SALUBONG ang mga kilay ni Carl Xin nang buksan ang gate. "Bakit ka narito?" kaagad niyang tanong sa kapitbahay, bakas sa tono niya ang komprontasyon. "I'm Seth, your neighbor," pagpapakilala nito imbes na sagutin ang tanong niya. Inilahad nito ang kamay pero inignora niya. Madalas niya itong matanaw sa bintana ng silid nito kapag nasa balcony siya, may mga pagkakataon pa ngang nakikita niya itong may kahalikan doon. Sa tingin niya ay nasa mid-twenties pa lang ito at napaka-cool ng dating. Hindi rin maikakaila ang kagwapuhan nito. "Yes, I know, I often see you kapag nasa balcony ako. Ano'ng kailangan mo?" bagkus ay wika niya sa hindi magiliw na tono. Ngumiti ito at tila tinantiya siya. "I just... wanna make friends with the beautiful lady I often see on your balcony these past few

