CLOUD NINE

2704 Words
CHAPTER 16   “Ely, please, give it to Gail. She already knew about that. Paki-bigay na lang ha? Thank you.”  Si David.   “Nasaan ba kasi s’ya? Sige, iaabot ko na lang.” Maikli kong tugon kay David. Matapos nito ay umalis na ‘to sa harapan ko at bumalik sa upuan n’ya.   Binigay lang sa akin ni David ang envelope na brown. Pinapakisuyo n’ya itong iabot ko raw kay Gail. Nakakapagtaka naman silang dalawa. Bakit ‘di s’ya ang mag-abot ‘di ba? Iniisip ko na baka magka-away na naman ‘yong dalawa. Ang mature naman ‘ata ng mga manok ko. May pag-iwas pa.   Vacant namin ngayon, abalang-abala pa rin si Gail sa hindi malamang dahilan. Nakakapagtaka ang inaakto n’ya pero ayaw ko naman s’yang tanungin lalo na’t baka personal ito. Alam ko namang magsasabi ito sa akin kung puwede ko ba itong malaman. Ayaw ko s’yang pilitin dahil kabisado ko naman ito, ‘di ko na kinakailangan pang magtanong sa kanya kung handa naman s’yang magkuwento sa akin.   Walang bago sa araw na ito ginugugol lang namin ito sa pag-aaral pati na rin  sa iba naming extra-curricular activities. Katabi ko lang si Gail kanina pero ngayon ay nawawala na naman ito. Wala akong gaanong ginagawa ngayong mga oras na ‘to dahil natapos ko na lahat, dagdag pang wala akong makausap kaya inip na inip na ako .   Napakabagal ng oras, gusto ko nang mas bumilis pa ito. Sa hindi malamang dahilan ay gusto ko ng mag-uwian. Mamayang hapon  kami magkikita ni Alec. Ang sabi n’ya ay hihintayin n’ya raw ako, inimbitahan ako nito para magkape. Hindi ko alam kung saan, kaya ngayon pa lang ay tuliro na ako kakaisip kung saan ba ang maayos at magandang lugar para naman makapag-aral s’ya ng maayos gano'n na rin ako.   Naalala ko ang ‘di naming inaasahang pagkikita kahapon, wala ng ilangan sa aming dalawa. At tama ako, ang pagiging seryoso nito ay sa umpisa lang, ang una ko ring impresiyon sa kanya ay unti-unti ng nabubura. Masaya itong kasama at ‘di ko iyon maipagkakaila. Kaya ganito na lamang ang excitement kong makasama s’ya.   “My Elyxia Lyanne, anong nasa isip mo? Bakit tulala ka na naman?” Narinig ko ang boses ni Gail sa tabi ko. Hindi ko namalayang nakalapit na pala ito sa akin. Masyadong naging malalim ang pag-iisip ko ng mga nangyari sa akin sa mga nakalipas na araw.   “Oh, nandito ka na pala? Saan ka ba galing? Pinapabigay sa’yo ni David, alam mo na raw kung ano iyan,” binigay ko lang dito ang brown envelope. “Paki-sabi na lang na, Thank you kamo, ayaw ko kasi s’ya kausap e.” Mataray pang sabi nito. “Sa tingin mo ba gusto ko kayong kausap na pareho? Ano ba ako messenger n’yo, Gail? Para saan pa ‘yang bibig mo kung ganoon? Pabebe ng taon ‘to.” Inirapan ako nito, matapos ay umupo na sa tabi kong upuan. “Kill joy mo naman, ‘di mo na lang ako suportahan sa pag-iinarte ko. Ang gara mo naman kausap n'yan. Tsaka, naiinis ako sa kanya. Nakita ko sila ni Iris kahapon magkausap, ayaw ko sanang pag-isipan ng masama kaso ‘di talaga katiwa-tiwala ‘yon e.” Pagpapaliwanag nito. Bakas pa sa tono ng boses na naiinis talaga s’ya.   Napukaw ang atensyon ko ng marinig ang pangalan ni Iris. S’ya ‘yong babaeng mataray at galit sa mundo. Pagkakataon nga naman, mukhang magkakilala pa sila ni Gail. “Ask him, para di ka d’yan naghihimutok, Gail. Ayon ang pinakamabisang solusyon, ang communication. Rhymes pa ‘di ba? Pangalawa, check the label.” Matapos kong ibigay ang advice ko sa kanyang ‘di naman ganoong makakatulong dahil ang tipo ni Gail ay hindi mauunang gumawa ng hakbang. Kaya balewala lang din ito. “Friends with benefits kami.” Napangiti ito ng malawak at hinampas-hampas pa ang braso ko. Ang lakas ng topak talaga. “Grabe ka na, sumbong kita kay Felicia ganyan ang natutuhan mo rito. Seryoso naman kasi ang advice ko. Kausapin mo para maging okay na.” Pang-asar ko talaga sa kanya si Tita Felicia, ang mommy n’ya. Conservative kasi ito at malayong-malayo sa anak n’ya. “Sige, Elyza, makakatulong ‘yang payo mo. Salamat.” Rebuttal naman nito. Binanggit din n’ya ang pangalan ni Mommy. “Mabalik lang nga, si Iris, ‘yon ‘yong nakabanggaan ko. ‘Yong kinukuwento ko sa’yo. Natapunan pa nga ako ng drinks n’ya tapos hindi manlang nagsorry sa akin. Taray no’n ‘no?” “Kaya nga mas lalo akong naba-badtrip. Business Department ‘yon e. Kakilala nila kuya Wayne ‘yon. May attitude raw talaga. Abangan kaya natin sa main gate?” Pagbibiro pa nito.   Natawa ako sa sinabi n’ya. Ganito lang naman si Gail. Hindi naman ito basagulera at pala-away. Ganito lang talaga s’ya mainis. “Sige, anong oras ba natin aabangan?” Sakay ko naman sa sinabi n’ya.   “Hindi  natin puwedeng abangan mamaya may lakad ka kasi ‘ata e. Lalabas daw kayo at magkakape  pa nga ‘raw.” Nanlaki ang mata ko sa narinig kong sinabi n’ya. Nagtataka ako kung paano n’ya nalamang may gagawin ako mamaya.   “Ha? Paano mo alam?” Malawak itong ngumiti dahil sa sinabi ko.   “Kung ‘di mo naitatanong e, sumagap ako ng balita kay Kuya Wayne, binanggit lang daw sa kanya ni Alec. Inaaya raw kasi nila umalis mamaya. Kaso tumanggi daw imong Alec.”   “Oo. Inaya n'ya ako e, mag-aaral lang kami.”   “Ay,  tunog dissapointed, mag-aaral lang?” Tawang-tawa pa ito.   Na-kuwento ko na rin kay Gail kung paano kami nagkakilala ni Alec, ‘di pa lahat pero sinabi ko na sa kanya dahil magtataka ito kung paanong bigla na lang kaming nag-uusap. Bukod pa rito, wala akong makitang dahilan para hindi sabihin sa kanya. Halos lahat naman ng tungkol sa akin ay alam ng bestfriend ko kaya ito pa ba ang hindi ko ipapaalam sa kanya?   After ng free time namin ay nagpatuloy lang kami sa klase. Inaagad na ng mga Professors ang mga lessons at assessment dahil sa susunod na buwan daw ay magre-release na ng grades at magkakaroon pa ng mga activities. Iyon na lamang ang nilo-look forward namin. Ang isang linggong College week, pati na rin ang Manila University Ball. Dahil paniguradong kukuhanin lahat ng mga College students ang pagkakataon na iyon para makakapagpahinga.   Matapos ang klase ay napagpasyahan na naming bumaba ni Gail, magkikita kami sa main gate ni Alec dahil doon n’ya raw ako hihintayin. Kanina pa tiyak ito naghihintay sa’kin dahil, alas-tres lang ay dismissal na nila. “Saan daw ba kayo, bestie? Galingan mo sa ‘aral at review’ n’yo ha.” Diniin n’ya pa talaga ‘yong pagkakasabi ng aral at review. “Hindi ko pa alam kung saan, balitaan na lang kita. Tara na, bilisan mo. Kanina pa ‘yon naghihintay.”   “Excited mo naman masyado, paki-send na rin sakin mamaya ng file sa Editing techniques ha. Magbabasa rin ako.” Naglakad lang kami ng mabilis papuntang main gate ng MU. Doon na lang din lalabas si Gail, kahit na puwede naman dito sa gate na malapit sa building namin. Gusto n’ya raw ako samahan kaya’t hinayaan ko na s’ya.   Sa ‘di kalayuan kung saan naroon ang main gate ng MU ay nakita kong naghihintay na sila kuya Kier pati na rin si Alec. Malayo pa lang ay alam ko ng s’ya ‘yon. Ang bulto pa lang ng katawan nito pati na rin ang kakaibang taas ay masasabi kong s’ya nga iyon. “They’re here. Hello couz, hello, Ely.” Si kuya Kier. Abala sa pakikipagkuwentuhan si Alec, pero nang marinig si kuya Kier na binati kami ay agad na nag-angat ito ng tingin at dumako ang mata sa akin. “Hello kuya Kier.” Ganting bati ko rin naman sa kanya. Tumayo si Alec at lumapit sa amin ni Gail. “What’s up, Gailey?” Kinumusta lang nito sandali si Gail. “I’m good, Alec. Ingat kayo ni Ely ha? Mauuna na rin kami ni Kuya. May lakad din daw s’ya e.” Agad na pagpapaalam nito.  “Sure, take care. Bro, ingat kayo.” Nagpaalaaman lang kaming saglit at sabay-sabay na lumabas. Talagang kami lang ni Gail ang hinintay nila. Nang kami na lang dalawa ang naiwan ay ‘di ko pa rin maiwasang kabahan sa presensiya n'ya. Panatag na ako rito at hindi na gaanong naiilang, sadyang hindi ko lang maiwasan ang gano’ng pakiramdam. Bumaling na ito sa akin at ako naman ang kinumusta noong kami na lang dalawa. “Bakit ang tahimik mo? How was your day, Xia?” Yumuko pa ito para makita ng maayos ang mukha ko.  Nag-angat ako ng tingin sa kanya “Ayos lang naman ako, Ikaw ba? Kanina ka pa ba naghihintay sa’kin?” Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. “I’m here at around 3pm I guess, okay lang naman, ‘di naman ako nainip,” talagang matagal nga'ng naghintay ito sa akin. Nakakakonsensiya naman. Naglalakad  kami papuntang carpark kung saan naroon ang sasakyan n’ya. Pinag-uusapan lang namin kung anu-ano ang mga nangyari sa amin sa maghapon. Nakakatuwang ang dami nitong kuwento sa akin. Nakikinig lang ako sa kanya.  Nang makarating kami sa parking ay pinagbuksan ako nito ng pinto ng kanyang sasakyan. Pinaupo ako nito sa harap na upuan. Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya. “Do you have any plans in mind? Para iyon ang susundin natin. Pero kung wala naman, ako nang bahala. I know some place. We’ll eat first, bago mag-coffee and review. Okay ba iyon?” Nang marinig ko ang sinabi n’ya ay natawa ako. Halatang sinisingit lang din nito ang salitang ‘review’. Dahil mukhang planado naman na n’ya ang lakad namin ngayon.   “Kahit saan, basta payapa tayong makakapag-aral pagkatapos ng lahat ng mga sinabi mo, walang problema roon,” ani ko. S’ya ang inaalala ko, mayroon silang exam sa susunod na tatlong araw. “Noted, turtle.” Inistart lang nito ang sasakyan at nagsimulang magmaneho. I can’t contain my smile. Seryoso talaga s’yang itawag iyon sa akin. Tahimik lang kami sa loob at tanging tugtog lang na nagmumula sa radyo ang maririnig.   Pasimple ko itong sinusulyapan, ‘di pa rin ako makapaniwalang lumalawak na talaga ang mga nakakasalamuha ko. I did realized that, I’m slowly going out from my personal space and from my comfort zone. I can’t believe that in just a snap, in just a blink, that night, would start to change everything.  Na paanong sa isang pangyayari ay nabago ang lahat at narito ako ngayon kasama s’ya.   Huminto kami sa D’ Grills and Café, hindi kalayuan sa MU. Ang labas palang nito ay maganda na, napukaw nito ang atensyon ko, lalo na noong makita ko ang mga nakahilerang kubo sa labas. Hindi ito gaya ng pangkaraniwang mga Café, ang dami ring nakapalibot na mumunting ilaw sa loob ng mga kubo. Tamang-tama rin ang ayos nito dahil hindi gaanong magkakalapit at magkakadikit. Kung kaya hindi maiistorbo ang mga taong naririto. At perpekto ang lugar para sa mga mag-aaral at gusto talaga ng tahimik at payapa. “Wow! Ang ganda naman dito.” Hindi ko naitago ang pagkamangha sa lugar. Inikot ko pa ang paningin para tingnan ang kabuuan. Alec moved his gaze when he heard me talk. He's staring at me intently.“Maganda nga,” “Ha?” Hindi ko gaanong narinig ang sinabi n’ya. He looked away and talked again. “Do you like the place? Akala ko naman ay pamilyar ka na rito.” He laughed a bit. “Hindi naman ako gala gaya mo ‘no.” Inaya lang ako nito sa gitnang kubo kung saan bakante  at walang tao. “Wala kang proof, Xia ha. Let’s eat first. What do you want?” “Sasama akong mag-order. We can pay half-half.” “You don’t have to, pero sige, kung iyon ang gusto mo. Let’s go" Umorder lang kami ng pagkain. I ordered  burger steak and fries, while him, he ordered pizza and lasagna. Paborito n’ya raw ito. Magkatabi kaming dalawa sa kahoy na upuan sa loob ng kubo. Bago kami magsimulang kumain ay kinuha pa nito ang utensils ko at pinunasan ng tissue. I'm just observing everything he is doing. He’s really caring. I appreciate all of his small gestures. Pinagmamasdan ko lang s’ya habang ginagawa n’ya iyon.   “What?” Nahuli akong nakatingin nito sa kanya. “Wala, kumain na tayo.”  Mahinang sabi ko at umiiling-iling pa. Payapa lang kaming dalawa noong kumakain. Nang oras na natapos kami ay iniayos lang ng staff ng Café ang lamesa namin at inalis ang mga pinagkainan. “Magreview ka na, narito lang ako. ‘Wag mo akong intindihin.” Sabi ko sa kanya. “Alright, if you need anything, kalabitin mo lang ako.” Tumango lang ako sa kanya. Nakita kong inilabas nito ang pen holders n’ya kung saan naroon ang mga highlighters. Ang organisado n’ya masyado. Nakakatuwa dahil bihira lang sa mga lalaki ang ganoon. Nakita ko ring inilabas n’ya ang isang makapal na libro. Iyon siguro ang babasahin n'ya. Ako ang nalula para kay Alec. Hindi ko na s’ya pinakielamanan at hinayaan ko na s’yang magfocus sa pagbabasa. Tumayo ako sandali para bumuli ng dalawang Caramel Macchiato para sa amin nang sa gayon ay hindi s’ya antukin. Inilapag ko ang kape sa lamesa, malayo sa mga papel n’ya. Nag-angat ito ng tingin sa’kin. “Here, coffee.” Ngumiti lang ito sa akin at nagpasalamat. Itinuloy na rin nito ang pagbabasa at paminsan-minsan ay tumitingin sa akin. Inilabas ko na lang din ang mga revised paper na ipinasa sa akin ng mga kaklase ko para may ginagawa rin ako. Nakakahiya naman kay Alec na sobrang sipag dito na nag-aaral.   Isang oras mahigit akong nakaharap sa mga papel. Mabilis ko lang din ichineck ang mga ito. Samantala si Alec naman ay abala pa rin sa pagkakabisa at pagha-highlight sa makapal n’yang libro. Sa sobrang focus ‘ata nito ay kahit umalis ako sa tabi n’ya ay hindi na  n’ya mamamalayan.   Nang wala na akong maisip na gawin ay isinandal ko na lang ang ulo sa ibabaw ng mesa. Inilipat ko ang atensiyon ko kay Alec. Inoobserbahan at pinapanood ko lang ito, nakikita ko ang paggalaw ng kanyang mga mata. Ang pagkunot ng kanyang noo at ang bahagyang pagbuka ng kanyang mapupulang mga labi. Ang guwapo nito ngayon sa harap ko kahit na nagbabasa lang naman ito. I didn’t noticed that I stared at him for a long time. Seeing him studying seriously, It’s really visible that, he’s really passionate with this field. This is one of the reasons why I am amazed to him. Lumingon ito sa akin, napaigtad pa ako sa biglaan n’yang pagtingin. Nahuli n’ya ang mga mata kong seryosong nakatitig sa kanya. “Inaantok ka na ba?” Sa kabila ng malalim nitong boses ay naroon pa rin ang kalmadong tono n’ya ng tanungin ako. “ Mas lalo tuloy akong hinihila ng antok. Saktong nagtanong ito sa akin ay ‘di ko napigilang maghikab. Nang makita n’ya ako ay mukhang alam na n’ya ang sagot sa sarili n’yang tanong.   Para akong napaso nang hawakan n’ya ang mukha ko at maingat itong ini-angat. Naguluhan pa ako noong una sa ginawa n’ya.  Nilagay n’ya ang kaliwang kamay sa mesa at inalalayan ang ulo ko para gawing itong unan.   I’m a bit surprised to what just happened. ‘Di ako agad na nakapagsalita. “Komportable ka na ba? I’ll finish this one, then we’ll go home.”   Para akong batang nakatingin sa kanya at tumango-tango habang nakaunan ang ulo ko sa kamay n’ya. Alam kong mahihirapan ito dahil ang isa n’yang kamay ay nasa akin at ang isa naman ay hawak ang libro. Pero mukhang hindi naman n’ya ito iniinda at patuloy pa rin sa pagbabasa. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, ang kaninang antok ay napalitan ng kakaibang pakiramdam. Ang puso ko ay naghuhurumintado. Ito 'ata ang tinatawag nilang kilig.  Pumikit na lang ako’t sinusubukang I-kalma ang sarili habang nararamdaman ang malambot n’yang palad sa aking mukha.  In this moment, because of him, I feel myself in the cloud nine.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD