CAROLINE Nagkatinginan kami ni Alexander. Ano raw? Personal doctor ko siya? Hindi makapaniwalang bumaling ako kay Elexir na nakangiti na ngayon. Pinagmasdan ko siya pero wala naman akong makita na kakaiba o masamang motibo. Para ngang proud pa siya sa sinabi niya. Naguguluhan lang ako dahil sa biglaan niyang pagdeklara na siya ang personal doctor ko. Kailan pa? Eh, hindi ko naman ’yan kailangan. Magsasayang lang siya ng oras sa akin lalo na’t wala namang dapat i-check sa katawan ko. “Teka, sir, parang hindi ho tayo nagkakaintindihan,” wika ko nang may pag-aalangan. “Hindi ko naman ho—” Biglang nagsalita si Alexander kaya ako natigilan. “I see. Well, I guess I have no choice but to leave,” napipilitang sambit nito na para bang nadismaya dahil sa sinabi ng kapatid. Lumapit muna

