“HI! Wala kang shift ngayon?” Lapit ni Luigi kay Charlyn with his ever disarming smile. Like usual, naka-gym outfit ito, pero hindi pa pawisan dahil laging mas naka-focus ito sa kliyente kaysa sa sarili. The gym background music was ‘Kilig’ by Maja Salvador, tamang-tama dahil maraming babae ang nakatingin sa binata na parang mga bulateng binudburan ng asin. “Katatapos lang, dumiretso na ako dito. Kasama ko pala sina Mia, at ‘yung dalawa kong kaibigan sina Eros at ‘yung head Chef namin si Kuya Darren, naroon sila sa receptionist.” Sumulyap siyang saglit sa likuran ‘di kalayuan. Naroon si Mia na naka-tight jeans, pink crop top at pink rubber shoes. Si Darren naman ay all-yellow gym outfit fromhead to toe. At si Eros… no comment. Kausap ng mga ito ang receptionist na si Zaza at nagtatawanan.

