KABANATA XL: UNANG HAKBANG

3018 Words
NANG makapagpahinga na sina Ian at Vincent, nagpasiya silang magpatuloy sa paglalakbay. Kahit na nagsisimula nang dumilim ang paligid ay hindi pa rin nagpatinag si Vincent sa kanyang kuryosidad. Habang taimtim silang naglalakad, biglang nagsabi si Ian, kaya umangat ang ulo ni Vincent. "Boss?" tanong nito. "Paano kung malaman na nga natin ang sikreto nila? Ano ang susunod nating gagawin?" Biglang napaisip si Vincent. Sa totoo lang ay hindi pa niya alam kung ano ang gagawin niya pag nakita na niya ng aktuwal ang ginagawa sa mga Quadro. Hindi niya alam kung paano ito labanan, kapag biglaang may nakaharap sila. Pero kahit gano'n, may namamayagpag pa ring plano sa utak ni Vincent. "Magkakaroon na tayo ng tiyansang patigilin natin ang pagpaparami nila," prenteng sagot ni Vincent at tumingin sa kanyang harapan. Nagpatuloy sila sa paglalakad sa loob ng gubat. Tuyong dahon, matatayog na puno at ingay ng mga hayop ang kanilang nasasalubong. Sa tagal nang panahon na namamalagi na si Vincent rito ay kabisado na ang lahat ng galaw ng mga hayop. Kahit na malayo pa iyon, o kung kakagatin man siya, o kung susugurin sila, may sapat nang kaalaman si Vincent upang labanan ang mga ito. Bigla namang may kumaluskos sa banda ni Ian, kaya napaatras siya kay Vincent. Hindi masyadong makita ni Ian iyon dahin madilim na. Isa pa, nakatakip iyon sa mga tuyong dahon. "Bakit?" takang tanong ni Vincent nang maitulak siya ng bahagya ni Ian. "Ah..eh, boss. May ano kasi e.." nahihiya nitong sabi, habang nakatingin sa isang kumpol ng tuyong dahon. "Teka," ani Vincent. "Huwag ka munang gumalaw," anito at dahan-dahang naglakad papunta roon. Unang tingin pa lamang niya at rinig sa kaluskos, alam na niyang makamandag na ahas iyon. Pinalayo niya ng kaunti si Ian, habang dinudukot sa likuran niya ang matulis na bakal na lagi niyang dala-dala. "Huwag kang gumalaw ha? Diyan ka lang," paalala niya kay Ian. Sa takot ni Ian ay paulit-ulit siyang tumango. Nang akmang tutusikin na niya sa ilalim ng tuyong dahon ang ahas, bigla namang may kumaluskos sa likuran ni Ian, kaya napatalon siya ng wala sa oras at ang pokus ni Vincent upang hulihin ang ahas ay nawala. Tumakbo si Ian, at naiwan si Vincent. Hindi na alam ni Vincent kung sino ang ang uunahin niya sa dalawa. Mabuti na lamang at nakakita siya ng isang matibay na baging sa harapan niya. Iyon ang ginamit niya at mabilis na lumambitin doon. Muntik pa siyang matuklaw nang nasa kaliwa, mabuti na lamang at kaagad niyang naitusok doon. Ang isang ahas naman ay mabilis na gumapang papalayo. Habang si Ian ay nanginginig sa takot, si Vincent naman ay bumaba at kinuha ang bakal. Hindi pa gaanong patay ang ahas, nakanganga pa ito nang inangat ni Vincent ang bakal. "Ayos ka na ba?" tanong ni Vincent kay Ian, sabay binaba ang hawak nitong bakal. Nanginginig pa rin si Ian, ngunit pinili na lamang nitong sumagot. "O-oo boss. Maraming salamat!" anito at lumapit na kay Vincent. Sabay nilang tiningnan ang ahas na ilang minuto na lamang ay mamamatay na. Nang mapansin ni Vincent na hindi na iyon nagpupumiglas, kinuha na niya 'yon gamit ang kanyang kamay at tinitigan ang nakangangang cobra. "Sa sitwasyong iyon, hindi dapat natin pairalin ang ating takot at kaba. Matuto tayong magmasid at pag-aralan ang mga nasa paligid natin, para makagalaw tayo ng naayon sa napagkasunduan," wika ni Vincent at naglakad na. "Palalampasin ko ang kaduwagan mo ngayon, Ian. Sa susunod ay iiwan na kita," aniya. "Opo. P..pasensya na ulit," uutal-utal pa rin niyang sabi. Malalim na ang gabi at hindi na nila makita ang kinalang dinaraanan, kaya nang makaapak sila sa patag na lupa, binitawan ni Vincent ang kanyang dalang bag at umupo sa sanga ng puno. Hawak pa rin niya ang nahuling ahas. Maaari kasi nilang pantawid iyon ng gutom, habang hindi pa nila nakikita ang kanilanng destinasyon. "Kumuha ka muna ng tuyong sanga riyan, Ian," utos niya sa kasama. Mabilis namang ginawa iyon ni Ian, habang si Vincent ay hinahanda na ang ahas na kanilang iihawin. Nang makakuha na si Ian ng kahoy, nilapag nito sa harapan ni Vincent at kinikiskis sa magkabila. Kung hindi kasi naitatanong ay tinuruan siya ni Vincent na mabuhay sa loob ng gubat. Iniwan niya si Ian sa loob ng tatlong araw upang matuto. Masasabi namang epektibo ang ginawa niyang iyon, dahil natuto naman si Ian. "Ayos na boss," masayang sabi ni Ian, nang lumiyab na ang sinindihan nitong kahoy. Habang hawak ni Vincent ang bakal na siyang pinaglulan ng ahas, si Ian naman ay tahimik lamang na nanunuod habang inihinaw iyon ni Vincent. Napansin ni Vincent na walang imik ang kanyang kasamahan, kaya minabuti niya itong tanungin muna habang hindi pa luto ang ahas. "Gutom ka na ba?" tanong ni Vincent. Umiling si Ian. "Hindi boss. Naalala ko lang 'yung nagawa mo kanina. Ang galing e!" manghang sabi nito. Natawa lamang si Vincent. "Masasanay ka rin siguro kapag nagtagal ka na rito. Siya nga pala, noong nagpunta ka rito, nasaan ang magulang mo? Hindi ko pa natatanong sa'yo 'yun ah?" usyosong tanong ni Vincent. "Hindi ko na alam, boss. Basta may nag-alok lang sa akin ng trabaho rito. Pagkatapos, sina mommy at daddy nasa states e. Hindi na ako nakapagpaalam dahil nagkasamaan kami ng loob noon, bago ako umalis," paliwanag nito. Tumango lamang si Vincent. "Pero..nagkaroon ka na ba ng girlfriend?" nahihiyang tanong ni Vincent. "Oo boss," malungkot nitong pahayag. "Kaso nga lang, iniwan ako dahil adik ako noon," sagot ni Ian, kasabay ng isang mapait na ngiti. "Pero ikaw?" Napatingin si Ian kay Vincent. "Nagkaroon ka na ba ng girlfriend?" pagbabalik nito ng tanong. Umiling si Vincent. "Nako boss! Masaya ang magkaroon ng girlfriend! Kaya kung ako sa iyo, sungkitin mo ang puso no'n ni Miss Patricia! Pakiramdam ko kasi.." bumaba ang tono ng boses nito. "Ano?" kuryos na tanong ni Vincent. "Pakiramdam ko boss, may gusto 'yung lalaking niligtas natin kay Miss Patricia e," anito. "Naalala mo ba noong niligtas natin 'yon? Una niyang sinabi ang pangalan na Patricia, kaysa sa kababata niya!" dagdag pa nito. Napaisip nang malalim si Vincent. Tama nga si Ian. Kailangan na niyang gumawa ng hakbang para makuha si Patricia. Pero may isa pa siyang malaking problema na kinakaharap. Hindi siya marunong manligaw. "Kaya lang." Napakamot si Vincent sa kanyang ulo. "Hindi ako marunong manligaw e," nahihiya niyang sabi. Pigil na pigil ang pagtawa ni Ian, kaya sa huli ay yumuko na lang ito. Nagtataka naman siyang tiningnan ni Vincent at kumunot ang noo. Sa huli ay bumulalas na rin ng tawa si Ian dahil kay Vincent. "Bakit? May mali ba sa nasabi ko?" tanong niya. "Kasi boss.. Napakakisig ninyo. Guwapo, matapang, masipag at mabait pero..torpe kayo?" tawa pa rin nito. "Anong t-topr-" "Torpe, boss," pagtatama ni Ian. "Iyon ay 'yung ayaw mong manligaw o hindi ka marunong, dahil nahihiya ka. Sa mga ganyang sitwasyon, boss. Ako ang bossing mo!" pagyayabang ni Ian. "Paano mo naman nasabi na ikaw ang boss ko, aber?" tugon ni Vincent. "Kasi boss ako ang pinaka-expert pagdating sa mga panliligaw na ganyan. Siguro mga dalawang araw ko lang pinaghihirapan ang mga babae," anito. Namulagat ang mata ni Vincent. "Totoo?" hindi makapaniwalang tanong. "Oo boss. Si Cristine lang yata ang pinakamatagal kong niligawan e, siya rin ang pinakamatagal kong naging karelasyon," anito. "Ano ba kasing nangyari sa inyo?" Sa puntong ito, binaliktad na ni Vincent ang ahas at kaunting ikot na lamang ay luto na ito. "Ayun, nahuli akong may kinakamang iba," singhal nito. "Alam mo, boss. Noong umiyak 'yun si Cristine, para akong sinasaksak ng paulit-ulit. Napakasakit pala," anito. Natahimik si Vincent. Naalala niya kasi ang unang pagkikita nila ni Patricia. Nakatikim muna ng masasakit ang dalaga, bago siya kinausap ng maayos ni Vincent. Nagulat nga siya e, dahil hindi katulad ng ibang babae na nanlaban si Patricia. Tahimik lang siya no'n at hinihintay siyang matapos na magkukuda. Iniisip pa lamang niya na maging girlfriend si Patricia ay natutuwa na siya. "Boss?" tawag ni Ian. "Boss, sunog na ang niluluto mo!" sigaw ni Ian, kaya nagising siya sa ulirat. Nagkwentuhan tungkol sa iba't-ibang bagay sina Ian at Vincent. Naging masaya ang kanilang pagpapahinga sa gubat, habang rinig pa rin nila ang iba't-ibang tunog na nililikha ng mga ligaw na hayop. Nilatag nina Vincent at Ian ang kanilang baong damit sa ilalim ng malaking puno, saka sila humiga doon, habang taimtim nilang pinapanuod ang tahimik at payapang kalangitan. "Boss? Anong balak mo kapag nakalaya na tayo rito?" tanong ni Ian, habang nakatingin pa rin siya sa langit. "Hindi ko rin alam e," may ngiti sa labing sagot ni Vincent. "Siguro kapag nakaalis na tayo sa makakapal na harang na iyon, una kong gagawin tatalon," aniya. Sa totoo lang, hindi maipaliwanag ang dulot na saya ng itanong ni Ian 'yon Vincent. Hindi pa rin niya maisip kung ano ang gagawin niya kapag nakalabas na sila rito. Siguro yayakapin niya ang mga kasamahan? O hindi kaya tatakbo, tatalon? Hindi niya alam. Pero kung mangyari man iyon, siya na siguro ang pinakamasayang tao sa buong mundo. "Kung ako, makalaya na rito. Una kong gagawin, tatakbo ako pauwi at yayakapin ko sina mommy at daddy," wika naman ni Ian. Nakaramdam ng kirot sa dibdib si Vincent. Noong una ay hindi niya mapigilang mainis kay Ian, dahil gano'n na lamang nito tinatrato ang kanyang magulang, pero sa kabilang banda, iniisip niya na may rason sa bawat istorya nito. Naiinggit din siya dahil simula sanggol pa lamang siya ay iniwan na siya ng kanyang ama at ina sa baryong ito. Ni hindi niya naramdaman ang alaga at aruga ng magulang niya. Hindi niya naranasan iyon. Mabuti na lamang at inalagaan siya ni Nick. Ang tumayong ama at ina niya. Ngunit kalaunan, si Nick ay namatay rin dahil sa mga Quadro. Kaya simula noon ay tinatak na niya sa kanyang isipan na gagawin niya ang lahat upang matuklasan ang hiwaga nitong baryo. "Alam mo, Ian, napakaswerte mo," singhal niya. Kunot noo namang tumingin sa kanya si Ian. "Bakit naman, boss?Ang sabi mo sa akin noon napakamalas ko at tatanga-tanga pa?" anito. Oo, sinabi iyon ni Vincent sa kanya. Naiinis kasi si Vincent sa inaasal ni Ian. Ni hindi marunong magtrabaho at magbuhat ng mabigat. Halatang anak ng mayaman si Ian, pagdating niya rito, pero noong kalaunan ay parang kapantay na lamang siya nito. Nasabi rin ni Vincent na tatanga-tanga noon si Ian, dahil bawat madaanan nila ay nadadapa si Ian. Hindi siya marunong magmasid sa paligid at kapag naisipan ay iyon na agad ang ginagawa. "Nasabi ko naman sa'yo 'yan, kung bakit kita ginaganyan noon, hindi ba?" ani Vincent. "Oo boss. Pero syempre, nasaktan ako noon. Pero wala na sa akin ngayon 'yun. Basta ang mahalaga, nabubuhay tayo parehas," anito na ikinangiti naman ni Makmak. Noon, isang balasubas at walang alam sa buhay si Ian. Magkasingtanda lamang sila ni Vincent, ngunit ang ugali