PALAGI

2328 Words
CHAPTER 19   Gulat at pagkabigla ang tanging reaksyon ko ngayon. Hindi ko naman inaasahang mauuna pa s’ya sa akin at pupuntahan n’ya talaga ako rito . ‘Di ko maitago ang pananabik ngayong makita s’ya. Ngunit, gaano ko man subukang maging masaya ng buo ay hindi maalis sa aking isipan ang pangyayaring naganap sa akin kanina at hindi ko rin matabunan ang pagkabahala sa naging pag-uusap namin ni mommy. Nakatingin na ngayon si Alec sa amin ni Gail at hinihintay ang paglapit namin. Malayo pa lang kanina ay ramdam ko na ang paninitig nito. Abala naman sila kuya Kier sa mga kausap n’yang mga blockmates kong kakilala rin nila. Nang makalapit na kami sa tapat ng room kung saan naroon din sila Alec ay mas bumilis ang kabog ng dibdib ko. Parang kagabi lang naman ay kasa-kasama ko ito, pero bakit parang ito pa rin ang unang beses dahil sa nagiging reaksyon ko. Hindi ko maiwasang mailang dahil nakatingin ang iba sa aming dalawa ng lapitan ako ni Alec. Si Gail ay iniwan na ako at lumapit sa pinsan n’yang mayroong kausap. “Nauna ka pa rito sa akin, tinitingnan kita sa building n’yo. Doon ako dumaan ngayon e.” Pagsisimula kong magsalita. Mahina lang ang boses ko at sinisigurado kong s’ya lang ang nakakarinig. Mukhang hindi nito inintindi ang sinasabi ko dahil tutok na tutok lang ang atensyon nito sa mukha ko. Animo ay pinag-aaralan ang bawat parte nito. “I told you, pupuntahan na lang kita,” mahinahon nitong sabi. Hindi ko alam dahil para kaming tangang nagbubulungan ngayon. Nararamdaman ko kasi ang iilang mga matang nakadapo sa amin.  Iniabot ko sa kanya ang dalang paperbag. “Here’s your food. Kainin mo bago kayo mag-start. Mayroong juice r’yan, ingatan mo at baka tumapon.” Paalala ko pa sa kanya. Wala ang atensyon nito sa sinasabi ko at matiim lang ako nitong pinagmamasdan. “Alec..”  Pagkuha ko sa atensyon n’ya. Hindi kasi nito tinatanggap ang inaabot ko. ‘Di ko alam kung mayroon ba itong iniisip  at parang wala s’ya sa wisyo. “What’s our problem? Are you okay?” Bakas sa tono ng boses n’ya ang pag-aalala. Paano naman kayang pumasok sa isip n’ya na hindi ako maayos? Paano n’ya kayang napuna na mayroong bumabagabag sa akin  sa pamamagitan lang ng pagtingin n’ya sa akin ngayon? “Your aura seems off and different today. I sense something’s bugging you. What is it?” He is looking at my eyes intently. Hindi pa rin ako kumikibo sa kanya, nag-iisip ako kung dapat ko pa bang ibahagi ‘yon sa kanya o hindi na lang. Namangha lang akong... Sa pamamagitan lang ng  pagtingin n’ya sa akin ay naramdaman n’yang may mali at kakaiba... Nalipat ang atensyon ko kay Gail noong lumapit ito at bumulong. “Nakita ko na si sir sa baba, papanhik na halika na sa loob, magpaalam ka na kay Alec.” Tumango lang ako rito, matapos nitong magsalita ay tumalikod na. Pumapasok na rin ang mga kaklase ko sa loob. Nakita kong tiningnan ni Alec ang mga kaklase kong unti-unti ng nauubos dahil nasa loob na ng room. Nakuha naman n’ya agad ang ibig sabihin nito. Ibinalik nito ang tingin sa’kin. “Xia, we’ll talk about it, later. You can tell me anything.” I saw his small smile, trying to assure me. “D-don’t worry about me. I feel better now...” Hindi ko napigilang mautal, masyado akong nakalutang sa emosyon dahil sa sinabi n’ya. Sapat na ang presensiya n’ya para masabi kong kahit papaano ay maayos na ‘ko. “Thank you for my breakfast today, Xia, even though I don’t used of eating in the morning, I’ll try because you made it for me. I know this taste good.” I also gave him a smile, natuwa ako nang marinig ang sinabi n’ya, isa pa ay ayaw ko namang mabahala rin s’ya sa akin dahil may exam pa ito. “Welcome, Alec.” Kung malapit na kaming dalawa kanina ay mas lalo pang s’yang lumapit. Nilagay nito ang kanang kamay sa akin at iniayos ang buhok kong bahagyang tumatabing sa mukha. “I need to go. Please get better, turtle.” Lumakad na ito palayo. I waved my hand a bit to say ‘bye.’ Tinitingnan ko ito maglakad palayo. Hinintay ko pa itong mawala sa aking paningin. “I feel better because of you, Penguin. Thank you.”   Pumasok na ako sa loob ng room. ‘Di ako nakatakas sa mga mata nilang mapang-asar. Halos lahat kasi ng mga kaklase ko’y nakaabang at nakatingin sa’kin sa labas kanina. Mga kuryoso at nakiki-usyoso. Nang bumaling ako sa kanila ay  umakto silang mga abala sila sa mga ginagawa. Ang bestfriend ko namang si Gail ay naghihintay sa upuan ko at nakataas pa ang kilay. Ang ganitong itsura n’ya ay nagde-demand ng kuwento mula sa akin. “Anong nangyari sa’yo? Bakit parang nag-aalala ‘ata si Alec?” “Gail, hindi ko alam kung paano n’yang nahalatang may iniisip ako kanina. Basta nakatingin lang s’ya sa’kin tapos nung iniaabot ko na ‘yong inihanda ko sa kanya bigla n’yang tinanong kung ano raw ang problema. Hindi ako nakasagot agad kasi masyado akong na-amaze kung paano n’yang naramdaman e, wala naman akong sinasabi pa tungkol doon.” “Hindi ka ganoon kadaling tantyahin, pero mukhang sa sandaling panahon na nakasama ka n’ya. Mukhang  agaran ka n’yang nakabisado, saulo na n’ya kung mayroong mali sa’yo, bestie. Gusto kong isiping kakaiba na ‘yan. Nakakahalata na rin ako sa’yo. Iba na ‘yang mga kilos at reaksyon mo.” Napaisip ako sa sinabi nito, ang kaninang bumabagabag sa’kin ay nadagdagan pa ng panibago. Naputol ang pag-uusap namin nang tumayo ang class beadle namin sa harapan. Ibinilin nitong mayroong  kaming reporting sa Media Management, ngayon kami nito sinabihang magpulong. ‘Di naman raw pala papanhik dito ‘yong Professor namin at sa Language Hall pala pupunta dahil mayroong aasikasuhin. Masayang masaya mga matured kong kaklase dahil wala kaming Prof. Nilapit agad ni Gail ang upuan n’ya sa akin at muli akong dinaldal. “Gusto mo ba?” Tanong nito. “Ang alin ang gusto ko?” takang tanong ko sa kanya. Magtatanong naman kasi ay hindi pa kinukumpleto. “Si Alec. Napapansin ko kasing napapadalas na rin ‘yang pagngiti-ngiti mo. Iniisip kong baka nga baliw ka na rin.” Nagsusulat ako habang kung anu-ano ang sinasabi n’ya. Nakikinig ako sa kanya. Pero sa katotohanan ay nag-iisip din ako. Gusto ko nga ba talaga si Alec? Nagkakaroon naman din ako ng mga gusto dati, pero masasabi kong magkaibang-magkaiba ito. Nagkakaroon na  rin ako ng mga hinahangaan noon, gaya na lamang nang kay Xander. Pero kahit  ako mismo sa sarili ko ay alam kong hindi naman iyon ganoon kalalim at seryoso. Pero ngayon kay Alec ay kakaiba. Ang unang naging pagkikita nga naming dalawa ay tandang-tanda ko pa, lahat ng mga payo at paalala n’ya ay pinapaulit-ulit ko pa sa sarili. Sa una rin naming pagkikita ay nakapag-kuwento na agad ako sa kanya ng mga  personal na bagay tungkol sa’kin, ganoon na lamang ako ka-komportable kasama s’ya, pati na rin ang pakiramdam na sa tuwing kasama s’ya ay ligtas ako at walang puwang ang mga takot at pangamba. “Paano kung gusto ko pala s’ya?,” bulong ko kay Gail. Iniikot nito ang mata, umirap. “Ano naman? Wala namang masama, edi gusto mo, may kailangan ka ba dapat na gawin?” “Kaya nga nagtatanong ako sa’yo diba? Hindi pamilyar itong pakiramdam na ‘to Gail. Hindi ko masabing basta lang akong humahanga sa kanya.” “Halata naman ngang may gusto ka sa kanya. Sa higpit pa lang ng pagkakahawak mo sa kamay n’ya kagabi habang tulog ka. Sure na sure na ‘ko.” Malawak na ang ngiti nito ngayon sa’kin. “Hoy, Gail! Paano mo bang nalalaman? Stalker ba kita?” Mahina akong sinabunutan nito. “Nakita ko sa story ni Alec kagabi. Tulog ka, nakaunan ka sa kamay n’ya tapos nakakakapit ka pa sa braso n’ya. Napakaharot mo.” Napatakip pa ako sa bibig ko dahil sa gulat. Hindi ko alam na kinuhanan n’ya ako ng litrato habang tulog kagabi. “Totoo ba ‘yon, Gail? Bakit hindi ko nakita? Nakakahiya naman, ano ba ‘yan!” Bakit pa nga ba ako magtatakang hindi ko nakita, e, natulog na ako agad nang oras na makauwi ay hindi na ako bumisita at nagbukas pa ng i********:. “Oo nga, ang caption pa nga n’ya ‘Sssshh, this turtle is sleeping’ iyon lang nga ang sinabi pero kinilig din ako nang mabasa ko.” ‘Di ko alam kung totoo ba talaga iyon pero kinilig ako sa sinabi n’ya. Ayaw ko naman ipahalata dito sa kaharap ko kasi mas lalo lang ako nitong aasarin. Ayaw ko pang kumpirmahin kung gusto ko ba talaga si Alec, baka kasi nalilito lang ako. Baka nagkakamali lang ako. Dahil sa oras na aminin ko ‘yon sa sarili, alam kong wala na rin akong magagawa para iwasan pa ang nararamdaman. Narinig kong muling nagsalita si Gail. “Give yourself time to figure out your feelings, Elyxia. First time mo kasi ‘to no? Hirap talaga kapag ‘di pa nagkaka-boyfriend e. Ignorante sa ganyang mga pagkakataon.” Pangaral pa nito. Akala mo naman kung sinong Love Guru ‘tong si Gail, e s’ya nga rin ay hindi pa naman nagkakaroon ng nobyo. “Tatandaan ko ‘yang mga paalala mo, Master Gail.” Nakangisi kong sabi sa kanya. Nagpatuloy lang kami sa kani-kaniya naming ginagawa. Umalis na rin si Gail sa aking harapan at pumunta na sa mga ka-grupo n’ya. Wala ako sa wisyo dahil sa mga iniisip ko, pero sinubukan ko pa ring mag-focus. Masyadong okupado ang isipan ko at dahil iyon kay Alec. Baka nga nasasamid na ito ngayon dahil kanina ko pa s’ya naaalala. Dumating na ang oras ng uwian namin. Nakita kong nakaabang sa akin si Alec sa hallway, kung saan sila naroon nila kuya Kier kanina. Mag-isa lang ito ngayon at wala s’yang kasama. Nang makita ako nito ay agad itong lumapit.  Nagtama ang mga mata naming dalawa. “Kumusta ‘yong exam mo?” Bungad kong tanong dito. “Maayos naman, nasagutan ko naman lahat. I guess, I did well.” Sa totoo lang ay nagtataka ako kung saan kami papunta, ‘di ko alam kung bakit pinuntahan n’ya pa ako ngayon. “For sure you did great, Alec!” “I hope so, how about you, how are you feeling right now?” tahimik lang din ito at animo ay tinatantya ang reaksyon ko. “Do you have any plans after this? I can accompany you.” dagdag pa n’ya. “Saan naman tayo pupunta? Kung saan-saan mo ako inaaya, mayroon ka pa ulit exam bukas.” “I’m curious about what happened. Kaya I-kuwento mo sa akin, makikinig ako.” Gusto ko ring sabihin sa kanya lahat ng naiisip ko. Nakakagaan kasing magkuwento sa kanya. Alam kong nakikinig s’ya at interesado s’ya sa mga sinasabi ko. “Gusto mo ba ng ice cream o kaya chocolate? Tara,bili tayo.” Mukhang alam ko na ang isa pa sa mga kakayahan ni Alec. Ang mabasa ang nasa isip ko. Comfort food ko ang mga sinabi nito. Agad akong pumayag. Lumabas kami ng Unibersidad at napagpasyahang maglakad na lang pagpunta sa bilihan ng Ice cream. Sumang-ayon naman ito sa gusto ko. Naglalakad kaming dalawa at nasa tabing kalsada ako. Malalaking sasakyan ang dumadaan. “Dito ka nga, Xia.” Hinawakan nito ang balikat ko at iginaya ako sa kabilang side n’ya. Sa mga simpleng ginagawa n’ya ay hindi ko mapigilang lihim na kiligin. He is really a gentleman. Nagsimula akong magkuwento sa kanya. Nakayuko lang ako at nakatingin sa dinadaanan. “Kaninang umaga, nagtalo kami ni Mommy. Nagtext s’ya sa’kin. Usual message n’ya, malapit na kasi Issuance of Card ‘di ba? Hindi ko lang mapigilang malungkot. Ang dami na n’yang sermon at mga paalala sa’kin. ‘Di n’ya nga ako nakumusta manlang,” tumahimik ako sandali at muling nagpatuloy “I envy those people who have the chance to feel their parents love and support.” I sighed. Ngumiti ako at sinalubong ang tingin n’ya. I saw how his reaction changed when he hear about what I said. The sadness is also visible in his eyes. “I’m sorry you have to feel that turtle.” “Don’t say sorry. I’m getting used to it, Alec.” “I know you’ll belong to the honor list, Xia, it is because of your hard work and effort. Kaya ‘wag ka mag-isip ng hindi maganda ha? Let your parents see how much you are trying to be the best as you can. Just atleast look at the brighter side.” Gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko dahil sa  sinabi n’ya sa’kin, ganunpaman, di ko pa rin napigilang mag-isip ng negatibo.“I don’t think they’ll appreciate it.” “Hindi mo ‘yan sure, Xia. Don’t be too harsh, ako proud ako sa’yo. Puwede na ba ‘yon?” “Sobra pa nga e.” Nagulat ako ng lumabas iyon sa bibig ko. Basta talaga kasama at kausap ko si Alec ay hindi ko na nagagawang isipin ang mga sasabihin ko. Nang marinig ang sinabi ko ay ngiting-ngiti pa ito. Nakarating na kami sa DQ, bumili lang kaming dalawa ng Oreo blizzard. Pareho pala namin itong paborito. “Gaya-gaya ng favorite.” “Hindi kita ginaya Xia ha! Kumain ka na r’yan,” depensa nito sa sarili. Tahimik lang kaming magkatabi sa upuan, kumakain ng Ice cream. “Penguin?” Tawag ko sa kanya. Lumingon naman ito agad sa’kin, nagtataka. “Bakit, turtle?” seryoso namang tugon nito. “Thank you kasi sinamahan mo ‘ko.” Kumuha ito ng tissue sa harap ng mesa namin. Nilapit nito ang tissue sa akin at pinunasan ang gilid ng labi ko. “Palagi kitang sasamahan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD