IT WAS already midnight when Lester was still at Adonis’ Fitness Center. Mabilis at buong lakas nyang sinusuntok ang punching na kulang na lang ay mapatid at lumipad. Tagaktak na sa buong katawan niya ang pawis na animo naligo. Mukhang mapipigaan na rin ang kanyang shorts. He was making a sound like he was destroying something with such full force. Isang buong pwersang suntok ang pinakawalan niya sabay niyon ang huli at mas malakas na pagsigaw na para bang isa iyong kaaway na gusto niyang patayin. Bumalik ang punching bag at hindi na niya iyon na-counter, bumangga sa kanya dahilan ng pabagsak niya sa malamig na sahig. Saglit na nanlabo ang tingin niya sa kisame dahil sa pawis sa mga mata at pinunas iyon gamit ang likod ng kamay na mayroong bandage. Taas-baba ang kanyang balikat dahil sa h