nito, parang bata. May itsura si Ian, kaya hindi nakapagtatakang maraming nagkakadarapa sa kanya sa labas, ngunit nabago ang lahat ng iyon simula nang nakasama niya si Vincent. "Natutuwa ako dahil binaon mo lahat ng binigay ko sa iyong aral. Sana, sa paglabas natin dito madala mo pa rin iyan," ani Vincent. Hindi na muling sumagot si Ian, dahil sawakas ay tinamaan na rin ito ng antok. Si Vincent naman ay pinipilit pa ring imulat ang mata. Inaalala niya kasi ang mga ligaw na hayop. Baka sa sobrang sarap ng tulog nila ay makaligtaan na nila ang panganib. Umupo at nilibang muna ni Vincent ang kanyang sarili sa paghampas ng kanyang sandata. Bilog na rin ang buwan, kaya madali na lamang niyang nakinita ang nasa paligid niya. Nang sipatin niya si Ian at mahimbing na ang pagkakatulog nito, kaya naman hinayaan na lamang niya. Ilang sandali pa, bigla siyang nakarinig ng mga boses sa di kalayuan. Noong una ay akala niya mali lang ang pandinig niya, ngunit nang marinig niyang palapit nang palapit ang boses na iyon ay mabilis na niyang ginising si Ian. Mabuti na lang din at patay na ang apoy na kanina nilang ginamit, kung hindi baka madali silang mahuli roon. "Ian! Gising dali!" bulong ni Vincent. Mabilis namang napabangon si Ian at nagtago sila sa likod ng puno na sakto namang paoadating ang mga Quadro. "Boss? Saan galing ang mga 'yan?" mahinang tanong ni Ian. "Hindi ko alam. Basta narinig ko lang silang nag-uusap kanina." Nasa harapan na nila ngayon ang dalawang Quadro. Tingin nila ay mga Mustad iyon dahil sa suot na umiilaw na relo. "Masakit ba ang pagkakalagay sa'yo?" tanong ng isang mustad sa kanyang kasamahan. "Hindi. Mabuti na lang at si Amethyst ang nakatalaga na maglagay niyon sa likuran natin ngayon e," sagot naman ng isa. Taimtim lamang na nakikinig sina Ian at Vincent. Kampante sila na hindi sila makikita ng mga Mustad, dahil isa sa mga kahinaan ng Mustad ay madilim. Mabuti na lang at hindi mga Meiko ang kanilang nakita, kundi baka hindi na sila abutin ng sikat ng araw. "Halika na.Kailangan na nating magpahinga," pag-aaya ng isa at sabay silang naglakad papalayo. Hinintay muna nila Ian at Vincent na makalayo ang dalawang Mustad, bago sila lumabas. Palaisipan pa rin sa kanya ngayon kung ano ang sinasabi ng mustad na iyon na dinikit sa kanilang likuran. Iyon kaya 'yung chips na nakita niya? Pero bakit dinidikit iyon? Isa pa, may hinala na siya na hindi sabay-sabay ang pagdidikit ng chips sa mga Quadro. Siguro ngayong araw ay mga mustad, sa susunod naman ay mga meiko, pilantis o hindi naman kaya ay Siporika. Ngunit sa kanyang pag-iisip-isip. Mas may nangibabaw sa kanyang pandinig. Ang pangalang Amethyst. Hindi niya alam kung saan niya narinig iyon o kung kanino. Basta pamilyar ang pangalan na iyon sa kanya. "Boss. Hindi kaya doon sila galing?" Turo ni Ian sa mga bakas ng paa ng mga Quadro kung saan sila nagmula. Tama. Ito na ang pagkakataon nila upang malaman kung ano nga ba talaga ang tinatago nila sa likod ng mga Quadro. "Halika. Sundan natin," pag-aaya ni Vincent. Habang naglalakad sila, bumabagabag pa rin sa isipan ni Vincent ang pangalang sinabi ng mga Quadro. Amethyst. "Ian?" tawag niya sa kasamahan. Humarap naman si Ian. "Narinig mo naman ang usapan kanina, hindi ba?" paniniguro niya. "Opo, boss. Rinig ko rin ng malinaw na 'yung Amethyst ang naglalagay ng chip sa likuran nila," anito. Tumango naman si Vincent at mas lalong lumaki ang kuryosidad patungkol sa Amethyst na iyon. Balang araw ay maalala rin niya kung saan niya narinig ang pangalang Amethyst. Nang makalayo-layo na sila Vincent sa dating pwesto, may nasilayan silang isang simentadong bahay. Punong-puno ng ilaw iyon kaya nakakasilaw. Malakas din ang kutob niya na iyon na nga ang kanilang hinahanap. Lalo pa siyang natuwa nang makita na isa-isang naglalabasan ang mga Quadro na mukhang kakatapos lang magpalagay ng chips sa likod, dahil bahid pa sa mga ito ang sakit. "Boss? Paano tayo makakapunta riyan? Baka may cctv diyan o monitor, mahuli pa tayo," saad ni Ian na mukhang kinakabahan na naman. Pinag-isipan munang mabuti ni Vincent kung paano nila makikita ang loob ng bahay. Sa paikot kasi ng bahay ay punong-puno ng mga ilaw. At kung sila man ay susugod, siguradong madali lamang silang mahuhuli ng mga ito. "Alam ko na!" bulong ni Vincent, kasabay ng ngiti sa kanyang labi. --- Sa kabilang dako, hindi pa rin mapakali sina Makmak, Ara at Patricia sa pag-eensayong ginagawa nila. Gabing-gabi na ngunit mulat pa rin ang kanilang mata. Kahit hindi na nila alam ang kanilang ginagawa ay patuloy pa rin silang nag-iisip. "Alam niyo, magpahinga muna tayo kahit saglit. Bukas na ang huling araw natin, kailangan nating ipahinga ang ating sarili lalo na ang ating isip," nahihilong sabi ni Ara, saka siya sumandal sa pader. "Ano kayang gagawin ko kapag nakalaya na tayo rito?" tanong ni Patricia sa kawalan. "Siguro una kong gagawin,tatalon ako," aniya. "Tatalon?" sabay pa nilang sabi ni Ara at Makmak. "Oo. Tatalon ako sa sobrang tuwa. Biruin niyo 'yun? Sa tagal nang panahon, nakalaya rin tayo," aniya. "Kung lalaya pa," tamad na sabi naman ni Makmak. Sinamaan naman siya ng tingin ni Patricia. "Alam mo, pareho kayo ni Ara. Masyadong negatibo ang iniisip ninyo," singhal niya. "Hindi," sabat naman ni Ara. "Iniisip lang namin ang posibilidad. Paano kung hindi na talaga tayo makalaya? Paano kung dito na tayo mamamatay?" anito. "Tumigil na!" suway ni Makmak at sinamaan naman ng tingin si Ara. "Walang mamamatay sa atin. Dahil paglabas natin rito, kakain pa tayo ng kakanin nila Patricia," anito. Ngumiti naman si Patricia. "Tumpak ka riyan! Kaya dapat, tulungan tayo rito," masayang sabi niya. --- Biglang nagsitakbuhan ang mga Quadro at nagsiksikan sa isang gilid nang mamatay bigla ang ilaw sa buong bahay. Nagkagulo na rin pati na ang iba pang tauhan na hindi pamilyar ang mukha kay Vincent. Bago pa niya patayin ang ilaw ay tiningnan pa niya ang ginagawa ng babaeng nakaupo sa tabi ng mesa, habang may sinusuksok sa likuran ng mga Quadro. Panigurado, iyon na nga ang sinasabi nilang si Amethyst. Mukha na iyong matanda, ngunit dahil sa marami nitong palamuti sa katawan ay hindi halata. Nakasuot din ito ng pulang damit, habang may suot na sumbrerong itim, dahilan para hindi mapansin o maaninag ni Vincent ang kanyang mukha. "Anong nangyari?" tanong ng mga kawal sa labas, habang sina Vincent at Ian at nakasabit lang sa bubong. "Hindi ko alam, baka may nasira sa loob," saad naman ng kasamahan nila. Nagngitian sina Ian at Vincent bago bumaba. Sinira kasi nila ang breaker na nagdudugtong sa mga ilaw at poste na nasa gilid. Ligtas na silang makakapasok, dahil kahit cctv o monitor na nakapalibot ay patay din. Kailangan lamang nilang mag-ingat, dahil iba ang pakiramdam ni Vincent kay Amethyst. Parang napakalakas ng awra nito sa kung sino man. "Kailangan nating makakuha ng sample ng chip na iyon at mapag-aralan," bulong ni Vincent. Nakita kasi niya ang chip na hawka ni Amethyst ay tinago nito sa durabox sa ilalim ng mesa. Sigurado, doon din nilalagay ang iba pang klasw ng chips. "No problem, Boss. Sikat akong akyat bahay sa amin," pagbibiro ni Ian. "Siraulo ka talaga," natatawang saad naman ni Vincent.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD