VI - Nicole

1265 Words
NAGULAT si Sam nang makita siya sa labas ng classroom nito, ganunpaman ay kaagad siya nitong nilapitan. "Pasensya ka na sa inasal ng Dad ko when you met last week," kaagad niyang sabi. Ngumiti ito. "No worries, I understand." Saglit silang tumahimik at nagtitigan. Pagkaraan ay bumuntong-hininga siya. "Sam, gusto ko lang itanong…" binitin niya ang sasabihin nang makita ang cheerleader na si Jamie kasama ang mga kaibigan nito. Napansin din ni Sam ang mga ito. "Let's not talk about it here." Iginiya siya nito palayo roon. Dinala siya nito sa maliit na parke na naroon mismo sa loob ng university. Magkatabi silang naupo sa bench chair na nasa ilalim ng punong mangga. "What do you wanna ask again?" Tiningnan niya ito sandali at iniisip kung tama ba ang gagawin niya. "Do you really love me, Sam?" sa huli'y lakas-loob na tanong niya rito. Saglit itong natigilan habang nakatitig sa kaniya at kapagkuwa'y matamis na napangiti. "Yes, I do. Mahal kita, Amber, sobra," wika nito na bakas sa tono ang excitement sa tinatakbo ng kanilang usapan. "Kung ganoon, itanan mo na ako. Kahit saan mo ako dalhin sasama ako sa 'yo." Natigilan ito sandali matapos marinig ang sinabi niya. "Are you...being serious, Amber?" paniniyak nito, seryoso. Tinitigan niya ito ng diretso. "Seryoso ako, Sam." Saglit itong hindi nakakibo, kapagkuwan ay ngumiti. "Mahal kita, Amber, pero ayaw kong masira nang tuluyan ang tingin ng Dad mo sa akin." Napakunot ang noo niya. "Kung mahal mo ako, ako ang iisipin mo at hindi ang Dad ko," aniya. Napailing ito. "I'm sorry, Amber, pero—" naputol ang sasabihin nito nang tumayo siya at lumakad palayo rito. "Amber!" tawag nito subalit hindi na niya pinansin. Wala silang kamalay-malay na palihim silang sinundan ni Jamie at narinig nito ang kanilang pinag-usapan. ••• NAPILITAN si Xin na sunduin si Amber kinabukasan. Kapwa sila nakasimangot nang makasakay at magkatabing naupo sa backseat dahil sa unahan ay naroon ang personal driver ng kaniyang ama at isang bodyguard na alam niyang itinalaga ng ama para mabantayan silang dalawa at matiyak na walang i-eskapo sa kanila. "Puwede bang itigil mo na ang pag-arte at ipakita na lang sa akin na masaya ka dahil mangyayari ang gusto mo?" inis na wika niya kay Amber. Kasalukuyang tumatakbo na noon ang kotseng lulan nila. "Excuse me, sinasabi mo bang umaarte lang ako and I really want to marry you?" mataray na tanong nito sa kaniya, nakatikwas pa ang kaliwang kilay. "Bakit, hindi ba? You conspired with my Dad for your own interest, right? Na-in love ka ba nang malasahan mo ang labi ko?" nanunuya na tanong niya sa dalaga. Wala na siyang pakialam kahit na may iba pang nakakarinig sa mga pinagsasasabi niya. Matalim ang naging tingin nito sa kaniya. "Kung gusto mong patunayan sa akin na mali ako, make a way para hindi mangyari ang kasal. Tumakas ka at magpakalayo-layo. Kailangan mo ng pera? Sige, susuportahan kita. Basta h'wag ka lang magpapakita sa kanila hanggang hindi nagbabago ang isip ng ating mga ama," hamon at suhestiyon niya kay Amber. "Una, hindi ko kailangan ng pera mo. Ikalawa, bakit ako? Bakit hindi ikaw? You’re at that perfect stage in life where you’re ready to spread your wings and embrace independence away from your parents," nananalakay ang tono nito. Natigilan siya at hindi nakapagsalita. Parang suntok sa mukha niya ang mga sinabi nito. "Papa's boy ka, noh? Hindi mo kayang umalis sa pantalon ng iyong ama," nanunuya pang dagdag nito. Napatiim-bagang siya ngunit hindi na siya nagsalita pa ganoon din ito hanggang sa huminto ang sasakyan sa kanilang patutunguhan. "Nandito na po tayo," anunsyo ng driver sa kanila. Napatingin siya sa labas ng sasakyan at napakunot ang noo habang tinitingnan ang tila ordinaryong bridal shop na naroon. Ganoon pa man ay napilitan siyang bumaba at hindi nag-abalang lumigid sa sasakyan upang ipagbukas ng pintuan si Amber. Hinayaan niya itong gawin nito iyon sa sarili. Nang kapwa na sila makababa ay nauna na siyang pumasok sa bridal shop habang ang dalaga ay matalim ang tinging nakasunod sa kaniyang likuran. Kaagad silang sinalubong ng isang magandang babae roon at ini-assist sila matapos tiyakin kung sila ba ang inaasahan nito sa mga oras na iyon. Iginala niya ang paningin sa loob ng bridal shop at nakita niya ang magagandang wedding dresses pero natitiyak niya na hindi ganoon kamahal ang halaga ng mga iyon. Hindi naman mukhang high class ang bridal shop na ito para sa kaniya. Ano kayang pinaplano ng kanilang mga ama? Bakit parang hindi naman engrandeng kasal ang inihahanda ng mga ito para sa kanila ni Amber? Tinulungan ng designer si Amber upang pumili ng wedding gown habang nakamasid lang siya. "Wala akong mapili," matabang na sabi ng dalaga at naka-dark mode ang anyo na sinulyapan siya. "Kung wala kang mapiling design p'wede kitang sukatan para—" "No need," putol niya sa designer sabay lapit kay Amber. "Pipili siya sa mga wedding dresses na naka-display rito mismo." Napatingin si Amber sa kaniya kaya nagkatitigan sila. "Mukhang nagmamadali ang groom mo, may laman na siguro ano?" nakangiting biro ng designer kay Amber. Nakita niya ang pagbuka ng bibig ni Amber at tahimik na binigkas sa hangin ang salitang, yuck! Grabe itong maka-yuck sa kaniya. Bakit kaya hindi siya nito tanungin kung gusto ba niyang i-punla ang sperm cells niya sa puson nito? The answer is a big NO, so, yuck din ito sa kaniya. 'Yuck ka rin!' inis na sabi niya sa kaniyang isip at nang-iinsultong hinagod ng tingin ang kabuuan ng dalaga. Nagsukatan sila ng tingin ni Amber bago kapwa paismid na umiwas ng tingin sa isa't isa. ••• MABILIS na gumulong ang mga araw at heto, ito na ngayon ang araw ng kanilang kasal. Inihinto ni Xin ang kaniyang sasakyan nang makita ang kotse ni Nicole sa labas ng garahe nito at tila paalis pa lang. Kaagad siyang bumaba at lumakad palapit doon. Huminto ang sasakyan nito at kaagad ding bumukas ang pinto sa driver seat, bumaba roon si Nicole. Hinagod siya nito ng tingin habang maluwang ang ngiti. "Today is your wedding. Why are you here?" tanong nito saka tumingin sa kaniyang mukha. "Baka ma-late ka." Ngumiti siya pero hindi umabot sa mga mata. "Gusto lang kitang makita bago ako dumiretso sa simbahan para sa kasal ko," walang gatol na sabi niya rito. Lumapit ito sa kaniya at inayos ang lapel ng wedding suit niya. "You look so handsome in your wedding suit, Xin," wika nito na bahagyang sumeryoso at nagkaroon ng lungkot ang kislap ng mga mata. "Sayang lang at hindi ako makaka-attend sa wedding mo. Alam mo naman na hindi ako p'wede sa pagkakataong ito." Hindi siya nagsalita at nanatili lang nakatitig dito, sa maganda nitong mukha. "Simula sa araw na ito magbabago na lahat sa buhay mo, Xin," wika pa nito na bahagya pang naluha pero kaagad ding ngumiti. "I wish you all the best," paanas na sabi nito habang hinahagod ng maamong tingin ang guwapo niyang mukha. Nang pumirme ang paningin nito sa mga mata niya ay nagkatitigan sila, subalit sandali lang dahil kumilos ito at tumalikod. "Nicole!" tawag niya rito at akmang pipigilan ito. "Sige na, Xin, hindi ka p'wedeng ma-late sa kasal mo." Huminto ito sa tabi ng kotse nito at tumingin sa kaniya, manipis na ngumiti bago binuksan ang car door at sumakay nang tuluyan sa kotse. Wala siyang nagawa kun'di ihatid ng tanaw ang papalayo nitong sasakyan at nang mawala na iyon sa paningin niya ay mabigat ang loob na kumilos na rin siya pabalik sa kaniyang kotse upang magtungo na sa simbahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD