IV - The decision

1472 Words
"ANO ba'ng nangyari sa 'yo?" sita ni Andrew sa asawa. Sinundan niya ito sa bathroom na kanugnog lang ng kanilang master bedroom suite nila. "Hindi mo ba narinig? Thirty-five year old na ang lalaking 'yon, twenty-one pa lang ang ating anak," naiiyak na sabi nito. "He may be older, but he looks young for his age and is undeniably handsome. Hindi alangan isabay ng ating anak sa daan o kahit saan kapag kinasal na sila." "Hibang ka na talaga. Hindi ba sumagi sa isip mo? Matutulog sila sa iisang silid at…" Hindi nito nabigkas ang gustong sabihin dahil napaiyak na ito. "Kawawa naman ang Amber ko!" umiiyak na dugtong nito habang hopeless na umiiling. Napailing din siya. "Wala akong makitang masama kung makasal sa kaniya ang aking anak. Nasa kaniya na ang lahat ng magandang katangian na hinahanap ng isang babae sa isang lalaki." Bumuntong-hininga siya at marahang ipinatong sa balikat nito ang kaliwang kamay. "Hayaan mo akong magdesisyon para sa anak natin, Kriziel, natitiyak kong maganda ang magiging kalalabasan ng mga desisyon ko, papatunayan ko 'yan sa 'yo." "Magdesisyon?!" patanong na wika nito sa galit na tono. "You are being unfair to your daughter. Pinagkakaitan mo siya ng karapatan magdesisyon para sa sarili niya dahil diyan sa kompanya mong palugi!" "Hindi totoo 'yan. I do this not only for the sake of the company but also for her future." "Walang kuwenta ang future na sinasabi mo kung hindi magiging masaya ang anak mo!" bulyaw nito sa kaniya. Hindi siya nagsalita dahil nakadama siya ng pagod sa pakikipagtalo rito. Pumikit siya saglit at marahas na bumuntong-hininga bago binuksan ang mga mata at tinitigan ito. "Look, nasa baba ang mag-amang Villaverde, nakakahiya kung paghihintayin natin sila. Ayusin mo ang iyong sarili at puntahan ang iyong anak sa kaniyang silid," kalmadong sabi niya sa asawa bago tumalikod. "Andrew!" "I've already made up my mind, Kriziel. Nakapagbitaw na ako ng salita at ayaw kong mapahiya," aniya bago ito tuluyang iwan. ••• NAPATINGIN si Amber sa repleksyon ng kaniyang ina sa salaming nasa harap niya nang hawakan siya nito sa magkabilang balikat. "Mom, umiyak ka ba?" puna niya nang mapansin ang mga mata nito na bahagyang namumula. Ngumiti ito. "Napuwing lang ako," wika nito na pilit itinatago ang totoong nararamdaman. "Hinihintay na nila tayo sa ibaba." "Pero, Mom, sabi ni Dad kailangan hindi lang ako basta presentable pagharap sa bisita niya, kailangan mas maganda ako para hindi siya mapahiya," wika naman niya saka pinantay ang blush on. Muling ngumiti ang kaniyang ina ngunit hindi umabot sa mga mata, pero dahil abala siya sa ginagawa ay hindi niya iyon nakita. "You are beautiful enough, sweetheart. You don't even have to put on makeup para lang hindi mapahiya ang Dad mo," sabi nito. "Mom, hayaan mo na. May benefits din naman sa akin ang paglalagay nito." Sinipat niya ang sarili sa harap ng salamin. "Ang suot ko Mom, okay lang ba?" "Okay na okay anak, kahit ano'ng isuot mo maganda ka," sabi nito at sinipat siya ng tingin. "Mas magiging okay sana kung papalitan mo ang iyong dress anak, masyadong hubad ang balikat mo at…" binitin nito ang sasabihin saka napailing habang nakatitig sa kaniya. "Mom, binili 'to ni Dad para isuot ko raw sa gabing ito. Hindi ba bagay sa 'kin, Mom?" "No," maagap nitong wika. "Bagay na bagay sa iyo anak, napakaganda mo. Medyo daring lang kase pero sige, kung iyan ang nais ng iyong ama," wika nito na naging malungkot pa sa huling sinabi ngunit hindi niya pinansin pa. Napatawa siya ng mahina. Conservative ang kaniyang ina kaya sobra itong mag-react, pero kung sabagay napapaisip din naman talaga siya kung bakit kailangan siya pagsuutin ng kaniyang ama ng ganoong klase ng kasuotan para sa dinner na ito. Plain black dress ang suot niya, hindi umabot sa kaniyang mga tuhod ang haba niyon, humahakab sa makurba niyang katawan, off shoulder at medyo litaw ang kaniyang cleavage. Sinipat pa niyang muli ang sarili sa salamin bago inaya ang kaniyang ina upang bumaba na. ••• PAREHO ang naging reaksyon nila Amber at Carl Xin nang makita ang isa't isa sa pagbungad ng dalaga sa dining room. Gayunpaman ay mabilis na nahagod ni Carl Xin ng tingin ang dalaga upang makatiyak sa nakikita niya. Hindi siya maaaring magkamali, hindi nito maitatago sa manipis na make up ang hitsura nito dahil mataas ang kaniyang memorya at makilatis ang mga mata. Nagmukha nga lang itong sopistikada sa ayos nito ngayon kaysa nang araw na una itong makita. Napaka-sexy nito at seductive kahit pa nga sa itim na kasuotan nito. The delicate curve of her shoulders was captivating, bare and inviting. Ang makinis nitong cleavage na bahagyang sumisilip sa neckline ng suot nito ay hinahatak ang kaniyang tingin. Her long legs, elegantly shaped and reminiscent of finely crafted candle sculptures, seemed to stretch endlessly, radiating a mesmerizing allure that rendered him unable to look away. Tumikhim ang kaniyang ama na siyang umagaw ng atensyon niya buhat sa dalaga. Lihim siyang napahiya pero sinikap na maging normal. "Based on your reactions, hindi ito ang una ninyong pagkikita," ang kaniyang ama ang unang pumuna sa kanila. Kumilos ang mag-ina at naupo sa kaibayo nilang upuan. Nasa kanan ng padre de pamilya ang ina habang katabi nito ang dalaga. Bahagya siyang natigilan at nakiramdam sa pag-aakala na magsasalita ang dalaga patungkol sa sinabi ng kaniyang ama, subalit nang hindi ito umimik ay napatingin siya sa ama. "Ah, yes, actually, we have met before but I can no longer remember the exact day," kaswal na sabi niya at hindi napigil ang sariling sulyapan ang dalaga na tila tensionado nang mga sandaling iyan. "Oh, it's nice to hear!" sabi ng kaniyang ama na may galak sa tono. "Kung gayon, it is fate that makes your paths cross again," sabi naman ng ama ng dalaga. "I'm sorry?" napakunot ang noo na kaagad na tanong niya rito matapos marinig ang sinabi nito, iba ang dating noon sa kaniya. Ang dalaga naman ay napatingin lang sa ama nito. Habang ang ina ay tahimik lang, tila iniwan lang doon ang katawang-lupa habang nagliliwaliw ang isip. "By the way, this is my wonderful daughter, Amber. At Amber, siya si Carl Xin anak ni Mr. Justin Rico Villaverde," pagpapakilala nito sa kanila na hindi pinansin ang naging reaksyon niya sa sinabi nito kanina. Natahimik siya at napaisip. Naramdaman niya ang siko ng kaniyang ama sa tagiliran niya kaya naman tumayo siya at inangat ang kanang kamay saka inilahad iyon sa harap ng dalaga. Tila nag-atubili pa ito bago kumilos at tumayo rin upang tanggapin ang palad niya, doon ay naramdaman din niya ang nanlalamig na palad nito kagaya ng ina kanina. Kaagad namang naghiwalay ang mga palad nila at halos sabay pa silang naupo ulit. "Let us eat first bago natin pag-usapan ang mga dapat pag-usapan," sabi ng ama ni Amber. Kapwa sila tahimik habang kumakain hanggang sa matapos. Bagay na hindi niya naranasan dati sa ilang mga business dinner meeting niya. Unti-unti ay kaiba ang naging kutob niya sa nagiging takbo ng eksena sa pagitan nila. "Nasa tamang edad na ang aking binata and I can see that he can build his own family," kapagkuwan ay bigla na lang sabi ng kaniyang ama kaya naman naibaba niya ang table napkin na dapat ay ipupunas sa gilid ng kaniyang bibig. Kaagad siyang napatingin dito. Kagyat namang natigilan si Andrew at napatingin sa anak na dalaga habang ang esposa nito ay hindi pa rin kumikibo. "Marahil, wala pa sa tamang edad ang aking anak para mag-asawa, but I can say she can be a good wife dahil pinalaki ko siya sa tamang disiplina," sabi nito na dahilan para kaagad silang magkatinginan ni Amber. Hindi siya sigurado pero parang takot ang nakita niyang kumislap sa mga mata nito. "Dad, what's going on?" naitanong niya sabay tingin sa ama. "Didiretsuhin na namin kayo, nagkasundo kami na ipakasal kayong dalawa as soon as possible," tugon nito sa kaniya. "What?!" bulalas niya kasabay ang panlalaki ng mga mata at hindi napigil ang mapaklang tawa, habang si Amber ay hindi nagawang mag-react dahil sa labis na kabiglaan. "This is crazy!" hindi niya napigil na sabi sa mga ito sa medyo mataas na tono. "Nakapag-desisyon na kami," mariing sabi ng kaniyang ama. "What?" kunot ang noong tanong ulit dito sabay tayo. "Buhay namin ito at kami lang ay may karapatan magdesisyon sa mga buhay namin especially when it comes to marriage!" wika niya na hindi aware sa tuluyang pagtaas ng kaniyang boses. Tumayo rin ang kaniyang ama. "You heard me, Xin, we've decided. You will marry Amber, and Amber will marry you," matigas nitong sabi. Napagdiin niya ang mga labi at napatiim-bagang sa matinding galit. "Excuse me!" paasik na sabi niya sabay talikod sa mga ito at mabibigat ang mga hakbang na iniwan ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD