 36 (PART 1)

1690 Words

Lahat ng mga matang nagkakalat sa malawak na kapaligiran ay mariing nakatutok sa reynang mamatay tao, pagkapasok sa malaking tarangkahan ng palasyo. Ang mga matang iyon ay halu halo ang kahulugan. Ang iba ay mababanaagan ng pagkasuklam, naroon din ang mga titig na nang-uuyam pati ang iilang mga matang nagpapahiwatig ng pagkahabag. Pagkahabag sapagkat alam ng lahat ng naroon kung ano ang naghihintay na kapalaran para sa reyna ng Windsor. Limampung mga kawal ang nakabantay kay Pyrus ng sandaling tinatahak nila ang daan patungo sa malaking pintuan ng palasyo. Maririnig sa paligid ang maraming bulong bulongan ng mga taong nakasunod ang paningin sa kanya. Marahil ay alam na ng buong kaharian na patay na ang susunod na crown prince sa susunod na henerasyon. Marahil ay batid na ng lahat ang pag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD