DALAWANG LINGGO na ang nakalilipas, balik na sa dati ang routine ni Charlyn: bahay-trabaho-Sunny Bright orphanage. Tuwing day-off ay doon niya ginagawa ang gawaing bahay at kumakain sa labas, minsan kasi ay nagyayaya si Luigi. Kung si Mia naman ang pag-uusapan ay nangungumusta naman ito at ganoon din siya kahit ba nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan, parehong neutral lang ang sagot nila sa palitan ng message at okay lang iyon. Alam din niyang abala si Mia sa trabaho. Mabagal na naglalakad si Charlyn sa loob ng compound ng Clover Condominium a las quarto y media ng hapon. Napatingin siya mga lalaking naroon sa court at naglalaro ng basketball. Bigla siyang natigilan nang may maalala. Dalawang linggo na rin pala ang nakalilipas simula ng huling makita ni Charlyn si Lester na nagba-basket

