KABANATA XLII: TAKAS

3049 Words
Malapit na ang tinakdang oras ng bitay nina Liv at Adonis. Maayos na ring nakapagplano sina Makmak, Ara, Vincent at Ian. Habang si Patricia ay mananatili lamang sa bahay, habang hindi pa bumababa ang lagnat niya. "Dala niyo na ba lahat ng kakailanganin?" tanong ni Makmak sa kasamahan, habang sinusukbit sa kanyang balikat ang itim na bag. Dumiretso naman sila sa labas, pagkatapos magpaalam kay Patricia. Nakailang ulit pa si Patricia na gusto niyang sumama, ngunit hindi iyon pinahintulutan ni Vincent dahil kita pa nila ang pananamlay ng mukha ni Patricia. Nakita naman ang ginawang pag-alalay ni Makmak, kaya tiim bagang na lamang tinuklap ang kanyang kamao. "Ara? Alam mo na ang gagawin hindi ba?" tanong ni Vincent. Tumango naman si Ara. "Sa harapan ako at mag mimistulang tagapagbantay ninyo. "Tama," ani Vincent. "Ako naman sa gilid at babantayan ang tatlong guwardiya na nag babantay." Nabalitaan kasi nila na tatlong guwardiya lamang ang ginawa nilang bantay sa plaza, mamayang hapon. Kahit gano'n, alam nilang hindi magiging madali sa kanila iyon, dahil ang tatlong guwardiya na iyon ang madalas na nanlalamang sa mga manlalaro. "Kaming dalawa na ni Ian ang aakyat aa likuran," saad naman ni Makmak. Napag-aralan na kasi nila ang buong plaza. Kung saan nakalagay ang mga monitor, kung saan nakapwesto ang mga nagbabantay, pati na kung nasaan sina Liv at Adonis. May isang butas rin sa likuran ng bilangguan, kung saan doon papasok si Ian. Ang butas kasing iyon ay maliit lamang at payat lang ang makakapasok roon. Dahil si Ian ang may alam pagdating sa mga elektrikal, siya na ang inatang doon. Habang si Makmak naman ang nasa labas at hihintayin ang signal sa loob ni Ian. "Handa na pala ang lahat e. Sana maging handa na rin sina Adonis at Liv sa pagligtas natin sa kanila," wika ni Makmak. Mabilis lamang silang nakarating doon. Wala pang katao-tao at tirik na tirik pa ang araw. Tansya nila ay nasa alas dos pa lamang ng hapon, kaya wala pang nagsisidatingan. Pero nang tumungo ang tingin nila sa gilid ng plaza ay nagbabantay na ang tatlong guwardiya. Nagpalipas muna sila ng oras sa ilalim ng puno ng acacia. Hinihintay na magpahinga ang tatlong guwwardiya at saka sila susugod. Kung hindi naman epektibo ang kanilang unang plano, maglalakad na si Vincent papunta sa kinaroroonan ng mga iyon at saka niya lilibangin at kakausapin. "Huwag muna tayong maging mainipin. Masyadong kampante ang mga guwardiya, dahil alam nilang nakamonitor ang mga kinikilos natin," saad ni Vincent. Pasimple namang nagpalinga-linga si Ian sa paligid at kaagad niyang nakita ang mga monitor na maliliit na nakasuksok sa gilid ng bubong. Binilang niya iyon ay humigit kumulang treinta iyon na nakapalibot sa buong plaza. Panigurado, isang maling galaw lamang dito ay papaulanan na sila ng bala ng mga guwardiyang iyon. "Nakuha ko na," ani Ian sa kanila. "Ang alin?" tanong ni Ara. "Nakuha ko na kung ilang monitor ang nakapaligid sa lugar na ito. Isang maling hakbang at todas tayo," bulong nito. "May naisip akong plano." Lumapit ng bahagya ang tatlo sa kanya at animoy nag-uusap lang at nagtatawanan nang tingnan sila ng mga guwardiya, ngunit seryoso na pa lang pinapaliwanag ni Ian ang kanyang gagawin. "Kung mapatay ko ang switch ng lahat ng iyan, hindi magre-record ang ginagawa ngayon o maaaring mabura iyon. Bago tayo kumilos, kailangan ko munang hanapin ang source nila ng kuryente, para hindi na tayp mahirapan. Habang hinahanap ko iyon, si boss ay didiretso na sa mga guwardiya at kunwari makikipagkwentuhan. Si Makmak naman ay susunod sa akin at babantayaj ang nasa paligid. Ikaw ara, dito ka lang at mag-signal sa akin," paliwanag nito. Sumang-ayon naman ang lahat habang hinihintay ang limang minutong palugit ni Ian. Nang matapos na ang kanilang paghihintay, Tumango na si Vincent at nagsimula nang maglakad patungo sa pwesto ng mga guwardiya. Sina Makmak at Ian naman, kunwari'y naglalalakad-lakad kung saan hanggang sa mapunta na sila sa likuran ng plaza. Walang nagbabantay doon, kaya tumingin muli si Makmak kay Ara na pasimpleng nagbabantay sa paligid. Tumango si Ara, hudyat na maaari na nilang gawin ang kanilang misyon. Kinakabahang lumalapit si Vincent sa tattlong guwardiya na may bitbit na baril sa kanilang balikat. Nakailang buga pa siya ng hangin, bago tuluyang kumalma. "Ah, boss?" tawag niya sa mga ito. Sabay-sabay namang tumingin sa kanya ang tatlo. Kahit hindi niya kita ang mukha ng mga ito ay parang lulusawin siya ng mga tingin ng mga guwardiya. "Ano 'yon?" tanong ng pangatlo sa kanila sa kanan. "Ahh. Ano ho ang mayroon dito mamaya? Mukhang may kasiyahan ah?" Pasimpleng ngumiti si Vincent habang dahan-dahang umupo malapit sa mga guwardiya. "Hindi ka ba nakikinig, bata?" iritang tanong ng nasa gitna. "Mamaya bibitayin ang dalawang guwardiya na nagtaksil," paliwanag nito. Kunwari'y kumunot ang noo ni Vincent na parang hindi alam ang nangyayari. "H-ha? Anong nagtaksil? Mukhang hindi ko alam 'yan ah? Akala ko...akala ko magkakasiyahan lang kayo," pagkukunwari niya. "Mamaya gaganapin iyon, at matutunghayan ninyong lahat ang pagpugot sa ulo ng dalawang taksil na iyon. Mabuti nga sa kanila. Nagpapakabayani sila, kaysa gampanin ang tungkulin nila bilang guwardiya," wika ng nasa unahan na sa tono ng papanalita nito ay parang may tinatagong galit kina Adonis at Liv. Nilibang ni Vincent ang tatlong guwardiya. Sawakas, sa loob ng ilang minuto ay naging palagay na rin ang loob ng mga ito sa binata at nakiupo na rin kay Vincent sa inuupuang simento. Sa loob-loob ni Vincent, tuwang-tuwa siya dahil walang kamalay-malay ang tatlong ugok na guwardiya na iyon na pinapasok na ang kanilang ruta. Sa kabilang banda naman, maayos na nakapasok sa loob si Ian sa loob. Si Makmak ay naiwan sa labas habang matamang nagmamatiyag. Nang makapasok na si Ian, wala siyang inabutan sa unang silid. Walang laman iyon at puro alikabok at mga nagtatagong daga lamang ang sumalubong sa kanya. Nagdadaahan-dahan siya palabas ng silid na iyon. Paglabas niya, may nakita siyang dalawa ulit na silid. Isa sa kaliwa at isa sa kanyang kanan. Naguguluhan na siya kung saan doon nakakulong sina Liv at Adonis, ngunit nang makakita siya ng isang tali na nakalabas sa kaliwang silid, doon siya nagpunta. Bubuksan na sana niya ang kaliwang pinto, ngunit bigla siyang nakarinig ng yabag at mga taong nagsasalita. "Ilang oras na lang at bibitayin na sina Liv at Adonis," tatawa-tawang sabi ng isa. Hindi naman sumagot ang isa at dumiretso sila sa isa pang daan. Habang si Ian ay nakatago sa likurang pinto, hinintay niyang makalayo ang dalawa bago siya tuluyang pumasok. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid kung may monitor doon, at laking pasasalamat naman niya na wala. Pinili niyang pumasok sa kaliwa. Masyado kaaing tahimik doon at may kung anong nag-uudyok sa kanya upang pumasok. Pagpihit niya ng seradura ng pinto, bumungad sa kanya ang isang malaking upuan at mga nakapalibot na computer. Nanlaki ang kanyang mata at umawang ang bibig. Dahan-dahan siyang pumasok doon at sa upuan, naabutan niya ang isnag guwardiya na manimbing na natutulog. Kaya pala hindi sila napapansin dahil ang nagbabantay sa mga cctv ay natutulog. Dahan-dahan siyang naglakad upang tingnan ang paligid. Nakita niya sa tapat ng inuupuan ng guwardiya, naroon ang isang malaking keyboard at isang kulay pula na pindutan. Iyon siguro ang emergency buttom. Sa pitong monitor na nasa harapan nila, kitang-kita ang mga hakbang na ginagawa nila sa labas ng plaza. Pati si Ara ay kitang-kita na naglalakad-lakad sa gilid. Si Vincent naman ay nagkakasiyahan sila ng tatlong guwardiya. Hinanap niya ang footage nila ni Makmak, ngunit wala siyang makita. Ibig sabihin, hindi na saklaw ng cctv ang likuran ng plaza. Malaki ang tiyansa nila na mailigtas nga sina Liv at Adonis. Naglakas-loob na si Ian na kapain ang kutsilyo sa kanyang paanan. Nang tagumpay niyang makuha iyon ay isasaksak na sana sa leeg ng guwardiya na tanging iyon lamang ang walang bakal sa kanilang katawan. Ngunit sa kasamaang palad, biglang nagising ang guwardiyang iyon at gulat na gulat na nakita si Ian. "Sino ka! Bakit ka nakapasok rito?!" galit na sabi ng guwardiya, ngunit pinilit ni Ian na tamaan ng kutsilyo ang leeg ng guwardiya. Masyadong malakas iyon, kaya nakipagmatigasan sila sa isa't-isa. Hindi kinaya ni Ian ang lakas ng guwardiya, kaya sa pagtulak nito at tumilapon siya sa malaking keyboard at tinamaan ang emergency button. Sa pagtamang iyon, lalong nagalit si Ian, kaya buong tapang niyang sinaksak ang leeg ng guwardiya at kalaunan naman ito'y natapos rin. Nakita niya sa lahat ng footage na nagkakagulo na ang mga guwardiya sa labas at nagsisimula na silang pumasok. Hindi na alam ni Ian kung ano ang kanyang gagawin. Pati sina Vincent at Ara ay hindi alam ang nangyayari sa labas. Patuloy lamang na nag-iisip ng paraan si Ian. --- Biglang tumunog ang emergency button at isang malakas na alingawngaw ang kanilang narinig. Naalarma si Makmak at bumalik sa pwesto ni Ara kung saan pati si Ara ay nag-aalala na rin. Si Vincent ay bumalik na rin sa kanilang pwesto. "Anong nangyayari?!" kinakabahang tanong ni Vincent habang pinagmamasdan ang mga guwardiya na parami nang parami ang paounta sa plaza. Nakapasok na rin ang iba. Wala silang ideya kung nasaan at anong nangyari sa kaibigan nilang si Ian. "Hindi ko alam. Kanina ko pa hinihintay si Ian, pero walang lumalabas!" kinakabahan ding sabi ni Makmak. "Teka kumalma muna tayo!" ani Ara at nag-iisip. "Kumalma?" galit na sabi ni Vincent. "Kapag may nangyaring masama sa kaibigan ko hindi ko mapapatawad ang sarili ko!" anito at naglakad papunta sana kuran ng plaza, ngunit pupunta pa lamang siya roon nang harangin na siya ng dalawang guwardiya. "Boss may naiwan lang ako!" pagmamatigas nito. "Bata. Kung magmamatigas ka pa, baka iputok na namin sa ulo mo itong hawak naming baril," matalas na sabi ng guwardiya, kaya wala na siyang magawa. "Kainis!" sabunot nito sa kanyang buhok at bumalik sa pwesto nila ni Makmak at Ara. --- Hindi na alam ni Ian kung ano ang gagawin nang marinig ang maraming yabag ng paa papunta sa silid kung nasaan siya. Huminga muna siya ng malalim at taimtim na nag-isip. Ilang segundo lamang bago pumasok ang mga gwuardiya at bago siya patayin, sa wakas ay nakaisip din siya ng paraan. Biglang bumukas ang pinto ng silid, habang prente siyang nakaupo sa malaking upuan habang nakasandal. "Anong nangyayari dito?!" tanong ng isa sa nakakataas na guwardiya. Humarap naman si Ian, suot ang uniporme ng guwardiya na kanyang pintay. Balot rin ng bakal ang kanyang mukha, kaya hindi siya mahahalata doon. "Pasensya na, pinuno. Nakaiglip lang ako at hindi ko namalayan na napindot ko na pala ito," pagkukunwari ni Ian. Kahit natakasan niya ang kamatayan, hindi pa rin niya maitatanggi na nanginginig ang laman niya sa takot. Pinipilit lamang niya makapagsalita ng diretso at paulit-ulit siyang lumulunok ng laway. Bigla namang naglakad ang guwardiya patungo sa pwesto niya habang nagngingitngit ang mga ngipin. Hinawakan nito ng mahigpit ang leeg ni Ian. "Ako ba niloloko mo?!" galit na sabi nito. Hindi naman makapagsalita si Ian at nanginginig na ang tuhod. "H..hindi gano'n, boss. Pasensya n--" "Anong pasensya?! Ginulo mo kaming lahat! Akala namin may lapastangan nang nakapasok rito, tapos pasensya lang?" anito at akmang tatanggalin pa sana ang harang sa mukha ni Ian, mabuti na lang at pinigilan ito ng isang guwardiya. "Tama na 'yan, Ador. Pinapatawag ka ni pinuno," anito, sabay tinanggal ang kamay na sumasakal kay Ian. Binitawan nito si Ian, kaya napaupo at napaupo si Ian sa upuan. Akala niya ay foon na magtatapos ang kanyang buhay.Mabuti na lang talaga at may awa pa sa kanya ang Diyos. "Babalikan kita ha!" pagbabanta pa ni Ador. "Tama na 'yan! Halika na," aya naman ng isa at sabay-sabay silang lumabas ng silid. Nakahinga ng maluwag si Ian. Bumuga siya ng hangin ng ilang ulit at tumingala. Tiningnan niya ang pinatay niyang guwardiya na tinali niya roon. Mabuti na lang at natali rin niya ng makapal ang sugat nito sa leeg, kundi nagkalat na ang dugo sa lapag. "Muntik na ako roon ah?" wika ni Ian at isa isang tinanggal ang record ng footage. Pero bago niya gawin iyon, may huli pa pala siyang footage na hindi nakita. Pagkalipat niya sa isang computer, naroon lahat naka-record ang ginawa niya. Sa katabing silid, naroon nga sina Adonis at Liv na walang damit pang-itaas. Animoy natutulog ang dalawa at sugatan ang mukha. Kaagad niyang kinuha ang record na iyon at pinatay ang isang computer na konektado roon. Lumabas siya ng silid ng walang kahirap-hirap. Kahit may nakakasalubong siyang iilang guwardiya ay hindi naman siya pinagsuspetsiyahan. Hindi muna siya kaagad pumasok sa isang silid dahil baka makahalata ang mga nagbabantay roon. May nakapansin naman sa kanyang isang guwardiya na parang kanina pa binabantayan ang kilos niya. "Arman!" tawag nito. Hindi tuloy alam ni Ian kung haharap siya dahil may tinatawag ang guwardiya. "Hoy! Bakit ka lumabas roon?" inis na sabi nito. Dahan-dahan namang humarap si Ian at tumingin sa guwardiyang iyon. Kumpirmado nga na Arman ang pangalan ng guwardiyang nakatalaga sa silid na iyon. "Ano?" tanong ni Ian. "Bakit ka lumabas? Baka may makapuslit doon!" galit nitong sabi. Sa loob-loob ay nakakunot ang noo ni Ian. Siguro may galit ang guwardiyang ito kay Arman, kaya pati paglabas ay binabawalan siya. "Nauuhaw lang ako," tipid na sabi ni Ian at naglakad na paalis. Dumiretso siya sa isang hallway, dahil sinundan ang iba pang guwardiya. Kahit hindi niya alam ang pasikot-sikot dito ay hindi siya nagpahalata na naninibago siya. Alam kasi niya, isang maling hakbang lang ang gawin niya ay maari ng magresulta ng kapahamakan sa kanya,pati na sa dalawang guwardiya na ililigtas niya. Siya na lamang ang pag-asa ng grupo, kaya mas lalo niyang tinatatagan ang kanyang loob. Kahit takot ay pinipilit pa rin niyang makisabay. Nakarating siya sa isang kantina. Naroon kumakain ang ibang guwardiya at nakatanggal ang kanilang harang sa mukha. Didiretso sana siya sa loob, ngunit baka tanggalin din ang harang sa kanyang mukha, kaya hindi na lang. "Oh, Arman. Saan ka pupunta?" Sulpot ng lalaki kanina. "Akala ko ba, iinom ka?" panunuksong sabi nito. "Hindi. Ayos na ako, nagpahangin lang ako,"pagkukunwari ni Ian at akmang aalis na. Gusto man niyang suntukin ang lalaking iyon ay hindi niya magawa at pinipilit ang sariling kumalma. "Ikaw bahala," anito. Naglakad na papunta sa hallway kung saan naroon ang silid nina Adonis at Liv. Tingin ni Ian ay tanghalian ngayon ng mga guwardiya, kaya dumagsa ang karamihan sa kantina. Ito na ang tamang pagkakataon, upang maitakas niya ang mga gwuardiya. Nang makita niyang malinis na ang paligid, mabilis na pumasok sa loob si Ian at nakitang walang malay ang isa sa mga guwardiya. Nagising ang isa doon at tingin niya ay si Liv iyon. "Hindi! Ayoko!" pagpupumiglas nito ngunit tinanggal ni Ian ang kanyang maskara at nagpakilala. "Ililigtas kita. Gisingin mo na ang kasama mo!" aniya sa lalaki. Masaya namang umupo si Liv at ginising si Adonis na nanlalambot pa rin hanggang ngaton dahil sa paghihirap na ginawa sa kanila. Nakaramdam ng awa si Ian nang makita ang namuo at natuyo nang dugo sa mukha ng dalawa kaya mas lalo pa siyang ginanahang tulungan ang mga ito. "Itatakas ko kayo rito. Isa akos a kaibigan ni Patricia, kaya wag kayong mag-alala," aniya. "Patricia?" tanong ni Adobis habang akay-akay na sila palabas. "Hindi nga ako nagkamali ng niligtas," anito at sumilay ang ngiti sa labi ng dalawa. Malinis ang buong daananan nila. Wala ni isang bantay ang naroon. Maglalakad na sana sila pabalik sa butas na pinasukan ni Ian, ngunit may nakita silang isang Quadro na mahimbing na natutulog sa gilid ng silid. Parang may binabantayan ito ng kung ano. Nilagay muna ni Ian sa gilid sina Liv at Adonis, mauuna siyang magpunta roon at tingnan kung naroon pa nga ba si Makmak. --- HINDI mapakali si Makmak at nang pumasok na ang iilang guwardiya at naiwan ang isa sa likuran ay kaagad niya itong pinatumba at pinatulog. Wala na siyang pakialam kung hulihin man siya o patayin, basta makalabas ng ligtas sina Ian, Liv at Adonis na naging malapit na rin nilang kaibigan. Mabuti na lamang at medyo tatanga-tanga ang nagbatay sa likod ng plaza at mabilis na napatumba ni Makmak. Sinuot niya ang uniporme ng guwardiya at kunwari'y siya ang nagbabantay. Sina Ara at Vincent naman, sinikap nilang maging lookout sa harapan. Mayroon na silang dadaanan sa likod, sinisigurado lamang nila na walang makakalusot. Habang naghihintay si Makmak sa likuran,biglang may sumulpot sa butas. Laking gulat niya na guwardiya iyon. Prente pa siyang tumayo at kunwari ay hindi nagulat, ngunit nang tinanggal na ng guwardiyang iyon ang kanyang maskara ay laking gulat niya na si Ian iyon. "Ian?" tawag niya. Nabigla naman si Ian sa Inasta ni Makmak na akala niya ay guwardiya. Tinanggal din niya ang maskara at tuwang tuwa si Ian na makita ang kaibigan. "Mabuti na lang at nariyan ka! Nailigtas ko na sila!" anito. "Teka lang! Magbantay ka lang diyan at pauunahin ko na silang makatakas," dagdag pa nito. "Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo, Ian! Nag-aalala si Vincent," aniya ngunit mabilis na umalis si Ian at pagbalik ay kasama na nga niya si Liv at Adonis. Una niyang pinalabas si Liv at mabuti na lang ay nasalo iyon ni Makmak. Pangalawa naman si Adonis na mauubusan na ng dugo sa ulo, kaya nanlalambot na. Pagbaba ay binuhat din siya ni Makmak. Sina Ara at Vincent naman ay nakita kaagad nila sina Liv at Adonis. Si Ian ang panghuling bababa. Nang tagumpay nailigtas ni Ian sina Liv at Adonis, at tagumpay rin na nakatakas siya mula sa mapanganib na lugar, kaagad nilang ginawa ang pangalawang plano. Mayroon silang nakitang butas sa likuran ng plaza palabas. Doon nila isa-isa pinalabas sina Liv at Adonis. Inalalayan naman iyon ni Ara at Vincent. Huling lumabas ay si Ian at si Makmak. Binantayan pa nila ang buong paligid, bago tuluyang makalabas ng ligtas. Mabuti na lamang at walang nakakita sa kanila doon. "Sigurado, tuwang-tuwa si Patricia sa ibabalita natin," masayang sabi ni Vincent habang akay-akay si Adonis. "Oo. Lalo na kung makita ang dalawa na buhay," dagdag pa ni Ian na bitbit naman si Liv. Pagtingin nila kay Adonis ay wala pa rin itong malay, kaya mas lalo nilang binilisan at dumaan sa makikipot na eskinita. Sina Ara at Makmak naman ay nagpaiwan muna saglit sa pinagdaan nila, at tinitingnan kung may nakakita ba sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD