FOR KEEP

1608 Words
CHAPTER 17 Ramdam ang kapanatagan sa dampi ng kanyang palad. Estranghero sa pakiramdam at ngayon lang binigyang pagkakataon para maranasan. Nagising ako sa pakiramdam na mayroong nakatitig sa aking mukha. Pagmulat ko ng mata ay siya agad ang nabungaran. “You’re awake now, sleepy head. Hindi kita agad ginising ang sarap kasi ng tulog mo. Nakahawak ka pa sa braso ko oh.” Inilipat n’ya ang tingin sa kamay kong nakayakap sa braso n’ya. Tinanggal ko agad ang pagkakahawak at pag-angkla ko sa braso n’yang nagsisilbing unan na nakalagay sa aking mukha. Natawa ito ng makita ang ginawa ko. Pino-proseso ko pa ang mga nangyayari. Tiningnan ko ito. Wala na s’yang hawak na libro sa kanang  kamay ngayon. Nakatabi na rin ang mga highlighters n’ya. Mukhang tapos na ito mag-aral at ako na lang ang hinihintay n’ya. “Bakit hindi mo ako ginising? Naghintay ka pa tuloy nang matagl. Kanina ka pa ‘ata tapos magbasa dyan.” I saw him shrugged a liitle. “Hindi ha, kakatapos ko lang.” “E di, halika na? Umuwi na tayo ng makapagpahinga ka.” Umayos na ako ng upo, binawi na rin nito ang kamay n’ya. Ngawit na ngawit na siguro  ito. Hindi lang nagpapahalata. Iniligpit ko ang mga gamit kong dala. Pinapanood lang n’ya ako. Nalipat ang atensyon naming dalawa nang mayroong lumapit na staff ng Café sa puwesto namin. “Good evening, Ma’am and Sir. You can try and visit our rooftop’s  el solace. This is our soft-opening for events place. We’re more than happy if you’ll try and witness it by yourself.” Tumingin agad ako kay Alec, para akong batang mayroong hinihiling at gustong mapagbigyan, tinatantya ko rin ang reaksyon nito. Hindi ko kasi sigurado kung gusto ba n’ya. Iniisip ko ring baka pagod na ito at nais na n’yang umuwi. Ang bilis magbago ng isip ko, kanina lamang ay ako pa mismo ang nag-aaya sa kanya, pero dahil sa sinabi ng isa sa mga staff na naririto ay agad akong nakumbinsi, gusto kong makita at puntahan ang itaas na parte ng Café.  Isa pa ay nakakatuwang nilapitan at sinadya pa kami rito ng isa sa mga staff para imbitahin sa itaas. Parang nabasa nito ang iniisip ko. “Gusto mo bang puntahan natin?” tanong nito sa akin. Wari ko ay pumapalakpak ang tainga ko sa narinig. Mabilis akong tumugon sa tanong n’ya. “Can we stay for a while?” Pagpapa-awa ko pang tanong. ‘Di siguro ito makapaniwala sa sinabi ko, parang kanina lamang kasi ay ako pa ang nag-aaya sa kanya. Tumango ito sa akin at sabay na tumayo. Hinihintay kami ng staff para daluhan kami papanhik sa rooftop. Iginiya lang kami nito sa direksyon kung saan kami gagawi. Pinauna ako ni Alec sa pagpanhik. Nakasunod  lang ito sa akin. Nang oras na makaapak ako sa huling baitang ng hagdan hudyat na narating ko na ang itaas ay hindi ko mapigilang mabighani sa kakaibang tanawin. Open area ang taas na ito, damang-dama ang malakas na hangin at ang lamig. Tanaw ang mga ilaw na nagmumula sa mga establisyemento sa di kalayuan. Ang mga lamesa at upuan ay nasa gitnang bahagi. Nagkalat din ang mga candlelight sa sahig sa buong paligid. Tamang-tama ang ayos nito, maluwag sa  gilid kung saan matatagpuan ang mga kahoy na duyan. Indeed the relaxed and romantic ambience here in the rooftop will be a perfect comfort for everyone. Nakadagdag pa ang malamyos na musika at tugtugin na nagmumula sa violin.   “Wow, I like it here. Tara maupo tayo roon.” Muntik ko ng makalimutang kasama ko nga pala si Alec. Narinig ko itong nag-aya sa aking pumunta at maupo roon sa may duyan. Gaya ko kasi ay natahimik rin ito. Ultimo s’ya ay nagandahan at mukhang hindi makapaniwala sa  nakikita. Pumunta kaming dalawa sa gilid kung saan naroon ang duyan. Perpekto ang lugar dahil tanaw namin ang paligid, ang siyudad at ganoon na rin ang kabuuan ng  kalangitan. Higit lalo noong kami ay maupo. Damang-dama namin ang malakas na hangin. Ang paglagaslas ng mga dahon sa mga puno malapit sa lugar ay aming rinig na rinig. No words can express what I am feeling right now. Seeing this beautiful scenario proved that Solace is real. Tahimik lang din si Alec. Walang kibo at bakas din sa mga mata nitong nagniningning na napukaw ang atensyon  n’ya sa lugar. Pinagmamasdan ko s’ya, ang buhok n’ya ay katamtamang nagulo dulot ng malakas na ihip ng hangin. Nakita kong hinihimas nito ng kaunti ang kamay n’ya. Nangawit siguro sa pagkaka-unan ko sa kaniya kanina. “Amin na ‘yong kamay mo.” Hindi ko na hinintay na sumagot pa s'ya, basta ko na lamang kinuha ang kamay nito. Marahan ko itong hinawakan at hinilot. Nakatingin lang ito sa akin at titig na titig sa ginagawa ko. Nakakailang man ay sinubukan ko pa ring ipagpatuloy ang ginagawa. “I didn’t expect you’re this gentle, Xia.” Seryosong n’yang sabi. Nakatuon pa rin ang atensyon ko sa kamay niya. “Bakit? Ano ba ang akala mo?" Ang kaba ko noong una kaming nagkita hanggang ngayon ay masasabi kong  naririto pa rin, pero hindi ko maipaliwanag na sa kabila nito ay  napapaibabawan ito ng kalma. “You have that bad girl vibe when you said ‘Jerk’ to me.” Halata na ang ngiti sa mukha nito ng mukhang mayroon s’yang maisip at maalala. “Ha? Kailan kita sinabihan noon?” Nagtataka kong tanong. Dahil sa katotohanan ay wala naman akong maalala. Bilang pa lang ang naging pagkikita namin. Paniguradong ‘di ko ‘yon sasabihin sa kanya lalo na’t ayos naman itong kasama. “Secret, of course, I won’t tell you.” Napakagaling talaga n’yang mang-asar. Sana ay hindi na lang n’ya sinabi kung hindi naman n’ya rin pala itutuloy. Binigyan n’ya pa ako ng iisipin. Magiging bother na ako habang buhay panigurado. Mahina kong hinampas ang kamay nito, agad n’ya  itong binawi. “Ano nga kasi? Sasabihin mo ba o sasabihin mo?” “Wala na bang ibang choices?” grabe rin talaga mang-asar  ito. Kung hindi n’ya lang din ako dinala rito sa magandang lugar na ito  ay hindi ako magdadalawang isip na awayin s’ya. Hindi ko na lang ito pinansin. Tumutok na ulit ang paningin ko sa kalangitan. Sa mga bituin at sa bilog na bilog na buwan. Matagal kaming natahimik na pareho, nang magsalita ito muli. “Galit ka ba? Bakit hindi ka na umiimik dyan? Ito na ulit kamay ko, oh.” Iniabot nitong ulit ang kaliwa n’yang kamay. “Ano namang gagawin ko d’yan?” “Wala, hawakan mo, ewan, ikaw ang bahala.” Palihim akong napangiti sa sinabi n'ya. Nakakatawa na lang ang mga pasaring n’yang ganito. Malayong-malayo talaga sa inaasahan kong Alec na seryoso. Maybe he’s serious, but with me, I observe that he’s like this sometimes... childish yet full of wisdom. “Iyan, kunin mo na lang ‘yong bituin na ‘yan para sa’kin. O kaya ‘yong buwan.” Itinaas ko ang kamay n’ya animo ay tinutulungan s’yang sungkitin ang mga ito. “Okay, I’ll get it and give it to you.” Nagpanggap itong nakuha ang buwan, iniabot sa akin at inilagay sa palad ko. “Kunyari ako 'yan. Isipin mong para akong isang buwan, hindi man kita  paminsan-minsan pero nariyan lang ako, nakatanaw at nakabantay.” Nang marinig ang sinabi n'ya, sigurado akong sa tuwing makikita ko ang buwan ay s'ya ang maaalala.  Para bang natunaw ang buong pagkatao ko sa sinabi n’ya. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang din ang naging reaksyon ko. Wala akong masabi, sapat na ang unti-unting paglakas ng dagundong ng puso ko. Wari ko’y kung lalapit pa s’ya sa akin ay paniguradong maririnig n’ya ito. “I’ll keep the moon then,” umakto naman akong itinabi ko sa aking bulsa ang buwan na inilagay  n’ya sa palad ko. Because to be honest, this is really for keep. Pareho kaming sabay na natawa sa aking ginawa. “You should,” idinako nitong muli ang paningin sa paligid at saglit na pumikit. Matapos ng ilang sandali ay bumaling na ito sa akin. Pagharap n’ya sa akin ay malawak ko itong ginawaran ng ngiti. “Goodluck on your exam. I know you can, and you will.” “Thank you, Xia. Halika na, ihahatid na kita.” Gaya ng sabi ni Alec ay inihatid n’ya nga ako papauwi sa condo. Walang mapaglagyan ang tuwa at kasiyahan na nararamdaman ko. Hindi ko sigurado kung ganoon din s’ya. Pero ang mahalaga naman ay ang ang sarili kong nararamdaman. I found myself smiling along our way home. Iniisip kong baka kaya hindi ako naging ganito ka-saya noon dahil ngayon naman pala ipaparanas sa’kin ang sobrang kaligayahan. Kung ako ang tatanungin ay ayaw ko ng matapos to. ‘Di ko gugustuhing matapos pa ito. Kung dati’y takot ako sa dilim at hindi pamilyar na lugar, mukhang ngayon ay mukhang magiging matapang na ako, dahil sa kabila nito, alam kong may buwan na nagbabantay at nakatanaw sa ginagawa ko. Mamamahinga na lang ako pero sumingit pa rin ang alaala nang sandaling pag-uusap namin sa ibaba ng condo kanina. “We can still see each other after this right?” Hindi ko napigilang tanungin s’ya. Saan nga ba nanggaling ang mga salitang iyon? Ang lakas naman ng loob kong itanong ‘yon sa kanya. Mukhang tama nga'ng malalaman at mahuhuli din ang tunay sa sinasabi ng bibig. Bigla nitong inilapit ang kamay sa pisnge ko’t marahan itong kinurot. “Probably, Xia.” “See you again soon, then.” He’s my last thought in mind before I driff off to sleep.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD