CHAPTER 18
Kakaiba ang umagang ito sa mga nagdaang araw. This strange feeling started to bother me a bit because all of these feelings are all new to me.
Kung dati ay pagmulat ko pa lamang ng mga mata sa umaga ang unang pumapasok na sa aking isip ay kung anu-ano ba ang mga dapat kong gawin sa maghapon. But now, something has changed. As soon as I woke up, his memory last night with me flashes through my mind. His face smiling, his deep yet calm voice that are stuck with my head and his touch that I still feel here in my face.
Nakakahiyang aminin sa sariling natabunan ang lahat ng dahil sa kanya. He’s my first thought in the morning... Nothing more, just him. Hindi ko alam kung ano nga bang ibig sabihin nito, dahil kahit ako’y hindi ko ito mapangalanan.
Naghahanda ako ngayon sa pagpasok. Hindi ko kasabay si Sheena dahil alas-dyes pa ang schedule ng pagpunta nito ng MU. Gaya ni Alec ay exam din nila Sheena ngayon. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang mga nangyayari tungkol sa akin nitong nakakaraang mga araw, ayaw ko naman magbahagi sa kanya ng kung anu-ano dahil alam ko namang marami pa itong iniisip. Gustuhin ko mang magkuwento sa kanya ngunit humahanap pa rin ako ng tamang tyempo. Paniguradong nagtataka rin ito dahil mas napapadalas ang hindi ko pagsabay sa kanya sa pag-uwi. Dahil kung noon ay madalang na madalang mangyari iyon.
Narito ako ngayon sa kusina at nakaupo. Hinihintay kong maluto ang pagkaing inihahanda ko. Bago ako umalis ay mag-aalmusal na muna ako. Paminsan-minsan na lang ako makapagluto ng agahan, hinahanap hanap ko na rin ang sarili kong luto.
Habang naghihintay ay iniisip ko kung dapat ko bang I-message si Alec o hindi. Gusto kong sabihin sa kanyang galingan n’ya sa exam nila. Alam kong hindi iyon basta-basta. Kaya ganito na lamang ang kagustuhan kong ipabatid sa kanya na naniniwala akong kaya n’ya lahat ng iyon.
Matapos ang ilang sandali ay nagpasya akong I-message ito.
Nagtipa ako ng mensahe sa kanya.
Nakailang beses pa akong nagta-type at tsaka muling nagbubura ng mensahe. Hindi ko kasi alam kung ano bang ang tamang dapat na sabihin sa kanya.
‘Good morning, eat your breakfast.’ Mabilis ko itong binura dahil masyado namang papansin ang dating. Baka mabigla ito kung bakit may pa ‘good morning’ pa ako.
Nagtype akong muli ng sasabihin sa kanya. ‘Goodluck later on your exam!’ Nang eksaktong ise-send ko na ito ay mayroong tumawag.
I saw his name on my screen. Kinakabahan kong sinagot ito. Nararamdaman kaya niyang gusto ko s’yang I-message?
“Good morning, Turtle. Napag-isipan mo na ba ‘yong sasabihin mo sa’kin? Saw you typing... Tapos biglang nawawala. So what is it, hmm?” Bakas sa tono ng boses nito ang pang-aasar.
“I’m about to say, goodluck on your exam.” Alangan kong sagot sa kaniya.
Narinig ko ang mahinang pagtawa nito sa kabilang linya. “Oh. Thank you, I’ll do my best.”
He paused for a while then continued to talked again. “That’s all you want to say? Mukhang mayroon pa e.”
Kinakabahan ako, naiisip n’ya ba ang mga iniisip ko ngayon? “That’s all. Ano pa bang dapat kong sabihin sa’yo?”
“Wala naman, baka lang naman kasi mayroon pa.”
Natahimik kaming pareho, narinig kong tumunog na ang tino-toast kong tinapay. Nilapitan ko ito at inilibas sa loob ng oven. Nakalagay pa rin ang cellphone ko sa aking tainga at nakaipit ito sa aking balikat habang inaasikaso ko ang pinainit na tinapay.
“Are you still there?” mahinahong tanong ko.
I heard him response ‘Hmmm’. Nagsalita itong muli. “What are you cooking?”
“Gumawa lang ako ng sandwich. Kakain muna ako before pumasok. Ikaw kumain ka na ba?”Tanong ko sa kanya habang nilalagyan ko ng scrambled eggs ang mga tinapay. Hindi ko na napigil ang sarili ng tanungin s’ya, bahala na s’ya kung iisipin n’yang concern ako pati na sa pagkain n’ya. Dahil totoo naman iyon.
Natagalan itong sumagot, narinig ko ang lagaslas ng tubig sa kabilang linya. Naghilamos ‘ata ito. “I don’t do breakfast because I’m not used of eating in the morning.”
Nagulat ako sa sinabi n’ya. Dahil kabaligtaran ko si Alec. Hindi ako sanay na ‘di kumakain ng agahan. Dahil gaya ng ng sabi ko, ito ang nagsisilbing source ko ng lakas sa maghapon. “Eating breakfast will gave you energy, Alec. Lalo pa at mayroong kayong exam. Mas makakabuti kung mayroong laman ‘yang tiyan mo. Nang sa gayon makapag-isip ka ng maayos habang nagsasagot ka.” Mahabang paliwanag ko. Kay lola ko lang iyon nalaman. S’ya ang nagsabi sa akin dati noong bata pa ako na kailangan ko raw mag-almusal para masagutan ko raw lahat nang maayos ang exam ko.
“Can I have some sandwiches, then?” Tumawa pa ito. Binibiro lang ata ako nito at hindi sineryoso ang mga sinabi ko sa kanya.
“Seryoso ako, ha. Totoo ‘yon. Sinabi ‘yon sa akin ni lola.”
“I believe you, kaya nga pahingi ka ko ako ng sandwich na ginawa mo e.” Napatingin tuloy ako sa kagat-kagat kong tinapay dahil sa sinabi n’ya.
“Scrambled eggs lang naman ito, walang espesyal sa gawa ko.”
Rinig kong nagpipigil ito ng tawa. “Atleast the one who made it is special. Bigyan mo na lang kasi ako.”
Napangiti ako dahil sa sinabi n’ya. Kinilig tuloy ang buong sistema ‘ko.
“Okay, sige, Don’t expect too much.” Sinundan ko ito nang mahihinang tawa.
“Will see you at Roxas building. Para hindi ka na dumayo sa amin.’
Kanina pa ako nakangiti rito. Kung nakikita lang ako ni Alec ay paniguradong binuska na n’ya ako ngayon.
“Okay. Kailangan ko ng mag-ayos. Baka mahuli ako sa klase magco-commute lang ako ngayon kasi mamaya pang 10 am ang pasok ng pinsan ko.” Nagpaalam na ako sa kanyang gagayak na ako.
“10 am? I see, Architecture department s’ya no?” Matapos nitong magtanong ay nagsalita itong muli. “Do you want me to fetch you? Puwede kitang sunduin d’yan.”
“Yes, Architecture. Hindi na huwag mo na akong sunduin. Kaya ko na ito.” Agad akong tumanggi sa alok niya. Ayaw ko namang maabala ito. Ang laking bagay na sa akin kagabi na nakapasyal ako at dahil iyon sa kanya.
“Hindi ka naman makakaabala, but, got it. Take care, Xia.”
I ended the call. Para akong tanga ngayon, masyadong mabilis ang t***k ng puso ko gayong kausap ko lang naman ito sa kabilang linya. Nakakatakot at nakakaba, iba kasi ang epekto n’ya sa akin.
Inihanda ko lang ang sandwich na ibibigay ko kay Alec mamaya. Habang nilalagyan ko ng palaman ang tinapay ay nakangiti pa ako. Kinakastigo ko ang sarili at pilit na lang akong nagfo-focus sa ginagawa. Mayroon sa likod ng aking isipan na nagsasabing. ‘Delikado ka na.’
Plano kong mag-book ng grab pero wala akong makitang available na sasakyan malapit sa lugar ng condo namin. Nilakad ko pa ang lugar kung saan nag-aabang ako parati ng taxi. Bitbit ang paperbag na para kay Alec na mayroong lamang Egg sandwich at Lemonade juice sa loob.
Naupo ako sa shed at naghintay. Maaga pa naman kung kaya hindi ako kinakabahang mahuli sa klase.
Ilang minuto pa ang lumipas ngunit wala pa ring taxi na dumadaan, mayroon man ay puro may sakay na ito.
Tumunog ang cellphone ko, nakita kong mayroong text. Napasinghap agad ako ng makita kung kanino ito nagmula. Alam ko na agad ang laman ng mensahe nito.
‘I heard about your Issuance of Progress Report. Why aren’t you telling us? Your dad’s also waiting. Tell us the date, Elyxia.’ Binasa ko ang text na nagmula kay mommy Yza. Ganito talaga itong panahon nagpaparamdam, kapag malapit na mag-release ng grades. Nape-pressure na naman tuloy ako. Parati naman.
‘Okay, I’ll tell you once they announce the date. My regards to dad, mommy.’ Maikli ko lang itong sinagot. Nakakagulat lang dahil mas una pa nilang nababalitaan ang mga ganap ko sa Unibersidad. Ako ngang mismong nag-aaral doon ay wala pang balita kung kailan.
Sumagot pa itong muli. “Make sure you do well, Elyxia Lyanne. Pero ano nga bang bago? Sanay na kami sa’yo.” Naririnig ko ang pasinghal na boses nito sa isipan ko.
Hindi ko napigilang sumagot… “Kahit naman gumawa ako nang tama at maganda, you still feel the same. ‘Di ko na po alam kung saan ako lulugar, mom.”
Malalim akong napabuntong-hininga, sumagot pa ito nang napakahaba. Maraming pangaral, pangungumpara at paalaala.
I sometimes wish to be just a normal human being. Just breathing and living. With no expectations, no disappointments. I don’t want to carry bags full of conditions anymore, because to be honest, it’s draining. It’s tiring.
Ang kaninang saya na nararamdaman ko ay mabilis na napalitan ng lungkot. Ang dami nang pumapasok sa isipan ko, basta sila ang usapan, basta mayroong kinalaman sa kanila ang usapan. I’m not supposed to be scared of them, pero kung sa ganito nila ako minulat, paano nga bang hindi ako makakaramdam ng pangamba? Just like other, I also want to feel the comfort of their parent’s hold and embrace. But seems, I’m deprived of receiving that kind of serenity.
I sighed. If only situations and things are different.
Nahinto ako sa malalim na pag-iisip ng mayroong humintong sasakyan sa harapan ko. Pamilyar. Alam ko kung sino ang may-ari nito.
Binuksan nito ang bintana ng sasakyan at tinawag ako . “Ely. Are you on your way to MU? Come on!”
Matapos nang naging pag-uusap namin ng gabing ‘yon kung saan umiiyak s’ya ay ngayon na lamang kami muling nagkita. Umaasa akong nasa maayos na kalagayan s’ya ngayon.
“Papasok na rin ako, Xander. Nag-aabang lang ako ng taxi.”
“Let’s go. Sumabay ka na sa akin. Papasok na rin naman ako.” Dagdag pa nito.
Inaya ako nitong sumabay sa kanya. Saglit akong nag-isip ngunit nang mapagtantong anong oras na wala pa rin akong masakyan ay mas pinili ko na lang sumabay kay Xander. Tutal naman ay inalok ako nito. Gusto ko na ring makarating sa MU para makausap ko si Gail. S’ya at si Sheena lang ang napagsasabihan ko. Gusto ko na rin munang mawaglit sa isipan ko ang sandamakmak na isipin.
Xander is really nice. Tamang-tama at sakto rin ang pagdaan nito ngayon. Dahil kung saka-sakaling hindi ako nito nadaanan ay naghihintay pa rin ako sa shed. Baka lunod na rin ako ngayon sa pag-iisip. Mga ganoong pagkakataon pa naman ay mas gusto ko na lang mag-isip at magkulong sa kuwarto kaysa sa pumasok...
“Sigurado ka ba?” Muli ko pang tanong dito. Kinukumpirma ko lang.
“Yes, tara na, sige ka, male-late ka n’yan.”
Lumapit na ako sa sasakyan nito. Binuksan nito ang pintuan sa harap katabi ng driver’s seat. Naupo lang ako rito. Nagpapasalamat na makakapasok na rin ako sa wakas. Ang tagal kong naghintay umagang-umaga ay pakiramdam kong napakalagkit ko na dahil sa pawis. Ibang klase rin naman talaga ang init.
Naalala kong alas-dyes pa si Sheena, paniguradong ganoon din si Xander kaya nakapagtatakang mag aalas-syete pa lang ay papasok na rin s’ya.
“10 am pa ang exam n’yo hindi ba? Ang aga mo naman ‘ata?” Kuryoso kong tanong.
Nakatutok lang ito sa pagmamaneho nang marinig akong magsalita ay lumingon ito sa gawi ko.
“I have to finish something, kaya pumasok na ako ahead of time.”
“I see, galingan n’yo sa exam mamaya.” Nginitian ko ito.
“Thank you, Ely.”
Natutok ang tingin nito sa hawak kong paperbag. Dahil kanina ko pa ito sinisilip. Baka kasi tumapon ang laman nitong juice. “Wow! You bring baon today. Is that for a change? That’s good.”
“Ah, e, hindi ‘to para sa akin, Xander.”
“Oh, guess someone’s lucky today to have that.” Nag-iwas ito ng tingin sa akin at muling tinuon ang atensyon sa harap. Nakita ko pa ang paghigpit ng hawak nito sa manibela.
‘Di na ako kumibo sa sinabi n’ya, dahil iba ang pakiramdam ko sa naging tono ng boses nito. Ayaw kong isipin at lagyan ng ibang kahulugan iyon.
Minutes passed. Nakarating na kami sa MU. Sa parking nito inihinto ang sasakyan n’ya.
“Thank you for the morning ride, Xander. You’re really an angel in disguise, kung hindi ka dumating ay mahuhuli ako sa klase. ‘Yong una pa naman naming Prof ay masungit, baka makatanggap ako ng detention slip kung nagkataon.” Pagpapasalamat ko.
“No worries, I’m happy to see you as well. I can offer you again a ride tomorrow. I assumed na wala ka pa ring kasabay bukas, kasi same schedule lang ang exam namin, 10 am pa ulit si Sheena.”
Ayaw kong kalimutan na bahagya pa rin akong umiiwas kay Xander. Mabait ito sa akin... Mabait ito sa lahat. Pero hanggang maari ay hindi na lang ako maglalalapit dito. I’ve heard a lot about her and Iris, ‘di ko alam kung totoo iyon, pero mas maganda na dumistansya ako para sigurado.
“Thank you, Xander, pero huwag na, ayos na ako. At tsaka, paniguradong makakasakay naman ako agad bukas. Aagahan ko na lang ang pag-aabang.”
Hindi naman na ito kumontra sa akin.
Nauna na akong bumaba sa kanya, dumaan ako sa harap kung saan naroon ang main gate. Doon malapit ang building ni Alec. Sa second floor ito, balak ko sanang pumanhik na lang para iabot ‘tong dala ko sa kaniya ngunit wala namang tao sa corridor nila. Halatang wala pang masiyado ang pumapasok dahil malinis pa ang hallway. Wala pa gaanoong tao.
Nagdire-diretso na lang ako papunta sa building namin. Ibibigay ko na lang sa kanya ito mamayang break. Mas mainam sana kung ngayon na para makain na n’ya pero mukhang wala pa naman kasi ito.
Pumanhik na ako sa room namin, maraming tao sa labas. Nang makita ko ang mga blockmates ko ay nakahinga ako ng maluwag dahil paniguradong wala pang Prof kaya’t nakakatambay pa sila sa labas.
Narinig kong mayroong sumigaw.
“Gail, nandito na si Lyanne.” Nagtataka na naman tuloy ako, huling ganito sila ay dahil kay Prof. Gallego bakit na naman kaya may pagsigaw nang narito na ako?
“Bestie, you’re here.” Exaggerated nitong sabi. Niyakap pa ako. Malayo pa ako sa room namin ay sinalubong na n’ya ako.
“Oo, nandito na ako. Mayroon na naman bang ano? Hindi ako late, maaga pa, kaya anong ganap?” taka kong tanong.
“Wala naman,” tumingin ito sa dala kong paperbag. Sinilip n’ya ito.
“Para sa akin ba ‘yan? Sweet mo naman, pinagbaunan mo pa ako. May sakit ka ba ha? Bakit mo naman ako bibigyan n’yan?” Sunod-sunod na tanong n’ya.
Inilayo ko rito ang paperbag, baka tumapon ang inihanda ko, mahirap na.
“Gail, hindi para sa’yo ‘to. Dadalhan din kita sa susunod, ‘wag ka mag-alala. Bawi ka sa next-life.”
Humalukipkip ito at umirap sa akin. “Akala ko pa naman ay para sa akin ‘yan. Nakakatampo ka! Sa susunod ay ‘wag mo ng ipakita sa aking may baon ka, tapos hindi mo ako bibigyan.”
Alam kong nagbibiro lang ito, malakas naman talaga trip ni Gail.
“Sus! Tampo pa kunyari. Sige sa susunod nga.” Pang-aalo ko sa kanya,
“Parang ‘di mo naman ako bff n’yan. Para kanino ba ‘yan? Para roon ba ’yan?” Ngumuso ito sa harap. Sinundan ko ang tinuturo nito. Nagulat pa ako ng naroon si Alec sa harap ng room namin, kasama sila kuya Kier.
Lumingon agad ako kay Gail. Tinaas-taas pa nito ang kilay n’ya.
“Ano? ayos ba bestie kong low-key na maharot?” Ginaya pa ako sa kanya.
“Pasmado bunganga mo Gail. Ano ba ‘yan bakit nandito na si Alec? Ayos lang ba ang itsura ko?” taranta kong tanong sa kanya.
Hindi ko inaasahang mauuna pa ito sa akin at talagang sasadyain ako sa buidling namin.
Napansin ko agad ang buhok nitong maayos na nakahawi at ang uniporme nitong unat na unat na gaya lang naman din ng sa ibang nag-aaral dito ngunit ang sa kanya ay nangingibabaw. Sa gitna ng maraming tao ay nangingibabaw s’ya sa lahat.
Pasimple kong inilagay ang kanang kamay ko sa dibdib, sinusubukan ko na muling pakalmahin ang puso kong gustong kumawala. Masasabi kong ramdam kong unti-unti na talaga itong nagbabago.