TUMAKBO si Amber patungo sa kaniyang silid at nag-lock ng pinto. Padapa niyang ibinagsak ang sarili sa kama at doon ay pinakawalan ang mga luhang kanina pa gustong maglandas matapos marinig ang takbo ng usapan tungkol sa pagpapakasal niya sa Carl Xin na iyon. Pakiwari niya ay gumuho ang kaniyang mundo.
Nasa ganiyang ayos siya nang marinig ang mga katok sa pintuan ng kaniyang silid.
"Amber, let's talk," boses iyon ng kaniyang ama.
"Leave me alone!" sigaw niya at hindi nag-abalang pagbuksan ito.
"Amber, honey, si Mommy ito, kausapin mo ako," pagkaraan ng ilang sandali ay narinig naman niyang sabi ng kaniyang ina.
Hindi siya nagsalita o kumilos upang pagbuksan ito bagkus ay ipinagpatuloy ang pag-iyak habang yakap ang malambot na unan.
•••
INIHIMPIL ng driver ng kaniyang ama ang kotse sa tapat ng bahay niya. Kaagad siyang bumaba roon ganoon din ang Dad niya.
"Hindi mo p'wedeng balewalain 'yon, Xin. Nakapag-usap na kami kaya hindi mo ako p'wedeng ipahiya," mariing sabi nito.
"I don't care what you're on about o kung anuman ang mga pinanghahawakan mo sa mga pagdi-desisyon mo, but this is my life so let me decide for it, Dad. Leave my life alone!" madiriing sabi naman niya.
"Kung hindi ako makikialam sa buhay mo hindi ka magkakaroon ng good future. You'll just be like rubbish that is worthless and annoying to others!" nanggagalaiting sabi nito sa kaniya sa pigil na paraan.
Napailing siya matapos marinig ang mga sinabi nito. "And do you think kung anong iisipin ng mga taong nakapaligid sa 'kin kung susundin ko ang gusto mo, Dad? Isa akong cradle snatcher, sugar daddy, pedophile, child molester and many so on dahil masyado s'yang bata para sa 'kin. Mapapahiya ako, iyon ba ang gusto mo?!" Humugot siya ng malalim at marahas na hininga matapos sabihin iyan upang paluwagin ang naninikip niyang dibdib dahil sa galit.
Matalim ang tinging ipinukol nito sa kaniya at hindi nagawang magsalita.
"Hindi mo puwedeng i-manipulate ang buhay ko, at hindi ako papayag na gawin mo 'yon sa akin, Dad," mariin pero napaluhang sabi pa niya sa ama.
"You have everything because of me, Xin, at kaya kong bawiin lahat nang 'yon if you disobeyed me!" Dinuro siya nito. "And don't force me to make a decision that you'll live to regret for the rest of your life. Tatapusin ko ang kahibangan mo and I'll start it here, at alam mo kung ano pang kaya kong gawin kung sakaling magmamatigas ka pa rin. I can—"
"Enough!" pabulyaw na putol niya rito. "It is blackmail!" mariing sabi niya saka hinila ang kurbata upang luwagan iyon. "I hate you, Dad!" Tinalikuran niya ito at mabilis na lumakad papasok sa gate ng kaniyang bahay.
Naiwan itong inihahatid siya ng matalim na tingin.
Nang makapasok siya sa loob ng bahay ay hindi niya pinansin ang sumalubong na kasambahay na si Nanay Ynes. Kaagad siyang dumiretso sa kaniyang silid at tinawagan ang mobile number ng ina niya. Ilang sandali rin iyong nag-ring bago ito sumagot.
"Mom? Do you have anything to do para pigilan si Dad sa pakikialam niya sa buhay ko?" kaagad niyang tanong matapos marinig na sinagot nito ang tawag niya.
Hindi siya aware sa panginginig ng kaniyang boses pati na rin ng buo niyang katawan dahil sa galit.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong nito na tila walang alam sa nangyayari.
"Dad is trying to get me to marry a girl—a young woman who is thirteen years younger than me," sabi niya. "Don't you know about that?" tanong pa niya upang matiyak na wala nga talaga itong alam.
"Xin," tawag nito sa kaniya. "Just calm down, naririnig ko sa boses mo ang panginginig," wika nito.
Saglit siyang tumahimik upang subukang kalmahin ang kaniyang sarili. Bumunot siya ng malalim na buntong-hininga.
"I honestly know nothing," kapagkuwan ay wika nito.
Kung ganoon ay wala nga itong alam sa mga plano ng kaniyang ama tungkol sa buhay niya.
"Mom, tinanggap ko na kinalimutan niya ako bilang kaniyang anak at tinarato na parang ibang tao, pero 'yong ginawa niya sa akin ngayon hindi ko yata kayang tanggapin. I feel like I'd be disgusted for the rest of my life if I forced myself to do what he wants," madamdaming sabi niya.
Hindi ito nagsalita pero narinig niya ang malalim na pagbuntong-hininga.
"Mom!?" tawag niya rito.
"I understand you, hijo, hayaan mo at kakausapin ko ang Dad mo."
"Mom, please, convince Dad para magbago ang kaniyang isip," pakiusap niya at hindi napigil ang mapaluha, walang paalam na tinapos niya ang tawag.
Sa kabila ng mga naging pagtrato sa kaniya ng ama sa loob ng ilang taon ay hindi niya nagawang lumayo. Ewan ba niya pero pakiwari niya ay hindi siya mabubuhay ng matiwasay kung wala ito sa kaniyang likuran. At heto, parang wala siyang kakayahang suwayin ito kahit pa nga nakipag-verbal siya rito at ipinakita na nagmamatigas siya, pero sa kabila niyon ay wala naman talaga siyang kakayahang suwayin ito maliban lang sa isang bagay na tiyak iyon ang dahilan kung bakit nagkakaganito ito ngayon.
Napatingin siya sa cellphone na hawak at ida-dial sana ang number ng kaniyang bestfriend pero naisip din niya kaagad na mas maganda kung sasabihin niya rito ang tungkol sa bagay na iyon na magkaharap sila.
•••
DUMAAN ang isang linggo na hindi mapanatag ang kalooban ni Carl Xin, lalo na nang makausap ang kaniyang ina at sinabing hindi nito nagawang makumbinsi ang ama niya.
Naging mainitin tuloy ang kaniyang ulo sa kahit na sinong makaharap niya.
Nasa opisina siya at aburido habang nakaharap sa kaniyang laptop.
Narinig niya ang mga katok sa pintuan ng kaniyang opisina pero hindi siya nag-abalang magtaas ng tingin upang alamin kung sino iyon.
"Have a wonderful day," tila nakakalokong bati sa kaniya ng Dad niya.
Kaagad na nagsalubong ang kaniyang mga kilay dahil sa inis, hindi siya nagpabalat-bungang batiin din ito.
Naupo ito sa couch na naroon habang nakatingin sa kaniya. "Bukas ay hindi mo kailangang pumasok sa trabaho. Kailangan na ninyong asikasuhin ang lahat ng kakailanganin sa kasal ninyo ni Amber," pantay na sabi nito.
Natigilan siya sa pagtipa sa keyboard ng laptop at buhat sa display screen niyon ay dinala niya ang tingin dito.
"What do I have to do just to change your mind?" bagkus ay tanong niya imbes na tanungin ito tungkol sa sinabi nito.
Tinitigan siya nito. "Hindi mo na kailangan itanong, because you know my answer is," kalmadong sabi nito na sinundan ng pagtayo.
Hindi niya inalis ang tingin sa kinauupuan nito kanina at nanatiling nakatitig doon.
"Nag-set na ako ng appointment sa wedding gown designer para bukas ng umaga. Sunduin mo si Amber exactly eight o'clock in the morning," wika nito saka tumalikod.
Sinundan niya ito ng tingin habang ang mga mata ay puno ng magkahalong hinanakit at galit.