XXI - Stressed

1507 Words

PADARAG na isinarado ni Amber ang pintuan subalit pabalabag iyong bumukas muli dahil sa pagsipa ni Carl Xin. "Hindi ba sinabi ko na sa 'yo na piliin mo lahat ng salitang bibitawan mo sa akin?!" Namumula ito sa galit at halos patayin siya sa talim ng mga titig. Kinakabahan man ay ngumisi siya. "Dapat ba ako lang? Tapos ikaw lahat ng gusto mong sabihin sa akin p'wede kahit may kaharap na ibang tao?" "Hindi ibang tao si Nicole—" "Oo na, bestfriend mo, 'di ba?" nanunuyang putol niya rito. "Sa 'yo hindi siya ibang tao pero sa 'kin, oo!" Tumaas ang boses niya. Ngayon ay hindi na lang kaba dahil sa takot dito ang nadarama niya kun'di kaba dahil sa galit. Hindi nakapagsalita si Carl Xin at napatitig sa kaniya. "Bakit ba palagi kang nagagalit sa 'kin? Kasalanan ko ba na ganiyan ang buhay mo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD