KABANATA XLIII: PAGKAWALA NG ISANG KAIBIGAN

3019 Words
Nakarating ng ligtas sa bahay sina Vincent, Makmak, Ara, Liv at Adonis. Pagbukas ng pinto ay kaagad na bumungad sa kanila ang mukha ni Patricia na alalang-alala. Kaagad niyang inakay sina Ian at Vincent papasok sa loob ng bahay. Hindi matawaran ang ngiti sa kanyang labi, habang hinihiga nila ang dalawa sa banig. "Jusko anong nanngyari sa kanila!" ani Patricia sabay kumuha ng bimpo at palanggana na may tubig. "Mabuti na lang naligtas ni Ian sina Adonis at Liv, may isang oras pa naman," ani Vincent at sumandal sa pader.Habang pinupunasan ni Patricia ang mukha ni Adonis na mas lubhang naapektuhan sa nangyari, bigla siyang kinabahan nang hindi na nito matinig ang paghinga ng kaibigan. Pinagkumpara niya pa iyon kay Liv at tinutok ang daliri sa ilong ng mga ito. "Teka lang," aniya at pinakiramdaman ang puso ni Adonis. "Adonis? Bakit hindi gumagalaw si Adonis!" Naalarma na ang lahat at pinalibutan si Adonis na hindi na nga humihinga. "A..adonis," singhal ni Liv ngunit nahihirapan pa siyang magsalita kahit pakonti-konti. "Adonis!" Yugyog nila sa katawan ni Adonis. Hindi nila tinigilan iyon, ngunit mas lalo silang kinabahan nang biglang umalingawngaw ang trumpeta nang napakalakas. "Hindi pwede to!" ani Vincent at tumayo. "Nalaman na nila ang ginawa natin! Kapag nakita nilang nasa atin sila, baka tayo rin bitayin!" anito. Nagtinginan ang magkakaibigan, nang biglang napatingin si Ara sa palikuran at binalik ang tingin sa kanila. "Alam ko na! anito at tumingin sa palikuran. "Pero paano?" aligagang tanong ni Patricia. "Napaliit ng pwestong iyan! Hindi natin sila masisiksik diyan," aniya. "Panandalian lang naman e," sabat naman ni Makmak. "May alam din akong pwesto, pagkatapos maghalughog dito ng mga guwardiya. Kailangan nating itago sina Liv at Adonis. Mainit ang mata sa kanila ng ibang guwardiya!" anito. Limang minuto rin bago tumigil sa pag alingawngaw ang trumpeta at naiayos na rin nila sina Liv at Adonis sa palikuran. Kahit tumutulo pa ang luha ni Patricia ay hinahawi niya agad iyon. Hinawakan naman ni Ara ang kamay ni Patricia upang kahit papaano ay maibsan nito ang lungkot. "Paano nila nagawa kay Adonis at Liv 'yon," bulong ni Patricia sabay hinawi ang mainit na likidong tumulo na naman sa kanyang pisnge. "Pigilan mo muna 'yan sa ngayon, Patricia. Paparating na ang mga gwuardiya. Kapag nakita nilang may kakaiba sa iyo, baka magsuspetsa sila," impit na sabi nito. Nang marinig na nila sa kabilang bahay ang paghahalughog ng mga guwardiya, panandaiang lumabas sina Ian at Vincent. Hindi sila nagpapahalata na may alam sila, kayat nakiusyoso pa sila sa kabilang bahay. "Kapag nalaman naming nandito ang mga guwardiya at tinatago lang ninyo, humanda kayo sa amin," pagbabanta ng isa na mukhang nakakataas sa kanila. Takot na takot namang tumango ang ginang at nangingiyak na dahil ginulo ng mga gwuardiya ang kanilang gamit. "Ang tanga kasi ni Arman! Bakit wala man lang nakunang video sa pagkuha nila kina Liv at Adonis!" tanong ng isang gwuardiya. "Hindi ko rin alam e. Hindi ko alam paano tayo napasukan doon. Ibig sabihin, magaling ang mga kaibigan nina Liv at Adonis," saad naman ng isa. Binatukan naman nito ang kanyang kasamahan. "Gungong! Mahina lang kayong magbantay," paninisi pa nito. Rinig na rinig ang usapan sa labas at nagkakagulo na ang mga guwardiya sa paghahalughog ng mga bahay. Kunwari namang nagluluto si Ara ng kanilang pagkain, si Makmak ay naglilinis sa loob, habang si Patricia at pinahiga muna nila at kunwaring natutulog. Hindi kasi niya mapigilang umiyak at baka kapag nakita ito ng mga guwardiya ay maging sanhi pa siya ng pagkawala ng dalawa niyang kaibigan. "Kayo!" Biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang mukhang lider ng kanilang grupo. "May alam ba kayo tungkol sa pagnanakaw?" Turo nito kay Ara. Si Ara naman ay prenteng nagtitimpla lang ng kung ano sa lababo at sinimsim iyon. Sumandal siya sa pader at tumingin sa nangagagalaiting mga guwardiya. "Edi maghanap kayo," wika nito. Tatlong guwardiya ang naghahalughog sa buong bahay. Sina Makmak at Ara ay magkaiba ang kanilang ginagawa at sinisigurado nilang hinfi magtatama ang kanilang mata sa mga matatalim na tingin ng mga guwardiya. Panatag silang hindi makikita sina Liv at Adonis, dahil ang palikuran ay ginawa nilang isang bodega. Doon nila nilagay ang mga sirang gamit at hinarangan sina Liv at Adonis doon. Mabuti na lamang at hindi sila gumagalaw at walang malay, kung hindi baka hindi na sila makalabas pa ng buhay doon sa sobrang sikip. "Ano boss, may nakita ba kayo?" tanong ni Makmak nang may sumilip na isang guwardiya sa palikuran. Nagtagal pa siya ng kaunti doon at nang marinig ang tanong ni Makmak ay siya namang harap nito sa kanya. "Wala. Hali na kayo, wala tayong mapapala rito," saad ng isang guwardiya. Tumingin muna ng matalim ang mga guwwardiya kay Makmak at Ara bago lumabas. Iyong isa ay tinanggal pa ang pagkakakumot kay Patricia. Mabuti na lamang hindi na humihikbi di Patricia, dahil dagdag pagdududa naman iyon. Nang makalabas na ang mga guwardiya, dali-dali namang tumayo si Patricia at pumasok naman sina Vincent at Ian upang tanggalin ang nilagay nilang kung-ano ano upang harangan lang sina Liv. "Jusko, tatalon na ang puso ko sa kaba kanina," wika ni Ian habang tinatanggal ang mga kahoy na naroon. Nang mailabas na nila, si Liv ay unti-unti nang nagkakamalay. Ngunit si Adonis. Namutla na siya ng husto at hindi na gumagalaw. Napansin din ni Makmak na may bangas ang ulo ni Adonis at mukhang namuo pa ang dugo nito sa loob. "Adonis!" Sigaw ni Patricia nang makumpira na talagang patay na ang kaibigan. Minulat naman ni Liv ang kanyang mata at unti-unting umiyak habang dahan-dahang hinahawakan ang kamay ng kanyang kaibigan. "A..adonis," bulong nito. "S-sabi mo..sabay pa tayong..mamamatay. Ba..bakit nauna ka na?" anito at nagsimula nang tumulo ang kanyang luha habang mahigpit na hinawakan ang kamay ng kaibigan. "Kasalanan ko ito e," paninisi sa sarili. "Kasalanan ko kung bakit kami binugbog doon," dagdag pa. "Ano ba ang nangyari sa inyo? Bakit kayo nahuli? Sino ang nagsumbong sa inyo?" sunod-sunod na tanong ni Makmak. Tumingin naman sa kanya si Liv at nagngingitngit ang kanyang ngipin sa galit. "May isa kaming kasamahan. Tinuring namin siyang kaibigan at kapatid. Ngunit hindi namin alam na siya rin pala ang magtutulak sa amin sa kamatayan," anito at muling umiyak. Bigla namang niyakap ni Patricia si Liv dahil hindi na maatim ng kanyang konsensya ang kanyang nakita. Nabiglang tinanggap iyon ni Liv. "Patawad.." humahagulgol na sabi ni Patricia. "Kung hindi dahil sa akin, baka masaya pa rin ang buhay niyo ngayon. Malaya pa rin kayo," aniya habang hindi pa rin tumitigil sa kakaiyak. "Wala kang kasalanan, Patricia at kahit kailan, hindi ka namin sinisi sa nangyari sa amin," anito. "Mas nalaman pa nga namin kung sino ang totoo sa amin. At maraming salamat sa inyo." Tinanggal ni Liv ang pagkakayakap ni Patricia at isa-isa nitong tiningnan sina Vincent, Ian, Makmak at Ara. "Maraming salamat sa inyo. Utang namin sa inyo ang buhay namin," ani Liv habang nangingilid na naman ang luha sa kanyang mata. "Ano bang nangyari sa inyo? B..bakit ganyan? Pinahirapan ba kayo?" sunod na tanong ni Patricia. Tumango lamang di Liv habang tulala pa rin sa kisame. "Kinuryente, pinagpapalo at binuhusan ng malamig na tubig. Nakakatuwa nga e,kasi mismong mga kasamahan namin ang gumawa niyon. Kaya nagkaganyan ang kaibigan ko. Kaya nawala ang pamilya ko," madiin sa pagkasabi niyang iyon. "Gusto kong bumawi sa kanina." "Bumawi?" tanong ni Makmak. "Sa paanong paraan?" anito. Pagtapos maipaliwanag ni Liv ang balakk niyanng gawin, sinabi rin ni Makmak na hindi siya maaaring magtagal sa bahay na iyon at kailangan siyang ilipat sa mas kumportable siya. Naalala ni Ara ang kubo nila sa burol. Nakakatawa lang dahil nagtugma ang sinasabi ni Vincent at sinasabi ni Ara dahil napuntahan na rin nila iyon. Pinangako rin ng grupo na tutulunging tugisin ni Liv si Don Hernandez, upang matigil na ang ilusyong iyon. Kinagabihan, pinagpahinga na ang mga babae. Ayaw pang bitawan ni Patricia ang kamay ni Adonis, ngunit napilitan siya dahil ililibing na lamang daw nila iyon sa burol. Doon muna rin mamamalagi si Liv at dadalhan na lamang ng pagkain kung kinakailangan. Sina Ian, Vincent at Makmak naman ay sinamahan si Liv na magpunta sa burol. Sinuotan nila ito ng sumbrero at damit. Ginupitan na rin nila ang mahabang buhok ni Liv upang hindi siya makilala. Bago sila umalis, nagpasalamat pa si Liv kay Patricia at sinabing totoo itong kaibigan. Pinangako rin nito na mabibigyang hustisya ang pagkamatay ni Adonis. Hindi siya papayag na hindi sila makapaghiganti hanggat narito pa rin sila. Ilang oras ding nawala sina Makmak, Ian at Vincent. Nagpasiya naman sina Patricia at Ara na hintayin na lamang ang pagbabalik nila. Maaga-aga pa naman at balak din nilang sanayin ang kanilang sarili para sa magaganap na laban bukas. Masyado nang marami ang buhay na kinuha, pinangako nila sa isa't-isa na hindi na sila dadagdag pa doon. Habang naghihintay sina Ara at Patricia, nagkwentuhan muna ang dalawa tungkol sa nangyari kanina. "Ayos ka na ba?" tanong ni Ara. Panandaliang hindi sumagot si Patricia, bagkus ay suminghal siya. "Hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kanina nang makita na wala ng buhay si Adonis. Naging mabuti siyang kaibigan sa akin. Hindi ko alam na mawawala siya ng gano'n lang," aniya. "Hindi natin alam kung kailan kukunin ng Diyos ang buhay na pinahiram niya sa atin," wika naman ni Ara na nakatingin sa kisame. "Pero atleast, hindi ba?Nagampanan niya ng maayos ang kanyang tungkulin. At bago pa siya mamatay, naramdaman niyang nagkaroon siya ng importansya sa ginawa niyang pagligtas sa iyo," anito. Hindi na muling sumagot si Patricia. Naalala na naman kasi niya ang simula nang pagkakakilala nila nina Liv at Adonis. Simula sa unang nakita niya na umiiyak ang dalawa, hanggang sa magsimula ng magbiro si Adonis at sinasabayan naman iyon ni Liv. Sa pangalawang pagkakataon, niligtas din siya ng dalawa. Hindi pa rin niya maiwasang hindi sisihin ang kanyang sarili sa nangyari. Iniisip niya na kung hindi ba siya niligtas no'n nina Liv at Adonis, buhay pa rin kaya si Adonis ngayon? Si Liv, hindi kaya siya nagtatago ngayon, kung hindi niya ako pinatakas? Masaya pa rin kaya ang buhay nila?" paulit-ulit na tanong na bumabagabag sa isipan ni Patricia ngayon. Napatigil sa pagmumuni-muni si Patricia nang biglang bumukas nang malakas ang pinto. Akala nila ay sina Makmak na iyon, kaya napaupo sila at hinintay na pumasok ang mga kaibigan, ngunit nabigla ang dalawa nang iniluwal niyon ang gwuardiya kanina na naghalughog sa bahay nila at nanghihinala na doon tinago. "Anong ginagawa mo rito?" galit na sabi ni Ara at tumayo. Tumawa lang ang guwardiya at hinakbang ang paa palapit sa kanila. "Wala. Medyo may naaamoy lang akong kakaiba kanina rito," panunuksong sabi nito. Bigla namang inilabas ni Ara ang kanyang matulis na kutsilyo sa paanan at mariing tinutok sa guwardiya. "Subukan mo pang humakbang. Malilintikan ka sa'kin," malutong na sabi ni Ara. Tumawa lang ang guwardiya at tinaas ang dalawa nitong kamay. "Dahan-dahan ka lang, Miss. Gusto ko lang naman mag-inspeksyon," anito at kunwari'y patingin-tingin pa sa likod. "Pinanghihinalaan mo ba kaming nagtago sa dalawang guwardiya?" sabat ni Patricia. Tumawa muli ng nakakaloko ang gwuardiya. "Masyado ka namang advance mag-isip, pero pwede rin," sabay baba nito sa kutsilyong nakaamba sa kanya. "Mag-iinspeksyon lang ako, kung talagang wala kayong tinatago," anito. Tumango na lamang si Patricia kay Ara, kahit gusto na nitong saktan ang guwardiya. Hinayaan nilang magtingin sa paligid ang guwardiya, at nang wala itong makita, bumalik na ang tingin kina Patricia at Ara. "Siya nga pala," anito. "Mukhang wala yata ang kalalakihan ninyo?" kuryos na tanong. Tila natameme si Ara sa tanong na iyon at walang masagot na magandang dahilan. Napansin iyon ni Patricia at ngumiti. "Bumili lang ng makakain namin," wika niya. Nagkibit balikat na lamang ang guwardiya at naglakad papunta sa tapat ng pintuan. "Sige. Galingan sana ninyo bukas," anito at umalis. Nakahinga ng maluwag ang dalawa, simula nang maglakad papalayo ang guwardiya. akala nila ay mahuhuli na sila niyon. Mabuti na lamang kanina, nang tanggalin nina Ian ang mga harang sa palikuran at tanggalin sina Liv at Adonis doon, naisip din ni Ian na ibalik ang mga iyon, dahil nakaramdam din siya na nanghihinala ang guwardiyang iyon at babalik pa. Ilang minuto lang ang lumipas, bigla na namang nagbukas ang pinto at sa puntong iyon, naglakad na si Ara patungo sa harapan at inamba ang kanyang matulis na kutsilyo. "Hindi ka pa rin titigil ah?" bulong nito at nang saktong pagbukas ng pinto, pareho silang nabigka ni Makmak nang nakaharap sa binata ang kutsilyo. Mabuti na lang at hindi siya natuloy, dahil baka magilitan siya ng leeg ng wala sa oras. "Ara! Ano ba yan?" gulat at inis ang namutawi sa boses ni Makmak. Sina Ian at Vincent sa likuran ay nabigla rin. Kaagad namang binaba ni Ara ang hawak niyang kutsilyo at nakahinga nang maluwag. "Pasensya na. Paano kasi, iyong isang guwardiya pasulpot-sulpot rito!" inis na sabi niya at naglakad patungo sa mesa. "Guwardiya?" pag-uulit ni Makmak. "Oo," sabat naman ni Patricia. "Naghalughog siya rito. Mabuti na lang pala at sinauli niyo rin ang mga tambak sa palikuran. Baka manghinala pa 'yon e," aniya. "Mabuti na lang pala at naihatid na namin si Liv sa burol," wika naman ni Ian. "Siya nga pala," kumusta si Liv?" tanong ni Ara. "Ayun. Malungkot siya nang nilibing namin si Adonis. Wala pa rin siya sa katinuan. Ayaw pa sana namin siyang iwan e, kaso siya na ang nagpumilit. Mukhang desidido talaga siyang gumanti kay Don Hernandez," wika ni Makmak at lumagok ng tubig na kinuha niya. Umupo na rin sa upuang kahoy sina Ian at Vincent. Si Ara naman, pinaghanda sila ng makakain dahil batid sa mukha ng dalawa na nagugutom na sila, pero nahihiya lamang silang magsabi. "Grabe, marunong ka pa lang magluto, punggok," pang-aasar ni Ian kay Ara. Sinamaan lang siya ng tingin nito at hindi na sumagot. Napagkwentuhan nila ang naganap kanina. Hindi naman daw mahirap ang pagbalik nila. Mahirap ang pagpunta nila doon, dahil bantay sarado ng mga guwardiya ang buong eskinita na maaari nilang daanan. Pinilit tumayo ng diretso ni Liv kahit halata pa rin ang panlalambot. Mabuti na lang at hindi iyon nahalata ng ibang guwardiya. Iyong huli naman nilang nakasagupa, hinarang pa sila at kinausap panandalian, mabuti na lang at dumaan sa ibang eskinita si Liv, kayat hindi sila nahuli. Naikwento na rin nina Patricia, Makmak at Ara ang tungkol sa magaganap bukas. Mabuti na lang daw pala at nabanggit nila iyon, dahil wala pa ring ideya sina Ian at Vincent. Inalok din ni Patricia na dito muna matulog ang dalawa. Pumayag naman sila, pero hindi raw sila matutulog. Magbabantay daw sila ng bahay, dahil baka may pumasok na namang kung sino-sino. Pumayag naman sina Ara at Makmak. Si Ara ay pinipilit lamang makisama, dahil ang totoo ay umuusok na ang kanyang ilong sa tuwing inaaasar siya ni Ian. Maghahating gabi na. Nagpasya ang mga kababaihan na mauna nang matulog. Ang oras daw kasi ng laban bukas ay magsisimula nang alas syete ng umaga. Nabanggit din daw ni Liv kanina na maaari rin sumabak si Patricia sa laban dahil wala raw kahit anong rekord ang nakakataas sa mga manlalaro at kung nakaligtas noong huling antas ay maaaring sumubok ngayon. Mapalad pa rin si Patricia kahit papaano dahil sa mga kaibigan. Si Makmak ay nakisali naman kina Vincent. Hindi rin daw siya matutulog dahil kanina nang tingnan niya si Patricia ay kinikilig siya nang sinabi ni Vincent na babantayan daw siya. Hindi naman nagpadaig si Makmak at ganun din ang kanyang ginagawa. Sa kabilang banda, habang mahimbing na natutulog sina Patricia at Ara, si Ara ay tila nananaginip na naman ng masama. "Isa kang masamang kaibigan," bulong ng kung ano sa panaginip ni Ara, kaya nagsisimula na namang pumasok sa isipan niya ang nangyari sa kanyang ama. Hindi niya alam kung bakit napapadalas ang panaginip niyang iyon, at magigising na lanang siya bigla. Palagi din siyanf naiiyak tuwing naaalala iyon, ngunit hindi lamang niya pinapahalata sa mga kaibigan, dahil ayaw niyang isa sa pa siya sa mga iisipin. Ngunit sa pagkakataong iyon, habang humihikbi si Ara, biglang pasok naman sa loob ni Ian upang sana kumuha ng tubig. Pupunasan na sana ni Ara ang kanyang luha ngunit huli na ang lahat. Nakita iyon ni Ian at nabahala. "Anong nangyari sa iyo, Ara?" tanong nito at ang iinumin sana niyang tubig ay binigay na kay Ara. "Wala. Napuwing lang ako," pagkukunwari niya,ngunit hindi nakumbinsi si Ian. "Gusto mo bang tawagin ko si Makmak?" alok niya ngunit mabilis na hinawakan ni Ara ang braso ni Ian. "Huwag. Pakiusap, huwag," aniya at nagsimula na namang mangilid ang kanyang luha. "Naalala ko lang ang papa ko," wika niya. "Bakit?" Umupo si Ian sa tabi niya. "Anong nangyari?" tanong nito. "A..ako kasi ang dahilan e." "Dahilan ng ano?" takang tanong ni Ian. "Namatay si papa dahil sa akin," nagsimula na siyang umiyak. "Akala ko ayos na ako kapag nawala siya. Akala ko mababawasan yung sakit, kapag nakapaghiganti na ako, pero hindi pa rin pala," aniya. Hinagod naman ni Ian ang likuran ni Ara at pilit na pinapatahan. "Naniniwala tayo na nasa huli ang pagsisisi. Sa una, akala natin ayos ang lahat. Ayos ang hakbang na gagawin natin, ayos na ang plano. Pero hindi natin alam na may nakakaligtaan pa rin tayo," anito. "Alam mo, bagong salta lang ako rito. Iniwan ko sina mommy at daddy sa labas, dahil lang sa hinold nila ang laman ng atm ko," tumawa siya ng mapait. "Diba? Gaano kagago 'yun? Iiwan mo ang taong mahal mo para lang sa pera," dagdag pa nito. "Pero ngayon, tingnan mo naman, dahan-dahan natututo na ako. Katulad mo. Hayaan mong palayain ang sarili mo sa nakaraan. Alam natin na hindi na mababalik ang buhay ng ama mo, pero hindi pwede na habang buhay ka na lang magkukukong doon," anito Biglang natauhan si Ara at tila sinampal siya ng reyalidad. Tama nga si Ian. Nasa huli ang pagsisisi, at hindi na kailanman maibabalik niyon ang buhay na wala na. Ang maaari na lamang niyabg gawin ay palayain ang sarili sa puot at galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD